Part Nineteen: How to Lose the Girl

1.9K 77 3
                                    

"ANO'NG IBIG mong sabihin na kaya ko liligawan si Aimee eh para hindi na siya umiyak?" tanong ni Trent kay Wyldon.

Muli siyang bumuntunghininga. "I think I broke her heart," he said awkwardly. "And I can't just let her feel that way. I gotta do something about it." Saglit siyang tumahimik. "I need someone who could make Aimee realize that she's just fascinated at me. Na dahil iba ako sa mga lalaking nakasama at nakakasalamuha niya kaya pakiramdam niya, gusto niya ako."

"Tsk, you're really one weird guy, pare. You want the poor girl to get over you by getting her a new man?" pumalatak pa itong lalo. "Besides, wouldn't she find that strange? I'm your friend."

"Dahil lagi kang missing-in-action, no she doesn't know that we're friends. C'mon, Trent. Ikaw na lang ang puwede kong asahan na gawin 'to. Parehong may girlfriends sina Cedric at Grey. At sa ating apat, ikaw naman talaga ang pinaka-popular sa girls, lalo na noong college tayo."

"No need to stroke my male ego, pare. Sige, I'll do this for you. Shoot me an email, tell me everything I need to know about Aimee. Her numbers, her address, her favorites, her pet peeves. Everything."

Nakahinga siya ng maluwag. "Thanks, man."

"Wait, are you sure you don't feel anything for the girl? Baka naman you're turning your life into one grand chess game, and this is your strategy to get the queen. Well, I'm telling you, if she falls in love with me, wala ng bawian."

Dumaan ang ilang sandali bago siya nakasagot. "This is not a game, pare, and I'm not playing. I'd like to consider Aimee as a friend. At ayokong dahil sa 'kin ay nasasaktan siya."

"I see... Alright then. After this, amanos na tayo, Wyldon Rodriguez." Pagkasabi nito noon ay nagpaalamanan na silang dalawa.

Inilapag na niya ang telepono sa nighttable na nasa pagitan ng mga kama nila ni Anthony. Habang si Anthony ay naghihilik pa sa sa sarap ng pagkakatulog, siya naman ay hindi matagpuan ang katahimikan ng kalooban na akala niya ay makukuha niya matapos mapapayag si Trent sa plano niya.

Pumikit siya at pilit na inalis sa isip ang mukha ni Aimee na umiiyak at nasasaktan ng dahil sa kanya.

---

AIMEE was partying hard at an invitation-only event at The Fort, together with Ornussa and her model-friends. It has been the fifth night she had been like this, at kahit na panay ang pangangaral sa kanya nina Velvet at Jared ay hindi siya nakikinig sa mga ito.

Gusto niyang mapagod ang katawan niya, para pagdating niya sa bahay niya, kapag nakahiga na siya sa kama niya, hindi na siya iiyak hanggang sa makatulog siya. Maski ang makeup artist nila sa MusicFusion ay pudpod na ang concealer at nagsasabing nahihirapan na daw itago sa pamamagitan ng makapal na makeup ang pangingitim ng ilalim ng mga mata niya, pati na rin ang pamumugto nito.

May ilan na raw blind items ang naisulat sa mga tabloids tungkol sa isang kilalang VJ turned lasenggera and hard-core party girl. Ngunit wala siyang pakialam sa mga ito. They can write all the lies they could think about her for all she cared.

Ornussa's voice got her back to the present. "Hey, Cuz, I thought you want to have fun tonight? You still have the oh-shit-I've-been-rejected look on your face. Get over it, okay?"

She sighed. "Easy for you to say," aniya bago sinaid ang shot ng bloody mary na nasa harap niya.

"OMG!" bulalas ng isa sa mga kasamahang modelo nina Ornussa. "Hottie alert! Hottie alert!"

The Beauty Queen And The Geek (COMPLETED)Where stories live. Discover now