48-B [ let go ]

3.9K 319 61
                                    


"IANNE . . ."

Napadilat ako nang makarinig ako ng tawag sa akin. Nung una, sobrang liwanag pero pagtagal, napatingin ako sa napakapamilyar na paligid. Ang tahimik ng mga tao pero may mga naririnig akong usapan at kaunting iyakan.

Sa kanan, nakita ko ang nanay niya na nakaupo habang hawak ang kamay ng tatay niya. Nakita ko rin si Ate Grace habang hawak ang kamay ni Angel na umiiyak. Pagkalingon ko sa kaliwa, tulala si Cloud habang kahawak-kamay si Erin. Tahimik si Humi sa tabi. Naluluha sina Leah, Merry, Sunny at Joy. Tahimik si Maria. Ang tatlong itlog, umiiyak sa gilid.

Ang bigat ng pakiramdam ko sa bawat hakbang ko palapit. Sa bawat segundong nagdadaan para makalapit sa kanya, nahihirapan na ang puso ko sa sobrang bigat.

Wala akong ibang marinig kundi ang pagtibok ng puso ko.

Tumayo ako sa tabi niya at tiningnan siya.

Gusto kong hawakan ang dibdib niya para maramdaman ang tibok ng puso niya pero nakaharang ang salamin na pumoprotekta sa kanya.

Nagsimula nang tumulo ang luha ko dahil alam kong huminto na ang lahat. Ang paghinga. Ang pagtibok. Ang sakit. Matagal nang huminto.

"Nate," bulong ko. "Bakit nang-iwan ka na?"



note:

a smol chapter of letting go ~

thank you rin kay d_lavigne para sa technical edits ng chapter na ito :D

AFGITMOLFM (2019 version)Where stories live. Discover now