43-B [ truth ]

12.5K 635 277
                                    


Pagkauwi ko sa bahay galing ospital, nadatnan ko si Mama sa kusina. Humalik muna ako sa pisngi niya bago ako nahiga sa sofa para magpahinga. Sobrang sakit ng katawan ko dahil dumiretso ako sa ospital pagkatapos ng work. Mamaya, may shift ulit ako sa work. Siguro, iidlip lang ako, maliligo na, then diretso sa Kapelibro.

Ospital – Kapelibro – bahay ang routine ko sa buong break. Nag-working student kasi ako sa Kapelibro, hinihintay na sana may dumating na customer na paborito ang lugar na 'yun.

Pero walang pamilyar na mukha ang bumalik doon.

"Kaya mo pa ba?"

Napadilat ako at tumingin kay Mama na nakatingin sa akin. "Ma. . ."

"Nag-aalaga ka ng may sakit pero sana 'wag mong hayaang pati ikaw, magkasakit na rin."

"Yes, Ma."

Lagi kasi akong nasa tabi ni Nate. Dapat magaan lang ang feeling pero mas lalo akong nahihirapan sa tuwing nahihirapan siya sa mga chemo, tests, at mga gamot niya.

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin maipasok sa kokote ko na may sakit talaga siya kahit ilang linggo na rin ang nakakaraan simula nang malaman ko ang katotohanan. Semestral break na rin kaya mas nabigyan ko ng pagkakataong maalagaan si Nate.

Si Nate na nagpa-surgery. Si Nate na sobrang nangangayayat. Si Nate na palaging nakangiti. Si Nate na mahal ako.

Hindi pa rin ako nasasanay. Dahil minsan kapag dumarating ako, sobrang sigla niya . . . pero minsan kapag nawawala ako saglit, pinagkakaguluhan na siya ng mga nurse pagbalik ko.

Buti sana dahil sa gwapo siya, pero hindi, eh.

Nagkaka-seizure kasi siya. Side effect ng surgery.

Sabi ng doktor, maganda raw ang response ng katawan ni Nate sa mga gamot at therapies pero bakit hindi ko makita ang 'magandang response' sa pagsuka niya ng dugo, sa pagsigaw at pagdaing ng sakit at panginginig, isama pa ang panghihina ng katawan.

Nasaan kaya ang good response dun?

At minsan, kapag natutulog siya?

"Nate?" Kinalabit ko siya sa balikat pero hindi pa rin siya nagigising. Hinawakan ko na siya sa braso at ginalaw pero wala pa rin. Sa mga pagkakataong ito—lagi akong kinakabahan. "'Wag ka nga mag-joke ng ganyan, ayan ka na naman, eh," pagmamakaawa kong sabi kahit nakangiti . . . pero naluluha. "Nate, gising. 'Wag ka magbiro ng ganyan."

Lumapit sa amin ang mga nurse at nagsimulang gisingin si Nate. Nasa labas lang kami ng kwarto. Kung hindi si Cloud ang kasama ko, minsan si Irene o Erin. 

At kapag nangyayari ito, hindi ko mapigilang hindi umiyak.

"Hindi siya bibitiw, tiwala lang."

Kahit ilang beses nilang sabihin na hindi bibitiw si Nate. Kahit ilang beses nilang sabihin na magtiwala lang ako. Na kumalma lang ako.

Hindi ko magawa.

Minsan kasi kapag natutulog siya, nasosobrahan sa himbing . . . at ang hirap na niyang gisingin.

Sinong hindi matatakot? Ako, takot na takot ako. Any time, pwedeng-pwede siyang kunin. Hindi siya bibitiw pero pwedeng pagbitiwin na siya kaagad.

Nakakatakot.

Nang magpasukan na, medyo nahirapan akong ayusin ang schedule. Mas nawalan ata ako ng oras dahil Kapelibro, school, ospital na ang naging schedule ko. Madalas, nagmamadali akong umalis sa school kasi kung hindi ospital, shift ko sa cafe.

Tuwing weekdays, kapag wala akong shift, sa ospital ako didiretso. May one time nga na naliligo na ako sa ospital para didiretso na lang ako ng school. 

AFGITMOLFM (2019 version)Where stories live. Discover now