Track # 05

35.2K 1.7K 282
                                    

Problema raw

Almost ten years ago...

Aeneas'

"I don't know Biboy. I want a band, but I cannot see myself being just the bassist."

Naglalakad kami ni Biboy sa pathway ng university na iyon nang hapong iyon. Pauwi na sana ako nang masalubong ko siya, ang sabi niya ay kanina pa niya ako hinahanap pero hindi raw niya ako nakita sa building namin kaya kung saan pa siya nagpunta.

He discussed to me the possibility of being in a band and playing bass for it. I wanted to be in a band and be a front man. I have a voice. I can sing, and I can make panties wet.


"Come on! Just try it. Magiging okay ang lahat, isa pa, nandoon na tayo sa posey ng mga gwapo! Ang gwapo kay ni Diego Arandia!"

"Diego Arandia? Iyong mayabang sa College of Business and Accountancy? Iyong muntik nang makabasagan ng ulo ni Pedro Birada?" Napatitig ako kay Biboy. I asked myself why I know all these things, mabuti na lang at hindi nagtanong ang kaibigan ko kung saan ko nasagap ang mga balitang iyon. I just shook my head. I'm still not buying the idea of me playing in the sides. I had always imagined myself to be in the center.

"Sige na, pre! It wouldn't hurt if you try!"

I smiled at Biboy. "Fine. Para tigilan mo na ako."

"Good! Tara na!" Pababa na kami ng parking lot nang bigla na lang may sumigaw ng pangalan ni Biboy. Sabay pa kaming napalingon, pero magkaiba kami ng naging reaksyon.

Sa gitna ng pathway ay may babaeng mahaba ang buhok, nakaitim na blouse at ripped jeans na papunta sa amin. Humahangos siya. Huminto siya nang nasa tapat na siya ni Biboy.

"Oh god, Robert, I've been looking for you since like forever! Where have you been ba?" Tanong pa niya sa kaibigan ko. Napakamot si Robert.

"Sorry, Calli, hinahanap ko rin kasi itong kaibigan ko. Ano bang atin."

"I just wanna tell you that I am grateful for the help kanina. Sobrang laking tulong ng yellow paper at ballpen mo. Nagkapag-exam ako. Just tell me what you need and I'll give it to you!"

I have a lot of paper and pen. If she needs that, I'll give it all to her too.

"Naku, wala iyon, Calli. Next time kasi pumasok ka ng may dalang school things." Napatitig ako kay Biboy. Mukhang wala siyang balak ipakilala sa akin ang bago niyang kaibigan. I cleared my throat. Napatingin sa akin iyong babae.


"Yes?" She asked.

"Nothing." I shrugged. Tumaas ang kilay niya.

"You can just ask for my name, dufus." Sukat nagwika siya ng ganoon, Am I that obvious? Napalunok ako. "Is he your friend, Biboy? He's a bit of a dork."

Ako? Dork? Nakikita niya ba ang sinasabihan niya ng dork? I am not a dork! I have slept with half of the women in the swim team and they all have this nickname for me – Mr. Big! How can she say that to me?!

"But, anyways, thank you, Biboy. You're ad doll, Lovie. See you around. Bye Dufus." She snorted at me. Sinundan ko siya ng tingin. She went tp the parking lot too. Noon ko naman binalingan si Biboy.


"Bakit? Bakit hindi moa ko pinakilala?!" I hissed at him.

"Gusto mo ba siyang makilala?"

"I cleared my throat! That's the signal man!" I kept on hissing at him.

"Akala ko kasi gusto mo lang ng candy." He snorted. Tawa siya nang tawa habang naglalakad kaming dalawa. Naiinis pa rin ako sa kanya. Sinuntok ko siya sa braso.

Love of my lifeWhere stories live. Discover now