38-A [ date ]

15.2K 772 676
                                    


HINDI mapakali si Art habang nakaupo sa upuan niya. Sa totoo lang, ako rin. Hindi ko alam kung paano ako magre-react pagkatapos ng nangyari sa prom. Ilang araw na rin ang nakakaraan at parang parehas naming sinusubukang huwag isipin at pag usapan yong nangyari.

Pero yung mga batchmate ko? Mukhang hindi ata nila nalimutang nagsayaw kami magdamag ni Art noong prom dahil panay ang tingin nila, ang sasama ng tingin. Isama pa si Irene.

Si Nate naman . . . hay, kinakabahan ako kapag iniisip ko pa lang siya.

Buti na lang hindi ko siya nakakasalubong o ano.

Mag-uuwian na nang mapansin kong lutang pa rin si Art. Para siyang natatae na hindi malaman.

"Uhm. . ." panimula niya.

"Hm?"

"A-Ano. . ." 

Luh, nauutal ba siya?

At hindi siya makatingin sa akin! Nakahawak pa siya sa batok niya!

Si Art ba to?!

Napangiti ako. "Sige Art, sabihin mo. Kaya mo 'yan."

Hindi pa rin siya nakatingin sa akin. "Pwede bang . . . pwede ba tayong lumabas?"

Nagtaka naman ako. Tumayo ako at hinila siya palabas ng classroom. "Ayan, lumabas na tayo. Ano na?"

Tumawa siya nang mahina at nag-face palm. "Hirap nito. Slow."

Tumaas ang kilay ko.

Bumuntonghininga siya.

"Friday. Ten ng umaga."

"Friday? Wala tayong pasok sa—"

Hindi na niya ako pinatapos at tumalikod. Hinabol ko siya bago pa siya makababa pero isa lang ang sinabi niya sa akin para ma-gets ko ang lahat.

"Totoo mga sinabi ko nung prom."

Ilang araw din naming iniwasan yon tapos biglang . . . ganon?

Jino-joke time ba ako nito?

Bakit ako kinakabahan?!


PAGDATING ng Friday, nagising ako nang maaga sa usual na gising ko. 9:30am. Parang excited yung katawan ko na gumising. Pero . . . wala namang sinabi si Art kung saan kami magkikita! Baka joke time lang.

Chineck ko yung phone ko. Wala rin siyang kahit anong text o paramdam. Ni hindi nga namin pinag usapan ulit kinabukasan nung sinabi niya yon.

Joke time lang siguro talaga.

Galing mag-joke ng emotionless na 'yon?!

Hindi niya sinabi kung saan kami magkikita kaya siguradong joke time lang 'yun.

"Ianne." Kumatok si Mama sa pinto ng kwarto ko. "Gising na. Breakfast."

Hindi ako sumagot. Magpapanggap pa sana akong tulog pero hindi siya tumigil sa pagkatok hanggang sa tumayo na ako at nagsabing susunod na.

Pababa ako ng hagdan nang halos madulas ako sa nakita ko.

Nakaupo. Siya. Sa. Sofa? NAMIN?!

"B-bakit ka nandito sa bahay?"

"Hi."

Si Art!

HALA.

Yung puso ko ang sakit! Ano to bakit ganyan anong nangyayari!

AFGITMOLFM (2019 version)Where stories live. Discover now