Part Seven: VJ for a Day

1.5K 67 2
                                    


NASA MAY Studio 5 si Aimee ng ABC-GMN, ang mother network ng MusicFusion. Sa studio na iyon sila nagti-tape ng mga shows nila.

Naroroon silang dalawa ni Jared ng hapon na iyon dahil pareho nila iyong taping day. Hindi niya maitago sa kaibigan ang nararamdamang excitement. Ibinalita kasi sa kanya ng segment producer nila na pumayag daw si Wyldon na mag-guest sa Heartstrings. Kaya naman abut-abot ang kaba niya. Hindi niya tuloy magawang kulitin si Jared habang nasa green screen ito kagaya ng madalas niyang gawin.

Bahagya siyang nagulat ng may magpitik ng mga daliri sa harap ng mukha niya. Nang tingalain niya kung sino iyon, nakita niya si Velvet na nakangiti at may hawak na kape mula sa The Coffee Bean & Tea Leaf. It was just then that she notice that they were done taping the top-twenty hits show hosted by Jared .

"You seem like to be not your usual jolly self, Aimee. What's up?"

She shrugged. "Uh, nothing."

Nagtaas lamang ito ng kilay, halatang hindi naniniwala sa isinagot niya. Mayamaya ay napalingon ito sa gawi ng pinto. "Hey, the Wyldon Rodriguez is here." Narinig niyang sabi ni Velvet habang nakatingin sa gawi ng pintuan ng studio.

Bumilis ang pagtibok ang puso niya. In almost slow motion fashion, nilingon niya si Wyldon. She smiled at him as their eyes met. Matipid ang ngiting isinukli sa kanya nito. He looked like a shy kid as he crossed the room to get to where they were sitting.

"Ready for your stint, VJ Wyldon?" tanong niya rito.

Tumango lamang ito sa kanya bago nito inilipat ang tingin kay Velvet.

"Velvet Diaz. I'll be directing you and Aimee in a while," ani Velvet nang ilahad nito ang kamay sa lalaki.

Kasabay ng nararamdaman niyang kaba ay ang animo pagtusok ng isang giant karayom sa puso niya habang pinagmamasdan niya si Wyldon. She had seen that look in his eyes as he now looked at Velvet. Iyon ang tingin ibinigay nito kay Empress ng una nila itong makilala sa harap ng gym.

Oh my, not Velvet! Gusto niyang mapapadyak sa inis. 'Yan ka na naman, Wyldon, kung kani-kanino ka na naman nakatingin!

Bahagya naman siyang napaigtad ng may biglang umakbay sa kanya. It was Jared.

"Makeup and styling on Wyldon Rodriguez, please." Narinig niyang utos ni Velvet. Sumunod naman ang staff na tinukoy nito.

Naramdaman niya ang pagpisil ni Jared sa balikat niya. "Don't forget to breathe," bulong nito sa kanya.

"Don't worry, I won't." mahinang sabi niya. Muli niyang tinapunan ng tingin si Wyldon na mukhang ilang na ilang habang nilalagyan ng man makeup ni Annie, at iniabot naman ni BJ dito ang mga damit na isusuot nito.

Dahil kaya na niya mag-makeup at i-style ang sarili niya, pagkatapos ng make-up and styling kay Wyldon ay nagbigay na ng hudyat si Velvet ng pagsisimula ng taping nila.

She wore heels kaya hindi halos nagkakalayo ang height nila ni Wyldon. May dalawa o tatlong pulgada lamang siguro ang itinaas nito sa kanya.

"Guys, magkasama kayo sa iisang frame. Magko-composite pa ba ang editor para sa inyong dalawa? Magkaaway ba kayo?" sita sa kanila ni Velvet.

Sumunod naman sila ni Wyldon dito kaya't naglapit pa sila ng kaunti.

"A little more. "

Muli, sinunod nila ito.

"Good." Sinenyasan nito ang cameraman nila. "In three... Two... One... Roll it!"

Naging automatic naman sa kanya ang lahat. "Hello to all MusicFusion Viewers! This is VJ Aimee and you're watching Heartstrings—the official hodgepodge of a show on music, lifestyle and entertainment. I'm sure you guys are all at awe that I have this gorgeous guy beside me," aniya na itinuro pa gamit ang hinlalaki si Wyldon, "And yes, I'm as excited as you guys are into having in this show the demi-god slash chess Grandmaster, Wyldon Rodriguez!" Pumalakpak siya. Nagsipalakpakan din ang mga staff at crew na nasa likuran ng kamera.

Tumikhim muna si Wyldon bago nagsalita. "Thank you, VJ Aimee. 'Happy to be here."

Tumawa siya. "Why does it seem to me that you're not really happy being here?" she kidded him. Wala na iyon sa script nila na nasa teleprompter, ngunit hindi sumigaw ng "cut!" si Velvet, kaya okay lang marahil dito iyon.

"Ahm, must be a newbie's jitters," sagot naman ni Wyldon sa kanya.

"Aww... Don't worry, VJ Wyldon, kahit yata tumayo ka lang d'yan at huwag magsalita at all, matutuwa sa 'yo ang mga babaeng viewers natin. 'Ayt, ladies?" She stepped closer to the camera and winked. Narinig niya ang pagtawa ng staff. Muli siyang bumaling kay Wyldon. "So, how does it feel being called VJ Wyldon for today and not GM Wyldon as what you have always been known for?" GM stood for Grandmaster, ang titulong hawak ng lalaki sa mundo ng chess.

Nagkibit-balikat ito. "I'd like to have a welcoming attitude to such changes."

Tumango-tango siya. "That's nice. Okay, why don't you introduce our first video for today, VJ Wyldon?"

Tumutok naman ang tingin nito sa teleprompter at binasa ang naka-flash doon. "Our first video is from the grunge band Nirvana, their hit song Smells Like Teen Spirit. This one's requested by Jeboy dela Cruz. He said he'd like to dedicate this to his friends, ang Tropang PIJEACKS."

"Hi, Jeboy! Thanks for the request you sent through our Twitter account," Nilingon niya si Wyldon. "This Nirvana song was taken from the band's second album titled Nevermind."

Tumango naman ito. "It was the opening track and lead single from that album which was released in 1991. The song was a commercial and a critical success, it even ranked ninth place at The 500 Greatest Songs of All Time list by the Rolling Stone magazine."

Hindi naman niya napigilan ang pagtaas ng kilay niya. Wala na kasi sa telemprompter ang mga sinabing iyo ni Wyldon. "You're a rock fan? I though you're the type who'd just listen to Mozart and other classical stuff."

Wyldon gave out a chuckle. "No, I'm not into classical music. I'm more of a rock fan."

"Really? You don't strike to me as one."

"Because I don't have the pre-requiste kohl eyeliner, all-black outfits and spiky accessories?" sagot naman nito. "I may not look the part, but I listen to Led Zeppelin, The Beatles, AC/DC, Stone Temple Pilots, The Verve, Fountains of Wayne, The Eheads—"

Pabirong tinakpan niya ang bibig ni Wyldon. "Okay, okay. I believe you. So before VJ Wyldon here enumerates all the rock gods of the world, here again is Smells Like Teen Spirit by the iconic grunge band, Nirvana. Enjoy!"

"And... cut!" sigaw ni Velvet.

Inalis naman niya ang kamay mula sa pagkakatakip ng bibig ni Wyldon. Wala naman itong sinabi, basta tumingin lamang sa kanya ng mataman. Malakas ang pagtibok ng puso niya, at parang nararamdaman pa rin niya ang labi nito sa palad niya. She flashed him a peace sign.

"Hey, that was cool." Narinig niyang sabi ni Velvet. "Tama si Boss Kelvs, you guys oddly have good chemistry."

Nagkibit-balikat lamang si Wyldon. Siya naman, napakagat-labi na lamang. At nang magsabi si Velvet na mag-ready na sila para sa susunod na take, huminga muna siya ng malalim.

Para kasi siyang nauubusan ng hangin dahil sa kakaibang pakiramdam na dulot ng pagiging abot-kamay na lamang ni Wyldon ng mga oras na iyon. 

The Beauty Queen And The Geek (COMPLETED)Where stories live. Discover now