Part Ten: The Pilot Episode

1.4K 67 4
                                    

BREATHE in, breathe out. Breathe in, breathe out. Breathe in, breathe out. Get a grip of yourself, Aimee! Pagalit niya sa sarili. Sa labas, mukha siyang kalmadong-kalmado habang mini-makeup-an siya para sa first taping day nila ni Wyldon ng show nilang The Beauty Queen and the Geek, pero sa loob-loob niya, nagra-rally yata lahat ng internal organs niya sa sobrang nerbyos.

Naka-costume siya bilang si Wonder Woman ng DC Comics. She was wearing a red and gold corset, a star-spangled blue micro-mini skirt, and red boots. Her stylist and makeup artist were raving on how long her legs were, and how sexy she looked at the costume. At ang tanging naisagot niya sa mga ito ay ngiti at simpleng "Thank you."

Nang sa wakas ay matapos ang pag-aayos sa kanya at pumunta na siya ng Studio 5 kung saan naroroon ang set ng show nila. Ang naka-schedule na i-shoot nila ngayon ay plugs para sa show nila at iyong mga scenes kung saan nasa set lamang silang dalawa.

May dalawang segundo rin siyang natigilan ng matanawan si Wyldon na nakikipag-usap kay Velvet. Naka-tuxedo kasi ito, at iyon ang unang beses niyang nakita ito na pormal ang suot. He looked like he was ready to pose for the popular GQ men's mag.

Naramdaman yata nito na nakatingin siya rito, kaya ng lumingon ito sa gawi niya, pinilit niya ang sariling ngumiti. Ngunit ang hindi niya nakontrol ay ang pag-iinit ng mga pisngi niya sa ginawang paghagod ng tingin ni Wyldon sa kabuuan niya. She was used being looked at, pero kung ito ang gagawa noon, parang gusto niyang biglang magtalukbong ng kumot.

"Alright, Wonder Woman's here!" malakas na sabi naman ni Velvet sa lahat ng mapansin siya nito. "You guys would surely look great together. Siguradong sasabog ang screen sa inyong dalawa."

Ibinaling niya ang tingin sa set ng show nila. Nahahati iyon sa dalawang theme. Ang isa, may drawing ng sa tingin niya ay mga comic book at sci-fi movie characters ang dingding. Merong desktop computer sa isang gilid, racks na puno ng mga libro, comics, DVDs, music CDs, maski vintage vinyl records. Meron ding mga action figures na iba't iba ang laki at hugis.

Sa kabilang side naman, parang backstage ng isang fashion show ang itsura. May malaking vanity mirror na may peripheral light bulbs, iba't ibang klaseng costumes na nasa rack, umbrella lights, at sofa na kulay pink.

"How do you like the set? We call the one on the left as The Glamour Side, the one of the right's The Geeky Side." narinig niyang tanong sa kanya ng writer nila na si Belinda.

"They're... great," she said in a lack of better term. Gusto sana niya sabihin na kuhang-kuha ng set pa lamang nila ang kaibahan ng background nila ni Wyldon.

Naramdaman niya ang pagtapik sa kanya ni Belinda. "Go na daw kayo sa set, sabi ni Direk."

Tumango naman siya at naglakad na papunta sa set. Nagkatinginan sila ni Wyldon na naroroon na sa tapat ng Glamour set.

"You look dashing," sabi niya bago siya pumuwesto sa tapat naman ng Geeky set.

"And you look like the very first version of Wonder Woman."

Kumunot ang noo niya. "Ah, talaga? Iniba daw ng costume designer yung lower portion. Dapat nga daw spandex na high-cut panty. Kaso baka naman ma-shootdown agad tayo ng MTRCB." She grinned.

Wyldon tapped his chin. "Wonder woman actually wore a skirt in the very first issue, way back 1941. And now DC Comics had her costume re-designed for the 600th issue. Ang magiging suot na niya ay black leggings, red blouse at blue na jacket."

The Beauty Queen And The Geek (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora