Part Sixteen: Filming The Final Episode

1.5K 62 3
                                    


THEY WERE about to tape their final episode for The Beauty Queen and The Geek, and half of Wyldon's heart was quite delighted, and the other half was quite grim. Iyon ay dahil sa wakas ay makakabalik na siya ng full-time sa mundo ng chess at dahil na rin kahit papaano ay nagkapuwang naman sa puso niya ang show nilang iyon ni Aimee. Alam niyang magiging mahirap din naman sa kanya kapag dumating na ang pagkakataon na kailanagan na niyang magpaalam sa mga taong bumubuo sa show nila.

Ngunit kahit na kinausap pa siya ni Kelvin para sa posibilidad ng Season 2 ng The Beauty Queen and The Geek, o kaya ng isang bagong show para sa kanilang dalawa ni Aimee, ay hindi na siya talaga pumayag pa ng extension. He told him he was not like Manny Pacquaio who could balance being a world-class boxer, a Senator, a basketball coach, an actor, and a family man. He was not the multitasking type.

Desidido na siyang balikan ang mundo ng chess. Sa katunayan, pagkatapos na pagkatapos ng taping nila sa CamSur Watersports Complex sa Pili, Camarines Sur, mula sa Manila ay international flight naman papuntang Thailand ang sasakyan niya makalipas ang ilang oras. Doon kasi sa bansang iyon gaganapin ang sunod na international chess open na dadaluhan ng mga piling miyembro ng PCF.

Ngunit sa ngayon, gusto niyang i-enjoy ang final episode nila. It was called "Battle of the Beauty Queens and the Geeks" dahil bukod sa kanila ni Aimee, mayroon silang walong guests na makakasama para sa final episode. Apat na mga beauty titlists at apat na geeks ang inimbitahan nina Velvet para sumali sa race nila sa CWC. Two out of the four beauty queens were Aimee's co-contestants in La Belleza Filipina, then one came from Miss Earth, and the last one came from Binibining Pilipinas.

As for the geeks, mayroong computer geek, merong ding comics geek, film geek at history geek. Karamihan sa mga iyon ay mga taong na-interview na nila sa ilan sa mga naging episodes ng show nila kaya naman kilala na niya kahit papaano ang mga ito.

He was positive that he would do well on this episode. The race they were about to do was nothing compared to all that he had to bear and endure during the show's whole season.

---

AIMEE secretly prepared for the last episode of The Beauty Queen and The Geek. At dahil sinabi na sa kanila na sa CamSur nila gagawin ang taping, she already had the idea that it would be a physical and mental game, a race, most probably.

Kaya naman sa mga nakalipas na araw, mas dinoble pa niya ang oras niya sa gym. Kung dati ay one hour twice a week, ginawa niya iyong two hours four times for the past week. Nag-practice din siyang lumangoy sa swimming pool ng clubhouse ng village nila. She avoided her usual serving of junk foods and chocolates, at sa halip ay mga pagkaing puro carbohydrates at protein ang naging parte ng diet niya.

Hindi man niya inamin ang ginagawa kay Jared ay nahalata pa rin siya nito. Jared thought she was crazy for taking the show too seriously. Actually, hindi niya masabi dito na hindi lang naman ang reputasyon niya ang concern niya kaya siya naghahanda. Deep inside her, gusto niyang ipakita kay Wyldon na hindi siya isang mahina at lampang babae. Na kaya niya itong tapatan sa isang pisikal na laban. And maybe, just maybe, she could get even a nanometer of admiration from him.

Naputol ang pagmumuni-muni niya nang mapansin niya ang pagbubulungan ng mga kasama niyang naging beauty pageant contestants. Siya ang pinakaunang nilagyan ng makeup dahil magsu-shoot pa sila ni Wyldon ng plugs para sa season finale nila.

"Done already?"

Nalingunan niya si Wyldon. And her jaw almost dropped at the sight of him wearing a gray sando and a black jogging pants.

The Beauty Queen And The Geek (COMPLETED)Where stories live. Discover now