Part One: VJ Aimee

5.1K 119 3
                                    


"IF YOU have the power to do time travel, what era in Philippine History would you like to go back to and why?"

Hindi napigilan ni Aimee na mapatawa sa tanong na nabasa mula sa teleprompter. Iyon ang piniling tanong ng staff ng show nila mula sa mga text messages at emails sa kanya ng mga manonood. Ie-ere kasi ang show na iyon sa mismong araw ng birthday niya.

"'Know what, guys," aniya habang nakatingin sa camera, "I'd still have the same answer as what I had a few months back in La Belleza Filipina: I want to go back to the Spanish Era so I could meet Jose Rizal. Because I think he's really cute and attractive, and to top it off, he's very, very intelligent. And that's... hot!" She winked playfully.

"So, that's it, guys. Thanks you so much to all those who emailed and texted in their questions for me. And again, thank you for watching Heartstrings here in MusicFusion, the number one music channel in the Philippines. This has been VJ Aimee, signing off." Sumaludo pa siya bago humakbang paalis sa line of sight ng camera.

"Cut! That's a wrap," ani Velvet, ang direktor nila. "Good job, Aimee."

Kunwaring inirapan niya ito. "Kayo talaga, iyon pa talaga ang pinili n'yong last question, ha."

Tumawa ito. "Ang epic kasi ng sagot mo d'on, eh. C'mon girl, who among the Millenials would have a crush on Rizal, and would even tell it to the whole world during a beauty pageant's question and answer portion? "

She made a face on Velvet. "Me!"

"That's why you should've won the pageant." Ngumiti ito sa kanya.

"Sige lang, bolahin mo lang ako, pa-birthday mo na sa 'kin." She got her Green Tea Cream Frappe, and walked out of the studio to go to the dressing room. Bago siya tuluyang lumabas, muli niyang nilingon ang staff at ang direktor ng show na naging kaibigan na niya. "Bye-bye, everyone! I'll see you on Friday!" Iyon ang sunod na taping day niya. Ilan sa mga ito ang kumaway sa kanya, ang ilan ay deadma lang, na ikina-kibit balikat niya.

Nang buksan na niya ang pintuan ng studio ay napatda siya ng madatnan ang kaibigan at kapwa VJ na si Jared Segovia na naka-amerikana, naka-wig, at naka-bowler hat.

Nang lingunin niya ang staff, crew at si Velvet, mula sa kung saan ay nakapaglabas ang mga ito ng balloons at party poppers.

"There's your Jose Rizal hottie, Aimee! Happy Birthday!" ani Velvet.

Tumawa siya at muling nilingon si Jared. "Hello, Dr. Jared Protacio Rizal!"

Ngumiti ito. "Advance happy birthday, Aimee!" bati nito sa kanya. Nagsimula itong kantahan siya ng happy birthday song, na sinabayan naman ng production staff nila.

Nang matapos ang kanta ay inilapit sa kanya ni Jared muli ang bilog na cake na may figurine na kamukha niya. "Go ahead and make your wish so you can blow your candles."

Pumikit siya at inisip ang gusto niyang hilingin ngayong 23rd birthday niya. Ang bahagyang nakangiting mukha ng isang lalaking kilalang-kilala niya ang biglang pumasok sa isipan niya. Napadilat tuloy siya.

"I wish... for good health, a great career, and... world peace!" Sa halip ay sabi niya bago niya hinipan ang mga kandila sa cake. Everyone hooted and cheered for her. Inilapag naman ni Jared ang cake sa isang lamesa na naroroon.

"Sobrang thank you sa inyong lahat!" aniya sa mga tao roon. Tiningnan niya si Jared at niyakap. "Thanks, Jared."

Gumanti naman ito ng yakap sa kanya. "De nada, Señora." Jared said to her. She assumed it meant 'you're welcome' in Spanish. The people teased the two of them, sa pangunguna pa ni Velvet.

Tinawanan lamang nila iyon. They were used to being paired to each other. Jared was a friend she knew way back in college. They were good friends. Ngunit hanggang doon na lamang iyon.

The Beauty Queen And The Geek (COMPLETED)Where stories live. Discover now