Track # 17

34.4K 2.2K 255
                                    

Questions

Aeneas'

"Ha?"

Calli's eyes widened while looking at me. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko nga alam kung bakit nasabi ko iyon. Tang ina. Huli nang maisip ko na ang sinabi niya ay I lover her so much. HER. Si Rhea ang pinag-uusapan. Si Rhea ang mahal niya pero nasabi kong I love you too. Kasi... tulak ng bibig kabig ng dibdib? Ito ba iyon? Gusto kong lamunin ng lupa ngayon.

"Ang ibig kong sabihin, I love you too – iyon ang sasabihin ni Rhea once na malaman niyang Mommy ka niya tapos mahal na mahal mo rin siya."


Saglit siyang tumitig sa akin na para bang nag-iisip pa. Kailangan malusutan ko ito. Mabuti na lang at bigla siyang ngumiti at sumandal sa pader.

"Sana malapit na iyon. Gusto ko siyang iuwi sa bahay – if that's okay with you. Gusto kong ipakilala siya kay Dad at Mom." Kalmado ang boses ni Callista. Wala naman kaso sa akin kung gusto niyang ipakilala sa mga magulang niya si Rhea bilang si Aenead na anak naming dalawa. Ang hihilingin ko lang naman sa kanya ay ang ayusin muna namin itong problema. Hindi pa nga namin parehong alam kung paano namin sasabihin kay Rhea ang lahat, one problem at a time.


"Before that, kailangan ko munang makausap ang kapatid ko." Wika ko.

"Of course, Aeneas. I won't step on you. Sa papers naman, ikaw ang Papa niya. Ikaw ang legal na may karapatan sa kanya. Whatever you want, ako naman ang nakikiusap. Maraming – maraming salamat talaga."

"It's okay, Calli. Bioligically speaking may karapatn ka rin naman sa kanya. Ayusin lang natin ito ha."

"Yes. Thank you." She smiled at me. Niyakag ko na siyang bumaba. Pagdating naming sa dining area ay nag-pray na si Rhea. Magkatabi sila ni Calli. I was watching her look at our daughter and there's just too much love in her eyes, it's contagious. Kung ano – ano tuloy ang nasasabi ko.

"Atlanta cooked sinigang na hipon." Wika ni Diego. Si Ate Roa ay nakaupo sa tabi ni Diego. "Masarap ito. It's a training for her to be the best wife to Bernard. Isn't it amazing."

"I never really see you as a supportive friend, Diego." Si Calli. Pinagbabalat niya ng hipon si Rhea. Ako na sana ang gagawa noon ngunit hinayaan ko na siya. Si Rhea ay nakatingin lang kay Calli. Nakakunot ang noo niya. Mayamaya ay hinawakan niya ang ilong nito. Napatingin si Calli sa bata.

"Yes, Darling?"

"Ang tangos ng ilong mo." Sabi ng anak ko.

"I got it from my Mama. Here, mag-eat ka na." Sinubuan niya pa si Rhea. Kumain na rin ako. Nagpatuloy naman ang utuan ni Diego at Callista.

"I am always supportive. I am very happy that she's getting married. She found the one."

"I can imagine your heart..." Wika ni Calli.

"Aha! That's a great song." Sigaw pa ni Diego. "Kakain ako nang mabilis at magsusulat ako ng kanta. Can I use your studio, Aeneas? We're still up for the reunion concert—"

"No." Wika ko. Bigla ay naalala ko si Biboy. "That's over, Diego. No..."

"Magbabago pa ang isip mo." Hindi naman tinapos ni Diego ang pagkain niya, bigla na lang siyang tumayo at tinungo na ang studio ko.

"Hes' acting weird." Atlanta said.

"Maybe it's cause you're getting married and he hates it? Or whatever." Nagkibit – balikat si Callista. Si Atlanta naman ay napailing lang.

"Hindi no. In fact, he helped Bernard proposed to me."

"And that's B.S." Calli smiled sweetly. Binalingan niya ang bata. "Is there something wrong with my face, my love?" Tanong pa niya.

Love of my lifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon