47-A [ memory ]

5K 352 189
                                    


Mali yatang nandito ako sa charity event.

Mali yatang nag-suggest ako sa kanila noon.

Mali yatang nakaupo ako sa audience area at ilang metro lang ang layo ko kay Art na nakaupo rin sa bandang dulo.

Napahigpit ang hawak ko sa panyo ko. Ang lakas din ng kabog ng dibdib ko habang pinapanood ang play na ginawa ng mga bata.

Demon and the Maiden . . .

Slip of the tongue ko lang ito noong nag-uusap sila sa gagawin ng mga bata sa AFGeneration. Sabi nila, dapat daw may grand event. Na-share ko lang naman 'yong nangyari nung 3rd year high school na nakasali ako sa play, na about 'yon sa demon and maiden, na malaki ang nakuhang pera doon.

Ni-recreate nila.

Kaya pala hindi nila ako sinasama sa mga practice nila. Kaya pala ilang beses akong sinabihan na mag-focus lang sa pagluluto, na mayroong mumunting regalo ang mga bata sa akin kapalit ng mga luto ko.

Kaya pala . . .

Hindi man ito kasing enggrande ng ginawa namin nung high school, at naging musical with comedy ang play nila ngayon, pero bakit?

"Naaalala mo ba ako, Binibini?"

Bakit kailangang maluha ako?

Simula nang dumating ako sa venue at nagluto ng pagkain sa kitchen, hindi ako lumabas ng kusina. Panay lang ang luto ko at pagtulong. Hindi ko pinapansin na minsan, pumapasok si Art sa kusina para ibigay 'yong mga biglaang pinapabili.

May time na napansin kong napatingin siya sa akin, pero agad kong iniwas ang tingin ko.

May part din na tumulong siya nang may masagi ako pero agad akong nagpasalamat at 'yon na 'yon, hindi ko na siya nakausap pa. Hindi na rin niya ako nilapitan ulit.

Nahihiya ba ako? Hindi ko rin sure.

Kaya nung nagsimula ang play at napilitan na akong lumabas sa kuweba ko, pinipigilan kong tumingin kay Art kahit ilang upuan at audience lang ang layo namin.

Pero napatingin ako sa kanya nang bigla siyang tumayo. Nakatalikod siya sa akin, naglalakad palayo, at hawak ang gilid ng ulo niya. Dinaluhan siya ni Tsang, mukhang nag-aalala.

"Nakikita mo na ba ako, Binibini?"

Tumingin ang Maiden ng play sa Demon na nakaupo at nagpapatugtog ng violin. Lumapit si Maiden kay Demon at hinawakan ito sa pisngi.

"Mister Demon, ikaw nga!"

Pagbalik ko ng tingin kung saan nag-uusap sina Tsang at Art, wala na siya.

Nagpalakpakan ang mga audience pagkatapos. Nagsitayuan sila pero nanatili akong nakaupo at yumuko saglit para magpahid ng luha.

Ikaw ba, Art . . . kailan mo ako maaalala?

Tumayo ako nang wala sa sarili. Nabunggo ko pa ang katabi ko. Humingi ako ng sorry at dumiretso palabas ng audience area para hanapin siya. Nang hindi ko siya mahanap sa garden area, nilapitan ko si Tsang.

"Nasaan po si . . ."

Bakit ko ba siya hinahanap? Akala ko ba nandito ako para sa charity event? Ianne naman . . .

"Si Art ba?" Ngumiti sa akin si Tsang. Tahimik lang ako, hindi ko sure kung tatango ba ako o hihindi. Pero bago pa ako magsalita, sinabi na niya ang kasunod. "Aba'y napagod yata sa pagmo-motor sa initan. Pinapasok ko muna sa isa sa mga van at sumasakit daw ang ulo niya."

Imbis na tumanggi, wala akong ibang nasabi kundi, "Thank you po."

Sumasakit na naman ang ulo niya. Sa initan ba o dahil sa play? May naaalala na ba siya? Naaalala na ba niya ako? Kami?

AFGITMOLFM (2019 version)Where stories live. Discover now