Part Thirteen: Spidey's Kiss

1.5K 69 3
                                    


MULA SA Komikon ay nagtuloy sina Aimee at Wyldon, kasama higit sa kalahati ng team na bumubuo sa show nila, pabalik sa Studio 5 ng ABC-GMN building.

Sa Komikon na ginanap sa Trade Hall ng Starmall sa may Shaw, Mandaluyong, nalaman niya ang estado ng local comics scene. Madami rin palang indie at popular na comics, at iba't iba rin ang genre at format ng mga ito. Nag-interview sila ng mga newcomers sa Komikon, mula sa mga artists pati na rin sa mga fans. They even managed to interview some of the most respected names in the industry.

Actually, para ngang hindi naging challenge iyon kundi parang isang exposure trip para sa kanya. At syempre, Wyldon surely knew his way around. Halos lahat ng mga nandodoong exhibitors ay kaya nitong pangalanan. Kaya rin nitong magbigay ng detalye sa halos lahat ng komiks na makita nila, mula sa kuwento, characters, hanggang sa mga creators ng mga ito. Hindi pa nga nila ito napigilang bumili ng ilang mga komiks at animo fanboy ito na nagpapirma at nagpa-picture pa sa mga paborito nitong comic artists.

Kinailangan nilang bumalik sa Studio 5 kahit nakapag-shoot na sila sa Komikon dahil may ilang shots daw na kailangang kuhanan sa Studio, at ang mga na-assign na maiwan na member ng staff and crew ang nag-set up ng studio para sa taping nila.

Ang nadatnan nilang mga set ay isang mukhang cafeteria, isang animo kwarto, at isang madilim na alley.

"Ano'ng meron?" tanong niya sa mga tao roon.

Si Velvet ang sumagot sa kanila. "We'll be doing a short film clip of the movie Spider-Man, 'yung Tobey Maguire version."

Napa-"What?" siya, na-"Really?" naman si Wyldon.

"Yes, yes. You heard me guys correctly. But what we'll do is sort of a parody. We'll have Peter Parker a.k.a. Spider-Man still a clumsy, geeky guy. If you guys have watched the movie—although I could bet that Wyldon may have watched it a couple of times—" Ngumiti si Velvet kay Wyldon bago ito nagpatuloy. "There was a scene on the cafeteria where Mary Jane almost slipped and had her lunch on a tray thrown in the air. Peter Parker saved Mary Jane, and he even got to catch Mary Jane's lunch." Tumikhim muna ito bago magpatuloy. "So, ang gagawin natin, madudulas din si Peter Parker, at ang ending si Mary Jane pa ang makakasalo ng tray at ng lunch niya."

Tumango-tango naman siya.

"Ano-anong scenes yung gagawin natin, Velvet?" tanong ni Wyldon dito.

"One, yun ngang sa cafeteria. Then yung nasa kwarto siya at na-realize niya na may mga nangyayaring changes sa katawan nya. Another is a fight scene with Green Goblin, and we'll have the goblin CGI-ed." Itnuro nito ang iba't ibang set kung saan gagawin ang mga eksenang binanggit nito. "Then you guys will also do one of the best kisses seen on silver screen." Velvet winked at them.

"Ha? Kissing scene? Kami ni Wyldon?" bigla ang naging pagbilis ng tibok ng puso niya sa narinig. Sinulyapan niya si Wyldon na seryoso lamang na nakatingin kay Velvet..

"So, what's the catch on the kissing scene?" tanong ni Wyldon pagdaka.

Ngumiti si Velvet. "Okay, just to give Aimee an idea, the scene was that Spider-Man was hanging onto his web upside down. Then Mary Jane goes to him, peels off his mask just enough for Spidey's lips to show, and then they kiss. But since what we'll do is a parody, before you guys could kiss, Spider-Man will fall to the ground. And of course may cushion naman to break Wyldon's fall."

"Ah, okay." ang tangi na lamang niyang nasabi.

Nang manatiling tahimik lamang si Wyldon, inutusan na ni Velvet ang mga production assistant na ibigay na sa kanila ang mga costume nila. Sinabihan rin nito si Belinda na i-brief na sila sa mga script nila.

Dahil comedy naman ang ginagawa nila, hindi naman naging mahirap i-shoot ang mga scenes na pinapagawa nina Velvet. Halos tatlo hanggang pitong take lang sila per scene. Ngunit hindi pa rin niya talaga maalis sa sarili na hintayin iyong kissing scene nila ni Wyldon. At parang nanadya pa talaga, hinuli pa ng staff ang scene na iyon.

When they were about to do her highly-anticipated scene, she again felt the familiar hardness of breathing. Pinilit niyang magmukhang kalmado habang dahan-dahang ibinababa ng nakabaligtad si Wyldon. Naka-costume ito ng Spider-Man , at ang sabi ni Velvet, kailangan lang daw niyang ibaba hanggang sa bandang ilong ni Wyldon ang maskara nito. At bago pa nga magdikit ang labi nila ay babagsak na ito sa foam na nasa sahig.

Nang magka-level na ang mga labi nila ni Wyldon ay dahan-dahan niyang ibinaba ang maskara nito. Naramdaman niya ang init ng hininga nito ng dahan-dahan niyang inilapit ang labi sa labi nito. Bakit ang tagal yata nitong malaglag—

Wyldon kissed her! She closed her eyes as Wyldon slowly nibbled on her lower lip. And then all that she knew was that she was already responding to his kiss. And she couldn't hear anything but her heart beating so fast...

Napautol ang halik ng tuluyan ng ibinaba ng mga humahawak ng harness si Wyldon. At ng mapalingon siya sa staff and crew, ilan sa mga iyon ay nasa mukha pa rin ang pagkabigla. Ang iba naman, naunukso ang mga ngiti. Nang tingnan niya si Wyldon na noon ay nakahiga sa bed foam na siyang binagsakan nito, nakatingin lamang din ito sa kanya. Hindi niya mabasa ang sinasabi ng mga mata nito.

Inalis niya ang tingin kay Wyldon at nakapamewang na hinarap sina Velvet. "Kayo, ha. Pinagti-trip-an n'yo na naman kami ni Wyldon,"

"That was actually an accident," sagot ni Velvet sa kanya. "Biglang nagka-problema 'yong harness kaya hindi maibaba si Wyldon. I said 'Cut!', but I guess hindi n'yo ko narinig dalawa. Well, I understand. The two of you were kind of busy."

The staff and crew hooted. Nang muli siyang bumaling kay Wyldon, nakita niyang nakaupo na ito sa bed foam at inalis na nito ng tuluyan ang Spider-Man mask nito. Saglit na nagtama ang mga tingin nila, bago ito bumaling kina Velvet.

"Another take?" tanong ni Wyldon dito.

"'Kaw ha, Wyldon, you want to take advantage of Aimee," sagot ni Velvet rito.

"Of course not," ani Wyldon ng tumayo ito mula sa pagkakaupo. "It was Aimee who took advantage of me."

Napasinghap siya sa narinig. "Excuse me—"

"Hey, I'm just kidding," agad na sagot nito. "'Sorry about the kiss."

Napakagat-labi siya. Wyldon was sorry that he kissed her? "O-okay lang..."

Nagsimula na naman silang tuksuhin ng mga tao sa paligid. "O, Sir Wyldon, okay lang daw kay Ma'am Aimee kung isa pa ulit!" kantiyaw ng isa sa mga naroroon.

Wyldon massaged his nape, chuckling. He looked so charming in her eyes, she wanted to throw her arms around him and just kiss him.

The Beauty Queen And The Geek (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang