Track # 10

29.8K 1.8K 300
                                    

Over

Callista's

Hindi ako pinaalis ni Aeneas sa bahay na iyon. Ayaw niya akong pakawalan. Mahigpit na mahigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko at patuloy ang pagpatak ng kanyang luha. Si Circe naman ay nakamasid lang sa amin. Hindi ko tinitingnan ang reaksyon ng mukha niya, kunsabagay, hindi ko naman rin kasi maalis kay Aeneas ang mga mata ko. Halata sa kanya na naghahanap siya ng kasagutan galing sa akin pero wala akong balak bigyan siya ng kasagutan. Matagal nang nangyari iyon. Ayoko nang balikan ang sakit.

"Let me go." I told him. "I am leaving, Aeneas. We are done." Mariing wika ko.

"You owe me this, Callista."

"I don't owe you anything." Pilit ko siyang itinutulak. Nang makakawala ako ay mabilis akong lumakad paalis sa lugar na iyon. I got to the car and told the chauffer to drive away. Wala akong pakialam kay Aeneas. Kahit na ano pang sabihin niya sa akin, o kahit ano pang makita ko sa mga mata niya, hindi niyon mababago ang katotohanan na wala nang kami at wala na ang anak naming dalawa. Hindi na naming dapat pag-usapan iyon. Nawala si Penelope Aenead. Hindi siya para sa aming dalawa, hindi siya para sa mundong ito. Palagi kong iniisip na totoo ang mga anghel at kinailangan ni Papa God ng angel, so He took my little girl and she is in a very safe place now.

"Miss Callista..." The driver spoke. I wiped my tears before looking at him. "Mr. Altarder is chasing the car."

"What?" I mumbled. I looked back and I saw Aeneas running after the car I was in.

"Ihihinto ko po ba, Miss Consunji?"

"No. Just keep driving. Make it faster." Nakakuyom ang mga palad ko habang sinasabi ko iyon. Nagtutubig na rin ang mga mata ko. Ano pa bang gusto niya sa akin? Tapos naman na ito. May napatunayan na siya. Oo, siya na ang tama. Napaglaruan kami. Kahit hindi ko maintindihan kung bakit ay hindi na ako interesado. Ang nais ko na lang ay makakawala sa lugar na ito.

I am going back to Barcelona.

"Dammit!" I hissed. "Stop the car." Mangiyak – ngiyak na sabi ko. Bumaba ako ng kotse at hinarap siya. I slapped him. Isa, dalawa, tatlo, apat na beses kong pinadako sa pisngi niya ang mga palad ko.

"You owe it to me." He said.

"I don't owe you anything." I told him. Iyak nang iyak si Aeneas. Napasinghap ako nang bigla siyang lumuhod sa harapan ko at niyakap ako sa mga binti. Napakagat – labi ako para hindi ako mapahagulgol.

"Kahit kailan, Callista, hindi ko ginustong saktan ka. Nakita mo naman, hindi ba? Lahat ng naganap noon, planado. Gusto nilang masira tayo. Ang pagkakamali nating dalawa, naniwala tayo sa kanila. Wala akong kasalanan sa'yo. Kung mayroon man, iyon ay ang sumuko agada ko at hindi kita inilaban noon kahit na gusto ko. Sana, inilaban kita, kung sana ginawa ko noon, nakasama ko sana ang bata." Iyak siya nang iyak. Halos hindi ko na nga maintindihan ang mga sinasabi niya dahil humahagulgol siya.

"You owe it to me." He said in between sobs. I wiped my tears. "Parang awa mo na... You owe it to me. Tell me about her, Callista... please..."

"Stand up." Hinampas ko siya. "Stand up." He did. Mugtong – mugto ang mga mata niya. "Iayos mo ang sarili mo. Tapos kapag ready ka na, sumakay ka sa kotse ko."

Tinalikuran ko siya. Napakaraming rules ko sa buhay ang nabali ngayong araw. Hindi ko alam kung bakit naisip ko na naman na tama si Aeneas, na utang ko ito sa kanya. Ako iyong klase ng tao na ayaw na ayaw na may utang. I have a lot of money, I don't do debts and maybe that fucking principle is the reason why I will pay him by telling him what happened to me that day.

Love of my lifeWhere stories live. Discover now