39-A [ heartbeat ]

21.8K 821 400
                                    

[ what you are reading now is the semi-edited version of the afgitmolfm book. in-explain ko lahat sa chapter: (what to expect from this new one) -- check table of contents, 2nd post ito

thank you for reading the earlier notes para di tayo naliligaw lagi! yay. ]


WALA si Art sa classroom. Wala na rin yong bag niya. Nagtanong ako sa mga kaklase namin pero wala rin silang alam. Umalis na lang daw dala yong bag. Nilibot ko na ang buong school pero wala pa rin siya. Nagsimula na ang klase, wala pa rin.

Anong nagawa ko.

Hindi ko namalayan na tumulo pala ang luha ko habang nagle-lesson.

Nahihilo ako sa literal na sakit na nararamdaman ko sa dibdib. Naninikip. Parang sinasabing hindi dapat mangyari to.

Nung uwian, nagpunta ako sa BH pero mukhang walang tao sa loob dahil nakasara ang mga ilaw at naka-lock ang gate. Wala akong susi.

Kailangan ko sigurong maghintay.

PLOCK PLOCK PLOCK PLOCK PLOCK PLOCK

Great. Wala akong payong. Wala pang masisilungan. Basang-basa na agad. Ito na ba karma ko? Ang bilis naman.

"Oy."

PLOCK PLOCK PLOCK PLOCK PLOCK

Lumingon ako. Nakatayo si Art na may hawak na payong. Lumapit siya sa akin. Imbis na school uniform, naka-Greenwich uniform siya. Bakit nga ba hindi ko naisip na baka nasa trabaho siya? Akala ko kasi . . . nag-resign na siya?

Ah, ewan!

"S-Sorry," mahina kong sabi. "Sorry talaga . . . sobra-sobrang sorry!"

Hindi siya nagsalita kaya nagsimula na ako sa speech kong hindi ko naman pinag-isipan, bahala na!

"Hindi ko—sa kamay—yong hugas . . ."

Bakit ang gulo ng sinasabi ko!

"Yong . . . 'yong bigla kong pag-alis ng kamay, wala yon, hindi ko sinasadya, nabigla ako, panic. Hindi ko alam nangyari."

Naiyak na ako. Ang sakit ng puso ko. Ang sakit din sa mata ng ulan.

"Magulo lang yung utak ko talaga, tapos, tapos . . . kailangan ko lang siguro kumalma sa mga nangyayari? Ang bilis lang ng lahat! Ang bilis-bilis."

Naaalala ko yong ngiti niya sa akin.

PLOCK PLOCK PLOCK PLOCK

Tapos yong emotionless niyang tingin.

Ayoko na non.

Ayaw ko na makita ulit yong tingin na ganon.

"Mali ako na tumayo ako. Mali na . . . mali na parang apektado ako sa isang pangalan. Ang hirap lang, nabigla lang talaga ako, excuse lang yung hugas, hindi dapat ganon. Dapat naupo na lang ako ulit, dapat in-own up ko na lang na affected ako sa pangalan."

Naiinitindihan pa kaya niya ako?!

"Hindi ko rin alam kung anong nangyari sa akin. N-Nong na-realize kong nagalit ka, hindi ako mapakali. Maling-mali. Maling-mali talaga ako. Para akong nandiri at sobrang hindi yon totoo. Hindi talaga, Art. Sorry, hindi ko ginustong ilayo sarili ko."

Nanginginig na ako sa lamig at pag-iyak. Nakatingin lang siya sa akin, nakikinig sana.

"M-Maniwala ka, isa ka sa dahilan kung bakit masaya na ulit ako, Art. Kahit minsan ang gulo ko. Kahit minsan natatakot ako. Kahit minsan parang hindi ko gets yung nangyayari sa akin. . . ang gets ko lang ngayon ay itong puso ko, ang sakit-sakit nung naisip kong mawawala ka na dahil sa kagagawan ko. Alam ko ring unti-unti nang tumitibok ulit to. Masaya ako habang nasa tabi mo. Masaya ako sa bawat ngiti mo sa akin, sa mga sinasabi mo sa akin, hindi ko sure . . . nung umalis ka, nung di ka bumalik sa room, hindi ako mapakali. Parang hindi kita makikita ulit, tapos dapat hindi ganon kasi gusto kong nakikita ka, nakakasama ka. I'm sorry."

AFGITMOLFM (2019 version)Where stories live. Discover now