25 [ weird ]

14.7K 779 430
                                    


TAHIMIK kami hanggang makauwi ni Emotionless Guy. Hindi niya ako pinansin o tinanong kung ano nangyari sa mall.

Papasok na sana siya ng kwarto niya nang tawagin ko siya sa pangalan niya kahit pakiramdam ko, wala akong karapatan. 

"A-Art." Kinabahan ako nang lumingon siya sa akin. "Salamat."

Natulala lang ako nang tiningnan niya ako at pumasok sa kwarto niya. Naalala ko na naman ang nangyari sa mall. Niyakap niya ako. Niyakap ako ni Emotionless Guy. Ni Art. Ng isang Art Felix Go.

Bakit?

Hindi kami nagkita ni Emotionless Guy hanggang sa pumasok ako ng school. Pagkarating ko sa fourth floor, kinabahan agad ako nang makita ko si Nate na nakatawa habang pinapalibutan ng ilang babae.

Pero isa lang ang natitigan ko; si Irene na nakahawak sa braso ni Nate.

Hinatak ni Emotionless Guy ang bag ko at dumiretso sa loob ng classroom. Napatingin ako kanila Nate at kinabahan nang makitang nakatingin din sila sa akin kaya pumasok ako agad ng classroom. Pagtingin ko sa upuan ko, nandun na ang bag ko habang natutulog si Emotionless Guy sa sarili niyang pwesto.

Anong ka-weirdo-han ang nangyari?


TINAWAG ako ni Leah nang mag-uwian at sinabing may naghahanap daw sa akin sa labas. Natigilan ako nang makita ko si Nate sa labas. Tumingin-tingin pa ako sa paligid pero hinawakan ako ni Nate sa braso.

"B-Bakit?" kinakabahan kong tanong.

Tahimik lang si Nate. May mga tumingin pa sa amin nang makahulugan. May mga nag-'nice' at nagngingitian.

Tumingin siya sa akin nang mawala na ang halos lahat ng tao sa hallway. Nanghina ako nang hawakan niya ang pisngi ko at nagsimula nang mamuo ang luha sa mata ko dahil sa init ng palad niya. Tumitig siya sa akin. Gusto kong umiwas ng tingin pero hinahatak ako ng mga mata niya. Hindi ako makaiwas. Hindi ko kayang kumawala sa mga mata niya.

Namiss ko kaagad ang kamay niya nang tanggalin niya mula sa pisngi ko. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang kunin niya ang singsing na binalik ko sa kanya sa bulsa ng polo niya.

Akala ko, isasauli niya sa akin para maging masaya ulit kami. Akala ko magiging okay na kami. Buong akala ko, ibabalik niya nang buo ang puso kong sirang-sira na.

Pero. . . akala ko lang ang lahat.

Dahil ang sunod niyang ginawa ay ang pumatay sa akin.

Binato niya ang singsing mula sa kinatatayuan naming fourth floor papunta sa grounds.

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko na pakiramdam ko, ako yung hinagis at bumagsak sa ground. Napatingin ako sa kanya at parang wala lang sa kanya ang lahat?! Tumigil ang mundo ko at tuluyan nang naluha.

Wasak na wasak na ang puso ko.

"Kalimutan mo na lahat," bulong niya. Hindi siya nakatingin sa akin pero lahat ng sinasabi at ginagawa niya, tagos na tagos sa puso't isip ko. "Wala ka nang babalikan."

Tumingin si Nate sa likuran ko. Hindi na siya makatingin sa akin nang naglakad na siya palayo. Napalingon ako sa humawak sa balikat ko. Nagulat ako nang ibigay ni Emotionless Guy ang bag ko sa akin at tinulak ako nang mahina.

"Uwi na."

Naglakad na rin siya palayo habang tulo nang tulo ang luha ko. Tumango ako kahit hindi niya nakikita at sumunod.

"Ate Ianne!" Nagpunas ako ng luha nang lumapit sa akin si Humi bago ako lumabas ng gate. "Alam mo ba, nag-uusap ngayon ang adviser ko at si Tatay?"

AFGITMOLFM (2019 version)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang