Track # 01

59.2K 1.8K 185
                                    


Where is...?

Aenas Altarde

I was still inside my car, waiting for the others to arrive. Nasa labas ako ngayon ng bahay ni Biboy. Nabuo kasi kahapon ang usapan na magkikita – kita kami ngayon para sabay – sabay na dalawin si Biboy. Hindi ko alam kung anong aasahan ko sa pagkakakita ko sa kanya ngayon. Kunsabagay, kahapon din naman ay wala akong inaasahan sa pagkikita ko at ng mga dati kong kaibigan. Oo, dati, hindi na kasi talaga kami nagkaroon ng kahit anong komunikasyon matapos ang gabing iyon sa Araneta.

It's sad because for almost a decade and a half, kami – kami ang magkakasama. Siguro nga ay may malaki akong kasalanan sa pagkawala ng banda at ng pagkakaibigan naming lahat, but I am not taking all the blame, lahat kami ay responsible sa kung anong nangyari sa aming lahat. We all hated one another at some point in our lives. Pero sa ngayon, mukhang maayos naman na ang lahat, mukhang okay na kami sa isa't isa. Vito even asked us to go to his pub last night, sasama nga sana ako kung hindi ko lang naalalang may naghihintay pala sa akin.

May kumatok sa bintana ako. Nakita ko si Creon na kumaway pa sa akin. Nag-thumbs up ako at saka bumaba ng sasakyan. We shook hands.

"Musta?" He nodded at me. "Kanina ka pa?"

"Medyo." Wika ko naman. Namataan kong may huminto ring sasakyan sa likod ng kotse ko. Mula roon ay bumaba si Atlanta. May hawak siyang coffee cup. May maliit na ngiti sa labi niya habang papunta siya sa amin ni Creon.

"You're late." Akusa ko sa kanya. She only made a face. Paganda nang paganda si Atlanta. Napangisi ako.


"Gago." Wika niya sa akin. "Nasaan na iyong iba?"

"Papunta na si Jason, may dinaanan lang siya, si Pascal, nasa kanto na raw. We don't know about Diego."

"I didn't even ask. Pumasok na tayo. Just tell the others were inside already."

"You have everyone's number?" I asked Vito Creon. He nodded. "You never asked for mine."


"Wala ka naman kahapon sa session!" Defensive na sabi niya. "Atlanta, well we never lost any contact. She's a dear friend."

"Unfair!" I hissed at him.


"You can just give me yours." Tumawa siya habang inaabot sa akin ang phone niya. Agad ko namang kinuha iyon para ibigay ang numero ko. Habang nagtitipa ako ay may kung sinong pumanabay sa akin. Tumingin ako at nakita ko si Pascal.

"Traffic talaga, taena, nagmotor na nga ako wala pa ring nangyari." Paliwanag niya kahit wala namang nagtatanong. Pumasok na kami nang tuluyan sa loon, sinalubong kami ni Wena, ang kapatid ni Biboy.


"She grew up." Pascal commented.

"As expected, dude." I told him. "Ang awkward kung hindi nagka-edad si Rowena." Pang-iinis ko pa. Yumakap si Wena kay Atlanta tapos ay tumingin sa amin nang may ngiti sa labi.

"Hi, mga kuya." She waved. Kahit nakangiti siyang ganoon ay may kalungkutan pa rin namumuo sa mga mata niya. Nakangiti siya hanggang sa bigla na lang siyang mapahikbi. Hindi tuloy kami makagalaw. "Ate, maraming salamat." Baling niya kay Atlanta.

"It's nothing. Hindi naman mahirap kausap ang mga iyan." Wika ni Atlanta at saka sinenyasan na kaming tatlo.

"Creon, ask where the hell is Jason."

"And Diego?"

"That too."

Nagtuloy na kami sa loob. Hindi pa rin nagbabago ang bahay ni Biboy. Presko pa rin ang dating niyon. Napapalibutan ng mga puno at iba't – ibang halaman. Sa aming magkakaibigan, si Biboy ang mahilig mag-alaga ng kung ano – ano. Nahawa ako sa kanya kaya noong mga panahong natapos ang Synesthesia ay nagdesisyon akong magtayo ng isang farm sa Laguna.

Love of my lifeWhere stories live. Discover now