Track # 07

31.8K 1.5K 160
                                    

Slowly 

Aeneas'

"You know what I think?"

We were setting up the equipment that afternoon for the bridal show. Lahat ay abala sa ginagawa nila habang ako naman ay tahimik lang dahil tapos ko na rin ang aking ginagawa. I stood in the middle of the make-shift stage, looking at all of them, lalo na kay Biboy na katabi ni Atlanta at seryosong nakikipag-usap dito.

"What is it? H'wag mon ang patagalin pa. Ano?" Inis na wika ni Diego.

"I think we should look for Circe." I said. Jason snorted. Halata kay Biboy ang pagkagulat sa sinabi ko. Diego looked at me.

"Vito know where he is." Sagot niya sa akin.


"What do we need her for?" Tanong ni Biboy. "Malaki ang pagseselos ni Atlanta sa kanya. Saka baka hindi pa okay kay Jason na nandito siya." Ngumiti si Biboy.

"It's okay. It's all in the past now." Wika naman ni Jason na inaayos ang tono ng gitara niya. Atlanta shrugged.

"Where is she, Vito?" I asked again.

"Last time I heard, she's a known surgeon, hindi ko sure kung sa Singapore siya naka-based o sa Malaysia."

Napapalatak ako matapos magsalita ni Vito. I was shaking my head. There is really something wrong here. Hindi ko lang matukoy kung ano pero napakalaking mali ang nakapagitna sa lahat ng ito.

"Ang galing rin ni Circe no? Biruin ninyo, nakatapos ng college, nakapasok ng med school, ngayon sikat na surgeon na siya. Who would've thought that in ten years, all her dreams will come true. Samantalang, sorry, no offense, but she's as poor as a rat before."

"Hey, you don't get to say that!" Reklamo ni Atlanta. I raised my hand. I am giving up. Hindi sa ganitong paraan ko malalaman kung anong mali. Some of them might be expecting this to happen. I just sighed and turned my back. Nagpaalam akong babali na sa villa para ako na ang maunang magbihis. The villa has two baths, mamaya ay okupado na lahat iyon. Mabagal pa namang maligo si Atlanta.

I went back to the Villa , took a bath and got dressed. Nag-aayos ako ng sintas ng sapatos nang makita kong bumukas ang front door. Inaasahan ko namang babalik na sila pero nagkamali ako. Si Calli ang nakita kong nakatayo roon at may dalang kung ano.

"Where are they?"

"Still in the Adelaide hall." I sighed. I looked at Callista. She was wearing that yellow floral sun dress. Ang ganda – ganda niya. Wala pa siyang kahit na anong ayos sa mukha, ni wala siyang suot na alahas pero luting na luting ang kagandahan niya. I always liked her eyes, it tells me a lot of stories, hindi ko nga lang mabasa ngayon dahil napakailap ng mga matang iyon sa akin.

"I see. Atlanta borrowed some dresses kasi. Hindi daw yata bagay iyong dala niya para sa event ni Cielo."

"I see."


"Pang 90's na iyang suot mo?" Nakataas ang kilay niya.

"Yeah. I'm very Tom Cruise right now."

"Whatever. I'll call, Atlanta."

"Wait." Bigla ko siyang hinawakan sa braso. "Wait, just wait, Calli." She looked at my hand on her arm. Nakataas ang kilay niya at nakaawang ang labi. "We need to talk."

"Nag-usap naman na tayong dalawa kagabi. Nagkayamutan nga lang but we did talk." Mapagmalaking wika niya.

Huminga ako nang napakalalim. Sinabi ko sa sarili ko na aalamin ko ang lahat tungkol sa nangyari sa amin noon. It's not about us anymore. It's about the truth.

Love of my lifeWhere stories live. Discover now