11 [ life and death ]

16.6K 812 162
                                    


ISA akong hangin na hindi nakikita. Teka, hindi nga lang hangin eh. Ang hangin, nararamdaman, pero hindi niya ako nararamdaman. Paksyet. Ganun ba talaga kagrabe ang ginawa ko para magalit siya sa akin? Kailangan ko ba mag-sorry? Kailangan ko ba magpakababa? Ako ba ang may kasalanan? Pero ako ang naagrabyado ah. Ako ang nasaktan. Bakit ang unfair?

"Punasan mo," sabi ni Belle.

"Ha?"

"Punasan mo na," ulit niya.

Pinanliitan ko siya ng mata. "Ang alin?"

"Luha mo."

Natigilan ako sa sinabi niya.

"Tutulo na."

Tinanguan ako ni Belle nang mag-excuse ako. Nanghihina ako habang naglalakad papuntang CR. Pagpasok ko sa pinakamalaking cubicle ng CR, dun na ako umiyak.

Wala na rin akong pakialam kung marinig ako ng mga tao. Kung isipin man nilang adik ang babaeng umiiyak sa pinakadulong cubicle. Ang sakit kasi, eh. Parang pinipiraso ang puso ko.

Bakit ko ba kasi hinayaan siyang mahalin ko? Nasasaktan tuloy ako. But he's worth the pain. He's worth my love. Sa sobrang heartbroken ko, napapa-English na ako.

Ilang minuto akong nagmukmok sa cubicle. Nakalabas na ako ng cubicle nang mapansin kong wala nang ingay sa CR. Paglabas ko, napatigil ako dahil nakatingin sa akin si Ellaine na secretary ng klase namin.

"Tanga ako kapag tinanong ko kung 'okay ka lang', hindi ba?"

Suminghot ako at pinilit patigilin ang mga tumutulong luha mula sa mata ko.

"Tahan na. Nasasayang ang cuteness mo, eh." Hinawakan niya ang balikat ko. Ngayon lang niya ako hinawakan sa balikat ko. Ngayon lang niya sinabing cute ako.

"Anong kailangan mo sa akin?"

"Next time na lang." Ngumiti ulit siya. "Naghihintay siya. Ngiti ka na."

Nakaalis na siya ng CR pero nagtataka pa rin ako. Tumingin muna ako sa salamin at napa-watdahek pagkakita ko sa mukha ko. Sobrang namamaga ang mata ko tapos pulang-pula. Hindi rin sinabi sa akin ni Ellaine na may tumulo palang sipon.

Naghilamos ako at nagpahinga. 

Pagkalabas ko ng CR, tumalon ang puso ko nang makita ko si Nate na nakasandal sa pader na katapat ng CR. Yumuko ako at naglakad papunta sa hindi ko malaman kung saan. Sa bawat paghakbang ko, lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi mapakali ang puso ko. Pakiramdam ko nababaliw ako. Sa sobrang pagkabaliw ko, feeling ko nagiging makata na ako. Rhyming kasi lahat ng sinasabi ko. Hanggang dito.

"Ianne."

Tumigil ang pagtibok ng puso ko nang yakapin niya ako mula sa likuran. Okay na ako kanina pero ngayon, nanghina ako lalo.

"Ianne, sorry."

Suminghot ako at tuluyan nang umiyak. Tinakpan ko ng kamay ang mukha ko habang yakap lang niya ako.

"Sorry."

Pagkaharap ko kay Nate, napansin kong nangingintab ang mga mata niya. Ngayon ko lang din napansin ang pangingitim ng eyebags niya. May tigyawat din siya sa kanang pisngi at—hala.

Habang nahihirapang tumahan, nagsalita ako. "Ang dami mong blackheads sa ilong, Nate."

Nawala ang higpit ng yakap niya at humagalpak sa tawa.

Natawa rin ako dahil tawa siya nang tawa. Doon ko lang napansin na nasa grounds pala kami sa ilalim ng puno. Ang haba pala ng nilakad ko habang umiiwas sa kanya.

AFGITMOLFM (2019 version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon