Part Eight: The Heartstrings' Effect

1.6K 66 1
                                    


WYLDON was busy writing the fourth chapter of his book whose working title was Wyldon's Way Of Playing Chess when he heard his cellphone's message alert tone almost non-stop.

Inabot niya ang ang cellphone at tiningnan kung kanino galing ang mga message. Napakunot ang noo niya nang makitang mula ang mga message kina Cedric, Empress, sa nanay at tatay nya, mga kapatid, at iba pa niyang mga kamag-anak at kakilala. Iisa ang laman ng mensahe ng mga iyon, napanood daw nila ang pag-guest niya sa show ni Aimee sa MusicFusion.

Ilan sa mga iyon ang nagsabing natawa at natuwa raw sila sa palabas. Si Cedric, ibinubuyo na naman siyang ligawan si Aimee. Si Empress, nagsabi na kakaibang Wyldon daw ang napanood nito. Maging si Sir Louie ng PCF, nag-congratulate din sa kanya. Napanood daw nito ang show kasama ang pamangkin nitong babae na fan daw niya.

Napailing na lamang siya. Io-off na sana niya ang cellphone niya para hindi siya maistorbo sa pagsusulat ng may pumasok na text message mula kay Aimee.

Wyl, you look great on tv! Waaah.. Grabe talaga! I know i'm sounding like a gushing fan girl,but i really, really hope we could work together again soon. Have a great night! :)

Natagpuan na lamang niya ang sariling nagre-reply dito ng maikling: Salamat.

Nang mai-isend na iyon ay tuluyan na niyang ini-off ang telepono niya para maibalik ang konsentrasyon niya sa isinusulat. Nasa chapter na kasi siya tungkol sa defense technique para sa double Fianchetto attack.

May ilang segundo rin ang lumipas na nanatili lamang siyang nakatitig sa blangkong Microsoft Word. Sinubukan niyang mag-type, ngunit pagkatapos niya ng isang pangungusap ay binubura din niya agad.

Bumuntunghininga siya at sumandal sa kinauupuang office chair. Inilibot niya ang tingin sa kwartong ng bahay niya na ginawa niyang pinaka-opisina cum library niya. Nakapaikot sa kuwarto ang matataas at naglalakihang bookshelves. He was an escapist in the sense that wheneve he'd like to get out of the real world, he would read books and comic books that would bring him to another dimension.

Dahil kasi nag-iisa siyang lalaki sa magkakapatid, madalas ay out-of-place siya sa mga kapatid niya. Paano ba naman kasi siya makikipaglaro sa mga ito ng manika, kitchen set at bahay-bahayan? Sa pinasukan niyang elementary at high school, dahil kilala siya na laging nagiging top one, marami ang ilag sa kanya. Kung meron man siyang ilang mga naging kaibigan, iyon ay ang mga katulad din niyang studious din, o kaya naman ay iyong mga gusto lamang bumarkada sa kanya para mangopya kapag may exams at magpatulong sa assignments o projects. Kaya naman mas naging takbuhan niya noon pa ang pagbabasa ng mga libro at comic books,paglalaro ng chess at pakikinig ng rock music.

He pressed his temples hard. Why couldn't his neurons concentrate on what he was writing? All the images inside his head were those that happened during the time that he and Aimee taped for the show in MusicFusion.

He knew that it would be aired around seven PM today. Ayaw lamang niyang manood dahil hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala na pumayag siyang gawin iyon.

He sighed again as he got his phone and had it turned on. Ang sabi ng Ate Wynona niya na sa text nito ay ini-record daw nito ang episode ng Heartstrings dahil sa guest siya roon. Tinawagan niya ito para pakiusapan na ipadala iyon sa kanya. Pumayag naman ito, iyon ay pagkatapos nitong sabihin na bagay na bagay daw siya at si Aimee. Natatawang kinumusta na lamang niya ang asawa't mga anak nito. Saglit pa silang nag-usap bago ito nagpaalam at nagsabing ise-send na nito ang kopya nito ng episode ng Heartstrings para sa araw na iyon.

The Beauty Queen And The Geek (COMPLETED)Where stories live. Discover now