Part Five: The 'Date'

1.9K 69 4
                                    

EXCITED si Aimee para sa date nila ni Wyldon. Nagpaganda siya to the highest level. She was happy with the way she looked with her emerald green bubble dress, black stilettos and smokey-eyes eye makeup.

"Ate Aimee, mukha pong masayang-masaya kayo para sa lakad n'yo ngayong gabi, ah," pansin ni Lita, isa sa dalawang kasambahay niya.

She grinned. "Obvious ba masyado?"

Tumango ito, nakangiti rin.

"Super crush ko kasi yung makakasama ko ngayong gabi."

"Kasing guwapo ho ba ni Sir Jared?"

"Way better," she said as she held tight to her purse and her car keys. "Oh, gosh. I feel like I'm about to have a heart attack."

Nataranta naman si Lita sa narinig. "Ate, aatekihin ho kayo sa puso?! Teka lang ho, tatawag lang ho ako ng ambulansya! Anong ospital ho namin kayo dadalhin?!"

Natawa siya reaksyon nito. "Lita, relax! I was just joking!" Mukha naman itong nakahinga ng maluwag sa narinig. "Ikaw pa yata ang isusugod ko sa ospital, you drink too much of that Barako coffee kasi. Okay, I really got to go. I don't want to be late, baka biglang mag-back out 'yung ka-date ko."

Nakahawak pa rin sa tapat ng dibdib nito si Lita ng sumagot. "Yes, Ate. Good luck ho sa date ninyo."

"Thanks!" she said as she walked out the front door to go to her car. As she started the car's engine, Lina had the gate opened. Kumaway pa siya rito bago tuluyang makalabas ng garahe ang kotse niya.

Nasa may EDSA-Crossing na siya ng mag-ring ang cellphone niya. With her left hand on the steering wheel, her right hand had put her phone on speaker mode.

"Yes, Jared?" aniya ng makita ang pangalan ng kaibigan sa display screen ng telepono niya.

"Just wanted to check if you're still okay."

"'Okay' is an understatement. I'm actually ecstatic!" aniya rito. "And yes, I am still sane enough to drive myself to Eastwood. So don't worry about me, all right?"

"Sure."

"C'mon, where's the love and support?"

"Just remember not to drool too much. It's a major turn-off for us."

"Ha-ha-ha," she laughed sarcastically. "I appreciate the reminder, Jared."

"You're welcome," sagot naman nito bago nito tinapos ang tawag.

Ilang minuto pa at nakarating na siya sa Eastwood. Her heart was still thumping erratically as she made her way to Miranda's Garden.

"My heart, 'wag ka naman ganyan. Nakaka-bother naman ang lakas at bilis ng tibok mo—"

"Ma'am?" tanong sa kanya ng head waiter, nakakunot ang noo.

Bigla siyang naalimpungatan. "Uhm, yes, what was that again?"

"Do you have a reservation, Ma'am?"

Tumango siya. "With Wyldon Rodriguez, yes. Is he already here?"

"Yes, Ma'am. This way please," sagot naman nito sa kanya.

Sumunod naman siya rito. Pasimple naman niyang kinakagat-kagat ang pang-ibabang labi niya. Buti na lang at smudge-proof ang lipstick na gamit niya. Ewan ba naman kasi niya rito sa puso niya, lagi na lang nagwawala sa anumang may kinalaman kay Wyldon. Hindi kaya kailangan na niyang magpa-reseta sa doktor niya ng gamot na pampakalma? Para naman meron siyang puwedeng inumin sa tuwing magkikita sila nitong si Wyldon.

The Beauty Queen And The Geek (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon