Track # 15

31.2K 1.9K 171
                                    

After shocks

Callista's

I tried to calm myself. I could feel Atlanta's hand on my back caressing it back and forth. Nakaharap sa akin ang mga kalalakihan. I could sense amazement around, pero iba ang reaction ni Aeneas. Takang – taka siya. Hindi na ako makahinga sa kakaiyak. Lumapit ako sa kanya. Agad naman niyang kinuha ang mga kamay ko. He put it in his chest. He was looking at my face. He cupped my face and wiped my tears away. Hindi ako makapagpigil sa kakaiyak.

I've been crying since last night. Kagabi ko pa rin gustong magpunta rito. Hindi lang ako makaalis dahil hindi ako pinakakawalan ng mga magulang ko. The only reason I am here is Dio. Ginising ko siya nang maaga, sinundo namin si Atlanta aty nagmaneho na papunta rito. Gusto kong makita ang anak ko, kaya lang hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya.

Paano ko ipapaliwanag sa lahat, lalo na kay Aeneas ang nangyayari kung hindi ako makapagsalita?

Helios Demitri and I talked last night in front of the graves of our clan. He was terribly sorry for what he did...

"I don't know how many times I tried to tell you, Callista. Maybe a million but everytime I try, I lose the guts. Natatakot akong kamuhian moa ko. I have written many letters about this secret. I don't plan on taking this to my grave, I wanted to tell you. From time to time, I ask pictures of her. I wanted to give it to you. I'm sorry, Calli. Walang kapatawaran ang ginawa ko."

From behind Lola Tatay's grave, Uncle Heliod took something, a brown box. Hindi ako makapagsalita, ibinigay niya iyon sa akin. Nanginginig ang mga kamay kong binuksan iyon at sumalubong sa akin ang nakataling mga sobre. Hindi ko mabiling kung ilan dahil napakarami noon, may tatlong ganoong nakatali. Sa ilalim ay ang birth certificate ni Penelope Aenead. May mga litrato rin siya through the years. Her baptismal – naroon si Aeneas sa gilid, her first steps – napahagulgol ako. Ang sakit – sakit. There's a picture of her wearimg a Junior Casa uniform, then her first day as a Grade 1 student, her first bike ride, her first birthday party, her sevent birthday party, she was blowing the candles in the picture, si Aeneas ang nasa tabi niya.

"I missed all of these..." I whispered. Uncle Helios was kneeling in front of me.

"I'm so sorry, Calli..."

Kinuha ko ang box na iyon at nilisan ang museleyo. Hindi malinaw sa akin kung paano ako nakauwi but the moment I came home, si Daddy ang una kong hinanap. I found him on their room, sitting on the couch, talking on the phone. I went to him, sat on his lap, hugged him and just cried.

Masaya ako, pero hindi ko maiwasang masaktan. Pakiramdam ko kasi, inapi ako ng buong mundo. In between sobs, nasabi ko sa kanya ang nangyari. He was silent, but I know hoe mad he is. Niyakap niya lang ako at magkasabay naming tiningnan ang mga larawan ni Aenead.

I fell asleep in that position. Kahit sa panaginip ko ay umiiyak ako. Nagising ako nang bandang alas dos nang madaling araw, umiiyak pa rin ako. Katabi ko si Dio tapos si Daddy ay nasa couch at nakaupo. Binabantayan nila ako.

"Dad, pupuntahan ko ang baby ko." Hihikbi – hikbing wika ko.

"Anak, magpahinga ka. In the morning, papayagan kita pero hindi ngayon." Kahit si Dio ay nagising na. Hinatak niya ako papunta sa bandang dibdib niya at hinayaang umiyak nang umiyak. I lost ten years with my daughter, hindi na ako makapaghihintay pa.

"Calli, what's happening?" Tanong ni Aeneas.

"Boys, let's go." Wika ni Atlanta. Lumabas sila at naiwan kami ni Aeneas roon. Hindi niya ako binibitiwan. Hindi rin naman ako lumalayo, with Aeneas, I found strength.

Love of my lifeWhere stories live. Discover now