Part Eleven: Ramp Modelling Challenge

1.5K 65 5
                                    

NASA LOOB sila ng isang van sina Wyldon at Aimee kasama ang dalawang cameraman, si Velvet, ang writer na si Belinda at dalawang production assistants nila na sina Quentin at Eloisa. Papunta daw sila somewhere in Makati. Ayaw namang sabihin ng mga ito kung saan.

Wala sa loob na napatingin siya kay Aimee, na panay pa rin ang tanong kina Velvet kung ano ang susunod na magiging challenge sa kanilang dalawa. Masama kasi ang loob nito sa kinalabasan ng Computer Geek episode nila dahil hindi nito magawang ibalik sa dati ang hardware parts na nasa tower ng CPU. Halatang tulirong-tuliro ito sa mga technical terms, kahit iyong simpleng parts lang kagaya ng processor, soundcard at motherboard ay hindi ito pamilyar. Nung binili naman daw kasi nito ang laptop nito, mas concern nito ang itsura noon kaysa sa specs.

"Excited na 'ko sa challenge!" bulalas ni Aimee na ikinatingin niya rito. "I've a feeling may kinalaman na 'to siyempre sa beauty pageant. Para fair naman. Na-lurkey ang beauty ko sa computer assembly at networking!"

Napailing na lamang siya. Naramdaman niya ang paghataw sa bisig niya ni Aimee na ikinalingon niya rito.

"Prepare to eat my dust this time around!" Bahagya pang nakataas ang noong sabi nito sa kanya.

He shrugged. "Okay."

"Okay lang? That's all that you can say?"

"Masyado kang competitive."

Tiningnan siya nito ng masama. "Sa tingin mo ba hindi ko alam kung ano ang underlying concept ng show natin? It highlights our differences! Na kaming mga beauty pageant winners, madalas puro pagpapaganda, pakikipagsosyalan at party-party lang ang alam. That we could never be as smart as geeks or nerds are perceived to be."

"Aimee, wala ka namang dapat patunayan na kahit na ano kahit na kanino. You are you." Pagkasabi niya noon ay nakita niya sa right periphery niya na nakaumang sa kanila ang camera ni Ferdz. May kulay pulang ilaw iyon,tanda na inire-record nito ang usapan nila ni Aimee. "Ferdz, pati ba simpleng usapan, kailangang kuhanan?" sabi niya rito.

Si Velvet na nasa likuran nila ang sumagot. "Kasama 'yan sa pinirmahan n'yong kontrata, Wyldon. Don't worry, wala naman akong isasama na raw vid na ikakasira ng career n'yo ni Aimee."

Tumahimik na lamang siya. Ganoon din si Aimee.

Maya-maya ay huminto ang sinasakyan nila sa harap ng Dominique Ayesa Modelling Agency. Kumunot ang noo niya. Childhood friend ni Grey ang may-ari ng agency na si Dominique. Ano naman kayang gagawin nila rito?

"Ferdz, mauna kang bumaba. Kuhanan mo sila as they alight," utos ni Velvet dito. Sumunod naman ang cameraman.

Binuksan niya ang pintuan ng van, at hinawakan iyon para manatiling nakabukas para makababa naman si Aimee.

"Sabi ko na nga ba, kaya pala familiar 'yung way natin eh. Sa DAMA pala tayo pupunta. Nice!" Tumingin ito sa kanya. "Huhulaan ko kung ano'ng challenge natin... magra-ramp modelling tayo."

He almost frowned at the thought. Pumasok na sila ng agency kung saan sinalubong nga sila ni Dominique. Nagkamustahan sila saglit, and with the cameras recording everything, ay dinala sila ni Dominique sa opisina nito. Binigyan sila nito ng briefing tungkol sa fashion industry, sa kung paano nagsimula ang modeling agency nito, mga bigating kliyente nito at kung sinu-sino ang mga top models ng agency nito. Mainly, sa kanya iyon naka-direkta dahil dating model ng agency na iyon si Aimee.

Pagkatapos noon ay ipinakilala sila isang African-American na lalaki ngunit nakadamit na pambabae. Naka-kulay ginto itong jumpsuit at may cape pa ito na kulay itim. Madam Cleo raw ang pangalan nito. Humalik si Aimee sa pisngi nito. Inilahad naman niya ang kamay para makipag-shake hands dito, ngunit hindi nito tinaggap iyon. Sa halip ay ito na ang nagdikit ng pisngi nito sa pisngi niya. Muntik na siyang mapaurong, kung hindi lang niya naramdaman ang paghawak ni Aimee sa bisig niya, na parang alam nito na gusto niyang humakbang papalayo kay Cleo.

Dinala sila sa isang silid. The room reminded him of a gym because of its wall-to-wall mirrors. Iyon nga lang, imbes na mga gym equipments ang naroroon, puro mga clothing rack, iba't ibang sapatos, at kung anu-ano pang abubot ang naroroon.

Pinaalis ni Cleo ang mga models na nasa loob. Pinagtinginan naman sila ng mga ito, ang ilan sa mga iyon ay binati pa si Aimee.

Tinuruan siya ni Cleo kung paano maglakad sa catwalk. As expected, iniwan nga siya ng milya-milya ni Aimee. Sinasabihan kasi siya ni Cleo na para daw siyang nagma-martsa. Pinapakita naman nito sa kanya kung paano ang dapat na paglakad na gawin niya. It took him almost half an hour before he got it right. Well, almost. May pupuntahan pa raw kasi silang iba, sabi nina Velvet.

Sa Megamall naman sila sunod na pumunta. As usual, nakasunod pa rin sa kanila ang mga camera. Dinala sila nina Belinda sa gitna ng Building A ng mall kung saan magkakaroon ng fashion show para sa Savvy Chic. Iyon daw ang RTW clothing line ni Jenny Nicholas, isa sa mga kilalang fashion designer sa Pilipinas.

At parang gusto niyang magback-out ng sabihin sa kanila ni Belinda na magmo-model daw silang dalawa ni Aimee sa fashion show na iyon.

"Are you serious?" tanong niya rito.

Tumango ito. "You learned from one of the best catwalk director in the land, Wyldon. Actually, madali pa nga ito dahil bukod sa everyday wear lang yung damit, hindi talaga high fashion runway show 'tong event. Puwede kang maglakad na parang namamasyal lang sa mall." Kinindatan pa siya nito.

Napahawak siya sa noo. "The things that you make me do."

Siniko naman siya ni Aimee. "C'mon, no sweat 'yan for you. Ang dali mo kayang natutunan yung proper way to catwalk kanina kay Madam Cleo. You made her smile pa nga kanina, eh super hard to please 'yon."

Napabuga siya ng hangin. "Fine."

Narinig niya ang pagtawa ni Velvet habang nagbibigay kay Ferdz ng instruction. "Well, you have to do it, Wyldon. And you don't have any choice anyway."

"I know." bahagyang nakangiting sagot niya rito.

Naramdaman niya ang paghawak ni Aimee sa braso niya at hinila siya papunta ng backstage. "Hey, let's see what we would be wearing,"

Nagpatianod naman siya rito.

Isa sa mga taga-backstage ang nag-abot sa kanya ng cargo short at dilaw na poloshirt. Kagaya sa modeling agency, pinagtitinginan din sila ng mga models at iba pang mga tao sa backstage. Nang makapagbihis siya, may ilan pa na nagpa-picture kasama siya.

"Wyldon!" he heard Aimee say his name.

The Beauty Queen And The Geek (COMPLETED)Where stories live. Discover now