Love is Sacrifice

252 25 0
                                    

Hindi ko alam kung kailan ako huling nakaramdam ng ganong takot. The time I saw him bleeding it felt like I was bleeding too. Huminto ang lahat pati na ang pag-ikot ng mundo ko. Live for me. Live for us.. please?

-Nikka-

Pakonti-konting hikbi na lamang ang naririnig sa akin sa loob ng kotse ni Makki na si Kuya na ang nagmamaneho ngayon. I'm scared, really,really scared. Paano kung... umiling ako sa aking naisip. No! Hindi yun mangyayari. He promised me na hindi siya bibitaw.

Napalingon si kuya sa akin habang paliko kami sa hospital parking kung saan dinala si Makki. Pagkapark na pagkapark ni Kuya ay agad kong pinihit ang pambukas ng kotse pero nakalock ito. Napabaling ako kay Kuya na mataman akong tinititigan sa ngayon.

"Kuya please.." hindi ko na alam kong anong sasabihin pero alam kong alam naman niya ang ibig kong iparating.

" First, I need you to calm down Nikka. Breathe,okay? Kailangan ko munang malaman ang buong detalye ng sa gayon eh mapaalam ko kaagad kay SPO2 Dominador." Mahabang paliwanag niya.

Sinunod ko ang kanyang sinabi at huminga ng malalim. Saka ko naisipang isanaysay lahat-lahat.

" I'm heading to his car ng biglang..may umatake sa akin Kuya. Nakamotor then nakablack mask. The bullet na tumama kay Makki? Was..really for me." Naiyak na naman ako sa naisip na kaya siya nandito ay dahil sa akin. Inunlock ni kuya ang kanyang seatbelt ay saka lumapit sa akin at niyakap ako. I cried hard..real hard. Tama nga si Kuya kung hindi ko siya dinamay sa gulong ito hindi sana siya mapapahamak. I drag him to hell..with me. Ang selfish ko, sobrang selfish.

" I promise na kapag umayos na siya magmamigrate na akong states with you Kuya. Dapat ko na siyang layuan para hindi pa siya mas mapahamak ng dahil sa akin." Umiyak lang ako habang si Kuya ay tinatahan ako. Kahit masakit this time gagawin ko na yung tama ng sa gayon ay hindi na siya masangkot sa problema ng aming pamilya.

Ng humupa na ang iyak ko ay saka kami nagdesisyon na bumaba ng sasakyan. Agad lumapit si Kuya sa akin at may binulong. " Maging alerto ka sa paligid dahil kong ikaw talaga ang target nila malamang sa malamang aatake ulit sila." Kinabahan ako bigla sa sinabi niya.

Ano ba talaga yung nagawa namin at bakit ganito nalang kami kong huntingin ng mga taong iyon?

Ng nakapasok na kami sa loob ng hospital ay saka palang ako nakahibga ng maluwag.

Nagtungo kami sa emergency room kong saan dinala si Makki. Sobrang laks ng kaba ang nadarama ko habang nag-aantay kaming matapos ang operation niya.

Ng lumabas na ang Doctor ay agad kaming lumapit sa kanya. " Doc, kumusta na yung pasyente?" Paunang tanong ni Kuya.

" We almost lost him pero lumaban talaga ang pasyente. He lost a lot of blood pero naging succesful naman ang pagtanggal ng bala. Kailangan na lang muna siyang imonitor ngayon at magpahinga. He is still not that stable." Tinapik ng Doctor ang balikat ni Kuya saka siya umalis. Napaupo ako sa narinig. Not stable, ibig sabihin hindi pa talaga siya ganun kaligtas.

Alam kong dapat ngayon naiyak na ako pero pakiramdam ko ay wala ng lumalabas na luha sa aking mga mata sa sobrang pag-iyak kanina. Umupo rin si Kuya sa tabi ko at saka ako hinawakan sa balikat.

" Nikka please, wag mo naman sisihin ang sarili mo. It wasn't your fault, sobrang nasasaktan akong makita kang nagkakaganito." Nilingon ko siya, nakita ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata. Saka ako yumuko at nilagay ang mga kamay sa aking mukha.

" Kahit anong isip kong hindi ko nga kasalanan ang nangyari kuya hindi ko parin iyon maiwasan. The bullet was for me pero sinalo niya and thats why he's here" nanlumo ako sa aking sinabi. Its really my fault.

WrittenDove le storie prendono vita. Scoprilo ora