Part Three: How Aimee Met Wyldon

2.2K 67 4
                                    

"EMPRESS, pakipaalala nga sa 'kin kung bakit natin hinahayaang i-torture tayo niyang si Danny?" They were told by their personal trainer to complete fifty perfect abdominal crunches after twenty grueling minutes at the treadmill. Nasa Platinum's Gym sila noon para sa fitness training nila para sa nalalapit na La Belleza Filipina beauty pageant.

"No pain, no gain." Ang humahabol sa hiningang sagot sa kanya ni Empress.

Monday, Wednesday at Friday ay nasa gym silang dalawa para raw mai-tone ang mga legs, abs at braso nila. Thursday at Friday ay beauty pageant techniques naman ang inaaral nila with their beauty pageant coach na si Madam BM.

"But it's only pain that I gain—" napahinto siya sa ika-43rd crunch niya nang pumasok sa loob ng gym ang chess Grandmaster na si Wyldon Rodriguez. Lahat halos ng babae sa loob ng gym ay napatingin dito. "Omigosh! He's so guwapo, I think I'm losing oxygen in my lungs na! Owver!"

Tumawa lamang si Empress sa sinabi niya.

"And he keeps looking our way!" bulalas niya.

"Baka kasi nararamdaman niya na isa sa 'tin eh bumubula ang bibig sa paglalaway sa kanya. C'mon Aimee, para namang ngayon ka lang nakakita ng mga guwapong katulad nyan ni Wyldon Rodriguez," ani Empress habang pawisang nakahiga sa  ab crunch board. Mukhang nagawa na nitong tapusin ang fifty crunches na pinapagawa sa kanila ni Danny.

Sumimangot siya. "Empress, tell me, ilang lalaki sa Earth na may kasing taas ng IQ ni Wyldon Rodriguez ang may ganyang kaguwapong mukha at ganyang kasarap na katawan? Tell me!"

"Sabagay. Hindi naman magkakagusto d'yan kay Wyldon for ten long years 'yung high school friend ko kung hindi 'yan lovable at delectable."

"Amen to that," sagot niya.

"Aimee, kulang ka pa ng seven reps," anang trainer nila sa naninitang tinig.

"Sir, yes, sir! Nag-sight seeing lang for inspiration, sir!" She said cheerily.

That was the most enjoyable physical training she had. Ayaw pa nga niyang mag-shower at magpalit ng damit kahit tapos na training hours nila ni Empress. May date nga lang kasi si Empress at ang boyfriend nitong si Grey kaya hindi siya makapag-request ng extension ng traning.

Halos mabali ang leeg niya sa paghagilap kay Wyldon sa loob ng gym, ngunit wala na ito ng magpalit sila ng damit. Sayang, gusto pa naman sana niyang mag-"hi!" dito.

Nagulat pa sila ni Empress ng madatnan nila sa labas ng gym si Wyldon. Nakapagpalit na rin ito ng damit, bahagya pang basa ang buhok, at amoy bagong ligo. Hmmmn, delicioso!

Palihim niyang kinurot si Empress sa likod ng lumapit si Wyldon sa kanilang dalawa.

"Uhm—hi. I'm—uhm—Wyldon. Wyldon Rodriguez." inilahad nito ang kamay kay Empress.

Tinanggap naman nito iyon. "Empress Trinidad. Siya naman si Aimee Domingo," itinuro siya ni Empress dito.

She knew she looked like a blushing fangirl when they shook hands. Wyldon had a very strong presence that she really found it harder to breathe.

"Uhm—" ani Wyldon habang nakahawak ito sa batok nito. "Would you, guys, want to have coffee or something?"

"Yes, of course," Aimee  said in a split-second.

"Sorry, I can't," sagot naman ni Empress.

"Ah, okay." Maikling sabi naman ni Wyldon habang nakatingin kay Empress.

"May pupuntahan kasi ako," paliwanag ni Empress dito.

May date sila ng boyfriend niya, gusto sana niyang idugtong, but that would be too obnoxious of her if she'd say that. "Does the invitation still stand?" sa halip ay tanong niya kay Wyldon. Mukha kasing napipi na ito.

Mukha naman itong natauhan sa tanong niya. "Of course, yes," anito ng salubungin nito ang tingin niya. Maya-maya ay mulit itong bumaling kay Empress. "You—really have to go?" Tumango naman si Empress at ngumiti rito. "Enjoy yourselves."

After that, they went on their separate dates. Sila ni Wyldon sa Starbucks malapit sa may ibaba ng gym, habang si Empress naman ay dumalo sa victory party ng isang pelikula kasama  si Grey.

Actually, Aimee ended up not enjoying her first date with Wyldon. Paano kasi, puro si Empress ang pinag-usapan nila noon, something that she ranted to her thru text. Natigil lamang ang pagtatanong nito tungkol kay Empress ng sabihin niyang may boyfriend na si Empress, ang shipping line magnate na si Grey Velhagen.

Kaso, nang sabihin niya iyon, mas lalo pang naging matipid sa pagsasalita si Wyldon. Although, if there was one thing good that happened that day, iyon ay ang pinayagan ng universe na malaman ni Wyldon na nag-eexist pala ang isang Aimee Domingo sa mundong ito.

Isang malakas na busina mula sa likuran ng kotse niya ang nagpabalik sa kamalayan niya sa kasalukuyan. Naka-green na pala ang ilaw ng stoplight, hindi pa niya napansin.

"Haay, Wyldon, you never fail to rattle my senses!" bulalas na lamang niya.

The Beauty Queen And The Geek (COMPLETED)Where stories live. Discover now