Part Seventeen: At the After Party

1.6K 63 3
                                    


SA CLUBHOUSE ng CWC ginanap ang dinner slash thanksgiving party ng show. Ang Team Dyosabels ang nanalo sa race laban sa Team Geekolos. In-award-an pa sina Aimee ng cash prize at gift certificates mula sa mga nakuhang sponsors ng marketing officer nila.

Nagkaroon ng maikling program kung saan binigyan ng pagkakataon na magsalita ang ilan sa mga staff and crew tungkol sa show at sa pagtatapos nito. And there were only good words for everyone.

Pinakuhuli silang dalawa ni Wyldon na tinawag ni Belinda, ang nagsilbing host para sa gabing iyon. Nagsigawan at nagpalakpakan ang lahat.

"What else could we say?" She asked no one in particular. She sighed. "Wala akong masabi kung hindi 'thank you'. Thanks for being the best staff and crew ever. I mean, you guys treated us almost like family. Salamat sa pag-intindi sa mood swings at differences namin ng co-host ko. From the bottom of my heart of hearts, thank you, everyone." Nang lingunin niya ang katabing si Wyldon, nakatingin lamang din ito sa kanya. "You, Wyldon?" Siniko niya ito.

"Lagi mo na lang akong sinisiko," reklamo nito. Nagtawanan ang mga tao sa paligid.

She stuck her tongue out at him. Nakagawian na kasi niyang sikuhin ito ng ilang beses kapag nagkakamali ito o kaya ay nakakaligtaan nito ang spiel nito. Nagri-retake kasi sila sa tuwing mangyayari iyon.

Tumikhim naman si Wyldon bago ito muling nagsalita. "Salamat sa pagtitiyaga ninyong lahat. Ang dami kong natutunan mula sa bawat isa sa inyo. And believe me when I say that being a part of this show was one of the best experiences I had in my life. It was like I was living like a superhero, para akong nagkaroon ng alter-ego dahil sa mga challenges na ibinibigay nyo sa 'kin sa bawat taping day. Hindi man ako naging miyembro ng Justice League o Avengers, at least masasabi ko naman na isang beses sa buhay ko na naging parte ako ng show na The Beauty Queen and the Geek." Huminto ito sa pagsasalita at bahagyang ngumiti. "But no goodbyes from me, what I want to say to all of you is that I'll see you guys around."

Halos lahat ay nabakas sa mukha ang pagkalungkot dahil sa speech ni Wyldon. May ilan pa nga sa mga babaeng staff nila ang nagpahid ng luha.

"Gosh, Wyldon, kaya mo pala magsalita ng ganung kahaba on your own. Record-breaking," she said in an attempt to lighten the glum atmosphere. She was caught off-guard when Wyldon playfully pinched her chin.

"At ikaw, mami-miss talaga kita, Aira Marie," anito sa kanya na agad nagpabilis sa pagtibok ng puso niya.

"Kiss, kiss!" sigaw ng mga tao sa kanila.

Nagkatinginan sila ni Wyldon at nagkatawanan. Kinabig siya ni Wyldon payakap dito at hinagkan siya sa noo.

"Sa lips! Kiss sa lips! Kiss sa lips!" Patuloy na panunukso sa kanila ng lahat.

"Oy, kayong dalawa, pagbigyan n'yo na kami," susog ni Belinda sa kanila. "Kiss sa lips! Kiss sa lips!" Nakangiting sabi ito habang pumapalakpak at sumasabay sa pagtsi-chant ng mga tao sa paligid.

Nakakunot ang noong napatingin siya kay Wyldon. Ayaw naman niyang siya ang unang humalik dito. Nagkibit-balikat naman ito bago dahan-dahang inilapit ang mukha sa kanya. Napapikit siya at nabingi sa ingay ng sigawan sa paligid.

She felt Wyldon's lips brush on hers. For a split-second, she could swear she felt him nibble on her upper lip. But before she could kiss back, Wyldon already pulled away from her. Napadilat siya ng mga mata. Gusto sana niyang mag-rally nang idilat niya ang mga mata.

She wanted a deeper, longer, sweeter kiss. But of course, she couldn't demand that from Wyldon. Kaya naman pinilit niya ang sariling ngitian ito nang magkatinginan sila.

The Beauty Queen And The Geek (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon