38-B [ date ]

15.7K 735 324
                                    


FEELING ko nasa 78.39% na ang closeness meter namin ni Art. Oo na, feeling na nga ako—pero kasi, iba na. Sa bawat galaw niya. Sa bawat tingin niya sa akin. Sa bawat salitang binibitawan niya, parang pinagpipilitan niya sa akin ang 'gustong-gusto kita' echos.

Oo na, echosera ako.

Masama bang parang . . . ang saya ko?

Sa totoo lang, naiinis ako na ang saya ko dahil galing ako sa sakit . . . galing ako sa palaging pag-iyak, tapos nag-tree drop lang ako, ganito na? Naiwan ko ba yung sakit ng nakaraan nung bumagsak ako mula sa 60ft?

Sinadya ba yon ni Art?

Kaya ba sa Forest Manila ang unang labas namin dahil sa bawat laglag namin e naiiwan hindi lang kaluluwa namin kundi pati 'yong mga sakit?

Pagdating ng Monday, normal na araw lang ang lahat. Magkasama kami ni Art na nasa food court, magkatapat na kumakain ng lunch sa isang mesa. May ilang napatingin sa amin, pero mostly kay Art na parang nabigla na nakita nila si Art na kumakain sa outside world.

Nahirapan din akong kulitin siya dahil madalas, nasa classroom lang kami.

At alam ko na kung bakit . . . andaming nakatingin sa kanya. Ako na yong na-conscious, e.

"Ano bang feeling maging pogi?" out of nowhere kong tanong.

Natigil siya sa pagsubo ng kanin niya. "Inaamin mo bang pogi ako?"

"Luh, feeling neto, a." Napaatras ako. Tumitig. Pogi naman talaga siya. Alam kong gwapo siya simula pa lang pero . . . ngayon ko lang siguro na-appreciate?

Dahil ba close na kami? Dahil ba noong una, wala talaga akong paki noon sa mga lalaki? Dahil ba yong utak ko e alam na walang chance yong sa amin?

Tapos ngayon . . . katapat ko siya. Kausap. Nasasabihan ng luh, feeling neto, a.

Wow.

"Ano palang first impression mo sa akin?" tanong ko.

Tumaas kilay ni Art. "Sa 'yo?"

"Ay hindi, siya," sabi ko sabay turo sa isang kabatch namin sa kabilang table.

Nagkatinginan kami ng kabatchmate ka tapos nginitian ko lang ang pagtataka niya. Hehe.

Umirap si Art at umiling. "Hindi ko maalala. Kailan ba kita unang napansin."

"Aba malay ko, itong ganda ko, hindi mo napansin sa first day man lang nung bago kang transfer dito?"

"Hindi."

"Grabe naman manakit nito." Napahawak ako sa gitna ng dibdib ko at sumimangot. "Doon na lang sa review noon, naaalala mo naman yon di ba?"

"May photographic memory ako kaya . . ."

"Tapos di mo alam kailan mo ako unang napansin dati?!"

Ngumisi siya, parang nang-aasar.

"Dali na, nung sa review, anong naisip mo sa akin noon?"

"Umiiyak dahil kailangan mag-aral."

Bigla akong natawa. "Sinasabi mo bang tamad ako?"

"Oo."

Sumimangot ako. Grabe naman! Makapagsabi ng katotohanan.

"Hindi mo ba itatanong kung ano first impression ko sa 'yo?"

"Hindi."

"ANG DAYA!"

Pinagtitripan talaga ako nito. "Sige, ano impression mo sa akin?" Kinurot niya 'yong pisngi ko. "Ayokong umiiyak ka."

AFGITMOLFM (2019 version)Where stories live. Discover now