Track # 02

40.1K 1.7K 116
                                    

Pretty...

Aeneas'

"Are you guys ready?"

Being back in the studio seems new to me. Everything smells like it's something new and I kind of like it. Vito gave me my bass. I haven't really had the chance to play it. Paminsan – minsan ay tumutugtog ako sa bahay, kapag nag-iisa ako. Sinusukat ko kung nangalawang na baa ko, kung may alam pa baa ko, but these past few months, I haven't been able to practice because, business is doing great and I am busy.

"Are you guys ready?"

"We are, Atlanta, but as you can see the front man isn't here." Natatawang sagot ko sa kanya. Atlanta made a face and she pointed at me.


"Don't talk, late ka pa rin." She spat at me. Sinenyasan niya si Vito na tawagan ang front man – walang iba kundi si Diego. Hindi ko alam kung anong idadahilan niya ngayon, basta ako, I tried so hard to come on fucking time.

"Gumaganda si Atlanta habang tumatagal no?" Wika ni Jason sa akin. Itinotono niya ang gitara niya. Magkaharap kaming dalawa. I was playing some riffs. "Try under pressure."


"That's easy." I said. I started playing the starting riff of that popular song. Sumabay na rin ang gitara ni Jason, nagkakangisihan kami. "And yes, Atlanta is very pretty. Also, she's dating, I heard that she has a very active dating life."


"Oh? Who's she going out now?"

"I have no idea. Mapuputol iyong string mo." Wika ko sa kanya. The studio door open and Diego emerged. Pigil na pigil ang hininga ng lahat nang humarap si Atlanta kay Diego. Her brow raised, she crossed her arm.


"Mukha ba akong taga – bilang at taga-expect kung anong oras kayo darating at ilang beses kayong male-late sa bawat meeting?" She spat.

"Sorry. Galing pa ako ng Bulacan." Pangangatwiran niya. "Na-traffic ako."

"Alam mo naman kung ilang oras ang byahe, sana mas gumising ka ng maaga, diba? Hala, bilisan ninyo, any moment from now, darating si Bibs kasama si Wena. He's very excited about this at sana naman mamayang gabi sa gig ninyo, maaga naman kayong dumating. Professionalism, people!" Pumalakpak pa ng apat nab eses si Atlanta bago siya naupo at muling hinarap kami. Natulala lang ang lahat sa kanya, when she signaled us to move, lahat kami ay sabay – sabay nagpunta sa loob ng studio para pumwesto. Si Diego ang pinakahuling pumasok.

"Professional daw." Wika ko pa sa kanya.

"Tang ina ka."

"I am pressing the button and all I can here are cursing. Nasaan ang pagkanta?"

"Any request, dear?" Tanong ko pa kay Atlanta. I could imagine her grinning.

"Stop calling me dear, Aeneas. Just play, damn it!"

"Mainit ang ulo." Narinig namin si Pascal.

"Oo nga. Parang mangangagat." Komento pa ni Vito. "Kasalanan mo ito, Diego, alam mong ayaw niya ng late."


"Play!" Sigaw muli ni Atlanta. Nagkangitian kaming apat. Si Diego ay napapailing lang. We decided to play that song we used to do before every practice.

Diego warmed up his throat and started singing right after Jason played his guitar part.

Nitong umaga lang...

Pagkalambing – lambing

Ng iyong mga matang hayop kung tumingin..

Nitong umaga lang...

Love of my lifeUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum