32 [ accept ]

20.2K 835 341
                                    


MAY limang stages ng grief at loss.

Una, denial at isolation. Pangalawa, anger. Pangatlo, bargaining. Pang-apat, depression at panglima, acceptance. Hindi ako informed na may nadagdag pang isa.

Eat a lot.

Sa buong sembreak, tumigil na ako sa pag-iyak. Nagawa kong maging busy sa lumipas na ilang linggo sa tulong ng isang Emotionless Guy. Hindi niya ako hinayaang mag-isa. Lagi siyang nasa tabi ko at laging pinupunan ang bawat espasyo na kulang sa puso ko.

Lalo na ang espasyo sa tiyan ko.

Madalas kaming tambay sa BH pero mas madalas nasa kwarto niya siya samantalang nasa sofa ako at tumititig sa TV.

"Oy."

Sinandal ko ang ulo ko sa sofa at tumingala para makita siya. Napapikit at natulak ko siya nang magpatong siya ng napakainit na baso sa noo ko.

"Aray!" Napaupo ako nang maayos. "Ano na naman bang problema?" Pinalo-palo ko ang noo ko para mawala ang init.

"Kainin mo." Nilaglag niya ang plastic ng cookies sa tabi ko.

"Kailangan bang idikit mo sa akin 'yang baso mong napakainit para lang ibigay sa akin 'yung cookies?"

Nginisian niya ako nang umupo siya sa tabi ko sa sofa at kinuha ang remote control ng TV. Naglipat-lipat siya ng channel habang ini-snob ang sama ng tingin ko sa kanya.

Nagvibrate ang phone ko. Kukunin ko na sana ang phone ko nang magtaka ako dahil kinuha ni Art.

"Cellphone ko 'yan," sabi ko nang nakataas-kilay.

"Oo nga."

Binigay niya sa akin ang phone. Tiningnan ko siya nang nakakunot-noo habang ino-open ang message. Nakatingin lang siya sa TV na parang walang nangyari.


Do.Not.Text.Call.This.Number.

:)


Napatitig ako sa text. Isang emoticon lang pero naguluhan na ako sa nararamdaman ko. Matutuwa? Mapapangiti? Malulungkot? Magagalit? Manghihinayang? Maguguluhan?

"Akin na 'yan."

Kinuha ni Art ang cellphone ko. Kukuhanin ko sana nang binuksan niya ang likod at sinira ang sim card.

Teka. Sinira niya ang simcard ko!

"Huy, anong problema mo?" Tinulak ko ang mukha niya kaya napahiga siya sa sofa. Nanlalaki ang mga mata ko. I can't. Wahtda. "Adik ka ba?"

Umupo siya nang poker face lang. "Para hindi ka na i-text at para hindi mo siya i-text."

Tinulak ko ulit 'yung mukha niya pero pinigilan na niya ako. "Eh paano ko ite-text sila Mama at Papa?"

Tumayo siya at pumasok sa kwarto niya. Iniwan niya akong nanlulumo habang nakatitig sa sira kong sim card.

"'Yung sim card ko!"

Paiyak na ako nang lumabas siya ng kwarto at binato sa akin ang isang matigas na papel na muntikan nang mag-bull's eye sa noo ko.

"Kailangan binabato?" kunot-noo kong tanong.

Ngumisi siya nang kunin ang phone ko at nilagay ang sim card sa loob. "Sim card tawag dito at para sa cellphone 'to."

Gusto kong sabunutan ang sarili ko sa sobrang inis pero masakit kaya 'wag na lang.

"Oo nga, may sim card nga. Pero paano ko malalaman ang number nila Mama at Papa?"

Nakipagtitigan siya sa akin pero naiinis talaga ako. Nagpindot siya sa cellphone ko at pagkabigay sa akin, nandun na sa contacts sila Mama, Papa at Kuya Eos.

AFGITMOLFM (2019 version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon