Track # 19

36.8K 2.3K 358
                                    

Questions

Aeneas'

Iyak nang iyak si Rowena. Hindi raw kasi gumigising ang kuya niya. Magkausap lang daw silang dalawa bago ito magpaalam na magpapahinga. Usually, at six pm, ginigising niya ito para kumain na but that moment, Biboy didn't wake up, so she called the ambulance. Pagdating niya rito sa ospital ay saka niya tinawagan si Jason, na tinawagan si Pascal na siyang tumawag kay Diego sa farm kaya kami nandito.

Calli was sitting on the metal chair. Kandong – kandong niya si Rhea na natutulog na. Kanina noong umalis kami ay nagising siya ngunit habang nasa byahe ay nakatulog siya, nagising na naman nang buhatin ko. Ayoko sana siyang isama pero day off ni Roa bukas at baka hindi kami agad makabalik. Ayoko namang maabala siya kaya isinama ko na lang ang bata.


"Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nawala si kuya." Mahinang hikbi ni Rowena. Sabi ng doctor ay na-comma raw si Biboy. Hindi pa malinaw sa akin ang dahilan pero hindi ko maiwasang mag-aalala kahit na ganoon ang nangyari sa amin. Calli was right, whatever happened, Biboy is still my brother, hindi ganoon kadaling kalimutan ang pinagsamahan namin.

"It's gonna be fine." Hinawakan ni Atlanta ang kamay ni Rowena. "We are here. Hindi ka namin iiwanan." Humikbi na naman si Rowena.

"Ang sabi niya h'wag ko raw kayong tatawagan. Hindi naman pwede, kayo na lang ang pamilyang itinuturing namin. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang nagkaganoon si Kuya. Nag-away – away ba kayo?"

Jason looked at me. Si Wena ang pinaka walang alam sa lahat. I pity her. Mukhang hindi niya rin alam na nagkaroon ng komprontasyon sa pagitan naming ni Biboy. Ayoko na lang magsalita. Masyado nang mabigat para kay Wena ang mga nangyayari sa ngayon. Hindi ko na dadagdagan pa ang hirap na nararamdaman niya.

"Wala namang magkakapatid na hindi nag-aaway." Sabi ni Atlanta. Lalong humigpit ang pagkakahawak ni Atlanta kay Wena.

"Everything isa gonna be fine." Segunda naman ni Diego. Pinahid ni Wena ang kanyang mga luha habang ako naman ay pilit na tinatanaw si Biboy sa loob. May kung anong aparato ang nakakabit sa kanya. Hindi pa rin ako komportable na nakikita si Biboy. Hindi na yata basta maalis sa isipan kong dahil sa kanya, nawalan kami pareho ng chance ni Calli sa isang bagay na gustong – gusto naming makamit.

"I'm gonna take off." Calli said. "Hindi komportable si Rhea, Aeneas. Iuuwi ko muna siya sa condo ko. If that's okay with you."


"Isama mo na si Wena." Sabi ko sa kanya. "Kami nang bahala kay Biboy."

"Are you sure?" Diego said. Mataman niya akong tinitingnan. I only smiled at him. He nodded. "Atlanta, you should go too. Para makapahinga kayo."

Tumayo na si Calli. Ibinigay ko naman kay Atlanta ang susi ng van na dala ko. Calli waved at me and the she smiled. I smiled back at her.

"I'll call you tomorrow." I told her.

"Bye."

Pinanood ko silang umalis. Nang tuluyan silang makakawala ay sinilip ko ulit si Biboy. May doctor na dumating at kinausap si Diego. Kung ano – anong naririnig kong sinasabi niya na may mababa daw sa health ni Biboy. He really looked as if he's already dying, I asked myself if I get mad at him, would it still be worth it? Pinagbabayaran na niya ang mga nagawa niyang kasalanan. Mapapatawad ko pa ba siya?

"Huy." Tinapik ni Pascal ang balikat ko. "Masyado kang seryoso. Anong nangyayari?"

"Iniisip ko lang kung kailangan ko pa bang magalit sa kanya." Mahinang wika ko.

"Choice mo iyan, bes. Ikaw naman. Bakit mo ba gustong magalit?"

"It was because of him that I lost Calli and Calli lost years with our child. He betrayed me. Nagsinungaling siya sa akin."

Love of my lifeWhere stories live. Discover now