Track # 11

29.9K 1.7K 215
                                    

War

Aeneas'

I went home after that tiring night. I knew that it was over. Hindi ko na sila kayang tingnan ng katulad noong dati. Kahit na ilang beses kong isipin lahat ng pinagsamahan naming lahat. Matatanggap ko pang nagawa sa akin ni Circe iyon – we were never close, but Creon and Biboy? They were my brothers. We shared one dream, we shared passion, tapos gagagguhin nila ako.

"Tatay. Tatay..." Nagulat ako nang biglang may yumakap sa akin sa likuran. Si Rhea iyon. Kanina pa kasi ako rito sa labas ng bahay. Ayokong pumasok dahil hindi pa ako handa. Hanggang ngayon ay natitigilan pa rin ako sa nangyayari.

I have a child – had a child. I never even got the chance of knowing her.


"Tatay, kanina pa kita hinihintay." Naupo na si Rhea sa tabi ko. "Bakit hindi ka pa pumasok?" Nakahawak siya sa braso ko at nakatingin sa akin. Ang mga matang iyon ay tila minamasdan ang puso ko, natatakot akong baka makita niya ang sakit na nararamdaman ko. "Kumain ka na ba ng dinner? Sabi ni Ate Roa kapag nagising daw ako, sabihin ko raw sa'yo na may tinola sa ref, i-ma-microwave na lang daw. O baka gusto mo ng coffee? Sad ka eh. Anong nangyayari? Kukunin na baa ko ng dati kong Mommy sa'yo? Diba sabi mo sa akin iyong sister mo iyong true parent ko."

I smiled at Rhea. She always makes me feel good. Kahit paano ay nawawala ang agam – agam sa puso ko.

"I am your true parent. Hindi ba't napag-usapan na natin iyon?"

"Yes, Tay. Lika na. Antok na ako." Tumayo na ako at kinarga si Rhea. Pumasok na kami sa loob. Isinara kong mabuti ang pinto at saka kami umakyat na. She has her own room, but she always sleeps in mine. Siya talaga ang prinsesa ko. Hindi ko nga alam na kaya ko pala talagang gawin ang lahat para sa batang ito. She is my whole world right now. Noong una ko siyang makita, naramdaman kong may nagbago sa buong mundo ko. Kaya nga ginawa ko ang lahat para lang hindi siya mawala sa akin. Sabi ko noon, kung ayaw ni Phoebe sa kanya, akin na lang si Rhea. Mahal na mahal ko itong batang ito.

Naligo muna ako dahil amoy alak at sigarilyo ako. Nakakahiya naman sa anak ko kung maamoy niya pa ako. I wore my shirt and my pajama. Paglabas ko ng bathroom ay natagpuan ko si Rhea sa gitna ng kama na hawak ang ukulele niya. I bought that two years ago, 'cause it seems like she was very interested in music. Palagi niyang tinitingala ang Bass guitar kong nakasabit sa private office ko. I bought her one and I taught her.

"Tatay, higa ka na. Kakantahan kita para hindi ka na sad." Ngumiti ako at sumunod sa kanya. She sat beside me. Sinimulan niyang kapain iyong mga chords na alam niya, she strummed her guitar and she just started singing...

Like a small boat...

On the ocean...

Sending big waves into motion...

Like how a single word

Can make the heart open...

I might only have one match but I can make an explosion...

I hear her. I can see Rhea and she was trying to make things lighter for me. Malamang nararamdaman niyang may agam – agam ako. She was smiling. Hinaplos ko ang mukha niya kaya lalo siyang ngumiti.

This is my fight song...

Take back my life song

Prove I'm alright song...

My tears fell. Hinatak ko si Rhea at niyakap siya nang mahigpit. Sa isipan ko ay nakikita ko ang isang sanggol na babaeng umiiyak, karga siya ni Calli – those were only in my head and I want it to be real but it's never ever going to be real.

Love of my lifeWhere stories live. Discover now