Epilogue

2.5K 119 17
                                    

AIMEE clapped non-stop when Wyldon was called to the stage to get his trophy. Ito ang nag-champion sa 25th Scotland International Chess Tournament na ginanap sa Edinburgh, Scotland. Nasa hotel sila kung saan ginaganap ang tournament at awarding ceremony.

Proud na proud siya sa kasintahan nang itaas nito ang trophy at ibaling iyon sa direksyon kun gnasaan siya kasama ang mga kapwa nila Pilipinong naroroon. Kabilang sa mga kasama niyang nagwawagayway ng maliliit na bandila ng Pilipinas ay ang mga kasama ni Wyldon sa PCF, mga Pilipinong naka-base sa Scotland, at mga taga-media na nagku-cover ng event.

Nang bumaba ng stage si Wyldon ay sinalubong nila ito. Nagkatinginan sila. Ngumiti siya rito ng buong giliw ngunit hindi ito ngumiti. Oddly, Wyldon even looked nervous. Nakita niya ng iabot nito sa kasamahan nito sa PCF ang hawak nitong trophy. Napakunot-noo siya ng balewalain nito ang foreign media na gusto sanang interview-hin ito. Basta tuloy-tuloy lamang itong naglakad papunta sa direksyon niya.

Nang halos isang dipa na lang ang pagitan nila, nanlaki ang mga mata niya ng lumuhod ito sa harap niya at mula sa kung saan ay naglabas ito ng maliit na kahon. Her heart went crazy. When Wyldon got a diamond ring from the box and was offering it to her, she almost stopped breathing.

"Aira Marie Domingo, will you marry me?" Wyldon said quiety.

She bit her lip. Baka kasi mauna pa ang pagtulo ng luha niya kesa sa pagsagot niya sa tanong nito. Huminga muna siya ng malalim bago siya sumagot ng, "Yes, I will marry you, Grandmaster Wyldon Rodriguez," madamdaming sabi niya.

Nagsigawan at nagpalakpakan ang mga tao sa paligid nila. Isinuot naman ni Wyldon sa kanya ang singsing. Nang tumayo ito mula sa pagkakaluhod ay agad siya nitong yinakap at hinalikan. She hugged and kissed her now fiancé back.

Nang maghiwalay ang mga labi nila, she said to him, "You do realize na you did your proposal in front of foreign media?" Pilit niyang binalewala ang flash ng mga camera, ilaw ng mga video camera at ang mga cellphone with built-in cameras na nakatutok sa kanila.

Tumawa ito. "Well, yeah. I think you deserve nothing less. Tutal naman, madalas sabihin sa 'tin ng mga tao na yung show natin sa MusicFusion ang nagsilbing ligawan stage natin, so might as well share to the public my marriage proposal too."

Nakalabing tinampal niya ito sa dibdib. "Kuu. Ikaw talaga. Sa lahat ng geek, ikaw ang pinaka-walang kahihiyan na gumawa ng kung anu-ano sa harap ng mga kamera."

Ngumiti ito. "Syempre, I learned from the best." Pinisil nito ang tungki ng ilong niya. "I love you, my Beauty Queen,"

She smiled back. "And I love you too, my Geek."

The End

The Beauty Queen And The Geek (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon