Our Written Friendship

250 20 0
                                    

"Masisilayan mo lamang ang bahaghari pagkatapos ng ulan"
-Nika-

Naglakad lang ako ng lakad habang patuloy pa rin sa pag-iyak. Ang saki kasi isiping ganun ang tingin ni Kuya sa akin. Lagi naman akong nakikinig sa kanya pero ba't ganun pakiramdam ko eh hindi niya pa rin ako kayang pagkatiwalaan.

Alam ko nagkamali ako dati at alam kong nasaktan ko siya seeing me so devastated at that time..pero di ba mas natututo ka pag nasaktan ka? And I swear I learned a lot from that experience.

Naglakad lang ako ng naglakad at napahinto ng marealize kung pataas na ng pataas ang mga damo sa aking paligid. Lumingon-lingon pa ako sa paligid at ng mapansing walang katao-tao kung nasaan ako ngayon ay mas lalo akong napaiyak dahil sa kaba.

Ayoko kapag ako lang mag-isa sa isang lugar. Nagpapanic attack agad ako. Ano na ngayon ang gagawin ko. Bumalik ako sa dinaanan ko kanina pero mas lalo lang tumaas ang mga damo. Kumulimlim din na parang uulanya! Makki!" Nagsisigaw na ako sa kaba. " Kuya! Makki!" Nagsisigaw na ako sa kaba. Medyo nanginginig na rin ang kamay ko.

Tinignan ko ang aking wristwatch at nakitang magaalas-dose na ng tanghali. Narinig kung kumulo ang aking tiyan. Hindi pa naman ako nakapag-almusal kanina huhuhuhu. Lord help. And dami ko ng nabanggit sa aking isipan na mga santo. Naglakad ulit ako kunti pero parang walang nangyari. Ganun pa rin napapalibutan pa rin ako ng matataas na damo.

Nag-isip akong mabuti kung saan akong parte nanggaling kanina pero wala. Dahil sa pag-iyak ko kanina medyo blurred na yung mga nakikita ko.

Kroo..kroo.(tunog ng tiyan niya) napahawak ako sa aking tiyan.. " Gutom na talaga ako." Nanghihina na rin ako sa kakaiyak kanina plus gutom na rin ako ngayon kaya medyo nagyeyellow na yung paningin ko.

Ilang oras lang akong nakatayo dito at nagbabakasakaling may dadaan na tao pero wala pa rin. Isang oras na ang lumipas at nagsisimula na akong mahilo talaga..yung parang matutumba. Sobrang gutom na gutom na ako at pagod. Medyo malayo-layo rin kasi yung nalakad ko kanina.

I started crying again at unti-unti ng umupo sa damo. Wala na akong pakialam kung madumihan man ang damit ko. Kailangan ko lang talagang umupo dahil baka matumba ako. Ang tahimik.. tanging mga hikbi ko lang ang aking naririnig. Ano ba ang nagawa kong mali at nangyayari sa akin ito.

Ang isang beses bang pagpiling lumigaya ay ito ang magiging kapalit? Bakit ba kailangan masaktan ng tao para matuto? Bakit pa kailangan nating umiyak para maibsan ang ating mga nararamdaman. Ano ba ang mas dapat mong sundin? Ang yong puso o isip.

Mumunting hikbi na lamang ang lumalabas sa aking bibig. Mga hikbing pag nawala ay paniguradong nakakabinging katahimikan na ang aking malalasap. I'm trembling ng pagtingin ko sa aking orasan ay alas tres na. Wala pa ring napadaan kahit isa. Dalawang oras na lang at magaala-sais na.

" Nika! Nika! " Kahit hilong-hilo ay agad akong napatayo ng marinig kong may tumatawag sa aking pangalan. Someone's looking for me.. hinanap nila ako. Halos mangiyak-ngiyak na akong sumisigaw rin.

" Nandito ako!!si Nika ito..nandito ako!" Pero walang sumasagot.. " Tulong!!!" Malakas kung sigaw dahilan para sumakit yung aking lalamunan. I don't have the strenght to walk kay munting sigaw lang ang nagagawa ko.Ngunit hindi ko na ulit narinig ang boses. Guni-gunin ko lang ba iyon? Pero bakit pakiramdam ko ay totoo? Napaupo ulit ako sa damo.. hindi ko alam ang aking gagawin.

Mas dumilim pa ang langit kaya alam kong mahihirapan na silang mahanap ako. Nagsimula na ulit ako makaramdam ng kaba dahil sa aking naiisip. Mag-iisa ako dito sa kagubatan magdamag. Malamig at madilim..paano kung may malaking ahas ang biglang kumain sa akin? Paano na? Mamatay na lang ba akong hindi man lang alam ng taong gusto kung may nararamdaman ako para sa kanya? Mamatay na lang ba akong magkagalit kami ni Kuya?.

Napahagulgol ako sa aking mga naiisip. Nakatungo na ako at hindi magkamayaw sa pag-iyak ng biglang may mga kamay na humaplos sa aking likod. Agad akong napaangat ng tingin at sa isang iglap lahat ng pag-aalala ko ay biglang nawala na parang bula.

" Ma-makki" yun lang ang tangi kung nasambit at kaagad na siyang niyakap. Niyakap rin niya ako pabalik. Isang yakap na alam mong safe ka. Isang yakap na assured kang magiging okay din ang lahat.

" Shh.shh..andito na ako Niks, tahan na" may pag-aalala niyang sabi. Agad akong napahinto sa pag-iyak ngunit nanatili ang aking mga mangilan-ngilang hikbi.

Agad akong kumalas sa yakap niya ng medyo nahimasmasan na ako. " I'm so scared Maks" mabilis kung sabi sa kanya. Trying to say it para malaman niyang nayakap ko siya out of fear. " I know, I know. I' m sorry.. hindi sana ito nangyari kung hindi dahil sa akin. Its all my fault Niks." Sising-sisi niyang sabi.

Nasaktan naman ako para sa kanya. What his showing me now is so selfless. Its sad na hindi ito makita ni Kuya. Kung hindi siguro ako nafall sa kanya dati malamang sa malamang siya yung bestfriend ko at si Aimee sa tagal ng pinagsamahan namin. Its not him who left..it was me. I got scared on what I felt, at sobrang nasaktan ako.

Umiling ako sa kanya. " You don't have to say that..wag mong aminin ang mga bagay na alam naman nating wala kang kasalanan. Alam kong you're doing this to bring back the friendship we had before.. and for that I thank you. I should be one one saying sorry to you Maks. Sobrang sama ko" Hindi ko inaasahang sa sitwasyon ko pa na ito marerealize ang lahat. I'm willing to be his friend again and I' ll do everything to protect our friendship even if it means na tatapakan ko ang feelings ko for him. Sa pagkakataon ding ito..I'll swear I' ll never leave him unless sabihin niya sa akin ng harap harapan.

Tumulo na ng tuluyan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan while confronting him. Agad naman niya ito nasipat at saka dahan-dahang pinunasan gamit ang kanyang hinlalaki. " I told you before di ba na ang pangit mo kapag umiiyak, kaya tahan na" natawa ako sa sinabi niya. Sinapak ko nga siya ng mahina sa braso tapos sabay kaming tumawa dalawa. " Tse!" Pabiro kong sabi sa gitna ng tawanan naming dalawa.

Bigla siyang tumigil at naging seryoso.." It feels good to hear it from you again Niks. Ang tagal din bago ko muling narinig ang palayaw na yan. I would exchange everything in this world just to hear you say it again. Will you say it again..my name?" May ningning sa kanyang mga mata while sinasabi ito and for a while... muntik na akong mahulog sa mundo niya. " Please?".

" Maks" tipid kong tugon sa munting kahilingan niya. Agad sumilay ang ngiti sa kanyang labi ng marinig ito. His smike still affects me just like before.. I'm drawn into his deep soul. Ang hirap palang hindi mainlove sa kanya sa pangalawang pagkakataon. Pero ang tanong? Kelan ko nga ba siya tinigilang mahalin?

"You are my Maks and I am you're Niks. No one should call you Niks unless its me..and no one is allowed to call me Maks unless its you. Promise?" " promise" munting tugon ko sa kanya.

Napangiti ako sa ala-ang iyon. That was almost six years ago at akalain mo yun natiis ko siya ng ganun kahaba.

Tinulungan niya akong makatayo pero muntik na akong matumba.. nanghihina na rin kasi yung tuhod ko sa gutom. Nagulat ako ng bila siyang umupo patalikod sa akin. "Piggy back ride?" Nakangiti niyang sabi pero nahiya pa rin ako. "A-ayos lang ako" mahina kung sagot sa tanobg niya. Pero imbis makinig eh hinawakan niya ang isa kung kamay at iginiya sa likod niya.

Well wala na akong nagawa kasi I'm just too weak to protest. "Simula ngayon, kumain ka na ng breakfast..payat ka naman na eh" napangiti ako sa pangangaral niya sa akin. Oh God knows how much I miss him. Napansin kung medyo lumalayo na kami sa may spot kung saan jiya ako natagpuan kanina. "Wait, nasan si rush?" Nagtataka kung tanong sa kanya.

" I was so worried kanina Niks, kaya nakalimutan ko yung kabayo." Pagpapaliwanag niya sa akin." What?!, so you mean kakargahin mo ako hanggang doon sa pinagdalhan mo sa akin kanina..sa private place. Well, alam kong malakas siya pero kasi..nakakahiya. Medyo malayo pa naman yun.

" Wag ka mag-alala okay?mas malakas pa kaya to sa kabayo" nakangiti niyang sabi. " Teka parang di naman ata yin kabayo ah!paramg kalabaw?" Pagkatapos kong sabihin ito ay sabay kaming natawa.

If he would exchange everything in this world just to hear me say his name..ako naman I would exchange everything in this world just to be with him..kahit isang kaibigan lang.

WrittenWhere stories live. Discover now