Part Fifteen: The Photoshoot Challenge

1.4K 68 3
                                    

NINE-THIRTY na ng umaga ayon sa wristwatch ni Aimee. Late na siya ng dalawang oras sa call time nila para sa taping ng The Beauty Queen and the Geek sa Palazzo Arrastia, isa sa mga five-star hotel sa Ortigas Center, Pasig.

If she only had the choice, she would not be attending today's taping. May kalahating oras yata siyang nakahiga lamang sa kama niya, nakatingin sa kisame, at kinukumbinsi ang sarili na bumangon. Ayaw niya kasi sanang makita muna si Wyldon. It has just been two days since he admitted right in front of her face that he found Velvet "attractive." And she still felt her heart aching whenever she remembered that scene at Azalea.

Sinalubong siya ng production assistant nilang si Eloisa at tinulungan siya nito sa mga dala niyang gamit. Sa penthouse daw ng hotel sa may 38th floor naka-set up ang mga ito. Ngumiti lamang ito ng tanungin niya kung ano naman ang challenge sa kanila ni Wyldon para sa araw na iyon.

She bit her lower lip hard when they finally reached the penthouse. She had her eyes fixed on the floor. But damn the invisible spotlight, dahil nakita pa rin niya ang pamilyar na bulto ni Wyldon na nakaupo sa sofa sa may bandang kanan niya.

"Aimee, are you alright? May sakit ka ba?" nag-aalalang tanong sa kanya ni Velvet.

Nag-angat siya ng tingin nang salatin nito ang leeg at noo niya. Umiling siya. "I'm okay."

"Are you sure?"

Tumango siya.

Saglit siya niton tinitigan bago ito muling nagsalita. "Okay, ibi-brief na kayo ni Belinda." Tinawag nito ang writer nila, pati na rin si Wyldon.

Naupo silang tatlo sa isa sa mga sofa set na naroroon. Pilit pa rin niyang iniiwas ang tingin kay Wyldon. Sa gilid ng mga mata niya ay nakikita niya sumusulyap ito sa kanya. She tried her best to focus on what Belinda was saying.

"—Like Guess? print ads and bill boards which I'm sure you guys have seen and are familiar of."

"Huh? Come again?" tanong niya muli kay Belinda. "What about Guess? ads?"

"It's those ads' sensuality that we would like to aim for." Sagot nito sa kanya. "Again, this would basically be a challenge for Wyldon since I believe your experience in photo shoot would just be for your endorsements like Bear Brand and Stresstabs, right? No experience yet in this type of pictorial?" ani Belinda naman ng bumaling ito kay Wyldon.

Napahigit siya ng hininga ng mula sa isang folder ay inilabas ni Belinda ang ilan sa mga sample pictures. Napaka-sensual ng mga iyon! Fully clothed or not, she could not imagine herself doing those poses with Wyldon!

Nakita rin niya ang pag-aalinlangan sa mukha ni Wyldon ng makita ang mga pictures. Ilang saglit itong nakatitig sa mga iyon bago nito inilipat ang tingin sa kanya. Agad siyang nag-iwas ng tingin.

"Any questions? Clarifications? Violent reactions?" tanong sa kanila ni Belinda.

Nanatili silang tahimik ni Wyldon. Marami siyang gustong sabihin, pero sa dami ng tumatakbong ideya sa utak niya, hindi niya alam kung paano ang mga iyon iisa-isahin.

"Okay, good! Makeup and wardrobe, please!" Malakas na sabi niBelinda matapos itong tumayo at iwan silang dalawa ni Wyldon.

"Galit ka ba sa 'kin?" Aimee heard Wyldon say.

"Dapat ba 'kong magalit sa 'yo?" balik-tanong niya.

Bumuntunghininga lamang ito bilang sagot at tumahimik nang muli. Tinawag na siya ng makeup artist para masimulan na ang pag-aayos sa kanya.

The Beauty Queen And The Geek (COMPLETED)Where stories live. Discover now