Track # 18

32.1K 2.2K 142
                                    

Now we can go...


Callista's

"Oh no..."

My baby is crying. Agad na lumapit si Aeneas, naupo siya sa tabi ko tapos ay kinandong niya si Rhea. I wanted to hug her. Kung mayroon man akong ayaw mangyari, iyon ay ang umiyak siya ng ganito. Nakakabahala rin na nalaman niya agad ang tungkol sa nais naming sabihin sa kanya. Sisigok – sigok na siya habang nakayakap kay Aeneas. Hindi naman ako mapakali. I am looking at them and it's breaking my heart.

"How'd you know, Rhea?" Tanong ni Aeneas. Bahagya siyang kumalma. Tiningnan niya si Aeneas pagkatapos ay humikbi siya.

"Kita ko..." She sobbed again. My heart is breaking. "na kamukha ko siya. Si Mama Milli kasi di ko kamukha. Mommy ko ba siya? H'wag ka magsisinungaling, Tatay sa akin. Bad iyon." Sunod – sunod na ang paghagulgol niya. Aeneas kept on wiping her tears.

"Hindi naman ako magsisinungaling, anak. Gusto ko lang na maintindihan mo ang mga bagay – bagay."

"Eh ano? Di hindi na kita Tatay? Pero ayoko ng ibang tatay, ikaw lang ang gusto kong Tatay eh." Yumakap ulit siya kay Aeneas. Rinig sa buong kabahayan ang pagpalahaw niya ng iyak. Hindi naman na ako makahinga sa kakapigil sa mga luha ko. She sobbed again. She looked at me. "H'wag mo ako kukunin sa tatay ko ha. Love ko siya."

"Oh, darling, I will never do that..." Hinawakan ko ang kamay niya. "You tatay loves you so much and I have no rights to keep you away from him. Yes... I am your mother—" Lalo siyang umiyak nang malakas.

"Eh bakit sabi ni Mama Milli siya ang Mommy ko?"

"It's a long story, Rhea..." Si Aeneas ang nagsalita. "But all I can say is that Calli, is you real mom and given a chance, hinding – hindi siya papayag na mapalayo sa'yo."

"Hindi mo ba ako love?" Tanong niya na para bang pagod na pagod na siya. Napaawang ang mga labi ko. Napansin kong subo – subo na niya ang thumb niya habang mahigpit na nakakapit ang isang kamay niya sa damit ni Aeneas. "Kaya ba nipamigay mo ako?"

"Anak..." Nanghihina ako... "You were taken away from me." Rhea looked at Aeneas as if waiting for his confirmation. Doon ko na-realize na lahat ng sasabihin ko kay Rhea ay kakailanganin ng kompirmasyon mula sa kanya. It sucks, but I would rather have that than nothing at all.

"She's right." Wika ni Aeneas. "Calli never wanted to be away from you, anak. You must understand that if she has a choice, she will never leave you. Mahal ka ng Mommy mo."

Rhea buried her face on Aeneas' neck. Umiiyak pa rin siya. Hindi naman nagtagal ay tumingin muli siya sa akin, dahan-dahan ay inabot niya ang mga kamay niya sa akin pagkatapos ay tila nagpapakarga siya. I reluctantly took her. Yumakap siya sa akin at saka umiyak nang umiyak.

I cried too. I don't want to see her like this. Naramdaman kong hinawakan ni Aeneas ang kamay ko.

"I don't know what to do." I mouthed at him. Hindi nagtagal ay yumakap na rin si Aeneas sa aming dalawa ni Rhea. He kissed her head. Naramdaman naming kumakawala si Rhea sa aming dalawa.

"Tatay, hindi ko po maintindihan, pero gusto ko friends muna kami bago kami maging Mommy at anak."

"Whatever you want, anak. As long as you're not crying."

xxxx

"Can't sleep?"

I found Aeneas in the balcony. He slept in the couch, ako naman at si Rhea ay sa kama. Naalimpungatan ako dahil nakaramdam ako ng uhaw. Pababa na ako nang makita kong bukas ang sliding door at nakatayo si Aeneas doon. I couldn't help but come to him. Hindi pa kami nakakapag-usap ng maayos.

Love of my lifeWhere stories live. Discover now