Track # 08

30.4K 1.6K 130
                                    

Back

Callista's

"Napapadalas yata ang pag-alis mo, Calli? May balak ka na bang mag-stay dito for good?"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Napapadalas yata ang pag-alis mo, Calli? May balak ka na bang mag-stay dito for good?"

I was eating breakfast that morning in the lanai near my parent's cabin. I was savoring the Filipino Breakfast that the maids cooked for us when suddenly mom spoke. She was waiting for my answer and I think I don't have any choice but to answer her. I took one sip of my coffee and shrugged.

"Hindi ko pa rin napag-iisipan, Mom, basta nag-eenjoy pa rin ako dito."

Last night, I didn't have any sleep at all. I was just in my bed, looking at the ceiling thinking about what Aeneas told me, kasabay ng pag-iisip ko ay tumitindi ang posibilidad na may chance nga ang mga sinabi niyang iyon. Kasi posible naman talaga. Ang tanong ko lang ay sino? Sino sa mga tao sa paligid niya ang sisira sa relasyon naming dalawa?

Oo, dumating kami sa point na naging toxic na kami sa isa't isa but we worked things out. He made sure that I am not going anywhere. Ilang beses naman niya akong sinuyo noon tuwing nilalayasan ko siya.

I know he has a point too. Umalis ako sa poder ng mga magulang ko. I lost everything, the money, the car, the perks. Namuha ako nang normal at siya itong gusto kong magpahinga na lang para siya na raw ang bubuhay sa akin. It's too sad because I am only thinking about it now. Nabulag talaga ako ng galit ko sa kanya.

Impulsive naman kasi talaga ako. Alam ni Aeneas iyon, alam nilang lahat iyon. Nagdedesisyon ako noon base sa nararamdaman ko kaya nga pilit kong binago ang lahat ng iyon.

Muntik na akong maging criminal dahil sa pagsunog ko ng bahay ni Aeneas noon. Muntik ko na ring mapatay si Circe noon, mabuti at hindi ko siya naabutan kundi nakapatay ako ng tao.

I felt so dark before. Hindi ko nga alam na may kakayahan akong gawin ang mga iyon. Kumalma lamang ako nang malaman kong buntis ako. Umalis ako sa bahay namin at nanirahan sa bahay ng isa sa mga naging yaya ko. Si Yaya Maning. Siya ang nangalaga sa akin noon habang buntis ako. Siya ang kasama ko sa lahat ng iyon kaya nang mamamatay ang anak ko, isa siya sa mga nakiiyak sa akin. Matapos akong magluksa at mahimasmasan ay nagpasya akong bumalik. Nagpasya akong gawin ang lahat para mapabuti ang buhay ko. Patutunayan ko kasi kay Aeneas at sa lahat na hindi ako basta – basta.

I am a Consunji. They should worship me.

"Just take your things home, Calli." Wika pa ni Mommy.

"Where's Dad?" I asked her.

"Maagang umalis. Kasama ang Uncle Yvo mo. Susunduin na yata nila si Cassiopea."

"Oh really? Is she done being a brat now?" Nakangising tanong ko. Mom rolled her eyes.

"You were a brat too. Ang kaibahan lang, si Cassie nagtapos muna ng pag-aaral bago nagpaka-brat. Ikaw, nagpaka-brat ka muna bago mo naisip tumino." She sai. Hindi naman ako nakakibo kasi totoo naman. I sighed again. Naisip kong baka may kinalaman ang mga magulang ko sa nangyari sa amin ni Aeneas noon, pero malabo. Alam kong ayaw ni Dad kay Aeneas noon, pero sigurado akong hindi siya gagawa ng ikasasakit ko.

Love of my lifeWhere stories live. Discover now