Part Twelve: To the Rescue

1.4K 63 3
                                    


ITO TALAGANG si Wyldon, pasimpleng chickboy! ani Aimee sa sarili nang pagkapalit niya ng damit ay nakita niya na may mga nakadikit nang mga babaeng model dito.

Lumingon naman ito sa kanya. Kaya lang, parang biglang gusto niyang magsisi na tinawag niya ito, dahil nakatanggap na naman siya ng tingin mula rito na animo sinusuri siya, kagaya ng tinging ibinigay nito sa kanya noong nag-Wonder Woman costume siya.

Alam niyang medyo mas revealing itong suot niya ngayon na yellow spaghetti strapped blouse at ultra-short shorts. Mas kita kasi ang cleavage niya ngayon dahil halos umabot sa kalahati ng dibdib niya ang lalim ng neckline ng suot niyang blouse.

Tinawag naman silang pareho ni Wyldon ng isa sa mga staff ng event at binigyan sila ng instructions. Pangatlo raw sila sa parehang lalabas at magmomodel sa stage. Pasulyap-sulyap lamang siya kay Wyldon, na mukhang chill lang sa mga nangyayari sa paligid. She sighed inwardly. Buti pa ito, mabilis mag-adapt sa mga kakaibang sitwasyon na pinaglalagyan dito.

Narinig na nila ang pagsisimula ng event mula sa mga emcees. Pinapila na sila. And with the loud music that was playing, they were given their cue. Nagtinginan sila ni Wyldon. Tumango siya dito at naglakad sila papalabas sa stage. Nagsigawan ang mga taong nanonood ng makilala sila. Nakangiti siya habang naglalakad at nagpo-pose sa tapat ng mga marker. Habang sa gilid ng mga mata niya, nakikita niyang seryoso ang mukha ni Wyldon. Nakikita rin niya kung paano ito maglakad. He seemed confident, and looked like he had been modeling for years. Ilan sa mga babae sa audience ang isinisigaw ang pangalan nito.

Nang sa wakas ay matapos ang turn nila ay bumalik na sila sa likod ng stage. May ilang mga fans ang sumugod doon, isinisigaw ang pangalan niya at ni Wyldon.

Kumaway siya sa mga ito. SI Wyldon naman hinawakan siya sa braso at iginiya papasok muli ng backstage.

"Aimee, ang ganda mo, Aimeeee!"

"I loooove you GM Wyldon!"

"Wyldon, marry me!"

"Patikim naman ako n'yan, Aimee!"

"Aimee! Pa-kant*t naman kahit isang gabi lang!"

Napahinto siya ng paglalakad sa narinig. In a split-second, nawala si Wyldon sa tabi niya at narinig na lamang niya ang galit na galit na boses nito na nagtatanong kung sino sa mga nasa labas ng bakal na barandilya ang mga lalaking nambastos sa kanya.

Nagturuan ang ilan sa mga teenagers at kalalakihang naroroon. Lumapit na ang event marshall at security ng mall ng mapansin nito ang komosyon.

"Kaya niyong mambastos ng babae pero hindi n'yo kayang humarap sa kapwa n'yo lalaki? Mga gago pala kayo—"

"Wyldon, tama na. Hayaan mo na sila," sabi niya rito habang nakakapit ng mahigpit sa braso nito.

Nilingon siya nito. Kitang-kita niya ang galit sa mga mata nito. "Hindi sila magtatanda kung hindi sila tuturuan ng leksyon."

"Sir Wyldon, pumasok na lang ho kayo sa backstage. Sige na ho," pakiusap dito ng isang event marshall.

Pinaalis naman ng guard ng mall ang mga manonood na nasa gilid ng backstage.

"Guys, c'mon, get inside the backstage." Narinig niyang sabi ni Velvet.

Bumuntunghininga siya. "Salamat sa pagtatanggol sa 'kin. I'm sure magtatanda na sila. Just merely seeing your wrath surely had them thinking twice before saying nasty words to any woman." 

Nakita niya na nabawasan naman ng kaunti ang galit na nasa mga mata nito sa sinabi niya. Muli niya itong hinila papasok ng backstage. At sa pagkakataong iyon, sumama na ito sa kanya.

---

"NABALITAAN ko 'yung nangyari sa Megamall, ah."

Nag-angat si Aimee ng tingin at nakita ang kaibigang si Jared pala ang pumasok ng dressing room nila. Araw iyon ng taping ng Hearstrings at ng show nito sa MusicFusion. Hindi naman siya nasorpresang nakarating iyon dito.

"Malamang. Tsismoso ka, eh." Pabirong sabi niya rito.

Naupo naman ito sa tabi niya. "Hindi rin." Anito habang kinakalikot ang mga accessories na dala-dala niya at nakalagay sa isang kahong binili niya sa Papemelroti.

Hinarap niya ito. "Hoy, Jared. Kilala kita, spill it out."

Bumaling ito sa kanya. "I knew through a friend of a friend na kaya pala pumayag 'yang si Wyldon sa offer ni Boss Kelvs eh dahil gusto lang niya ng change of scenery dahil nga sa hindi masyadong naging maganda yung performances niya nitong mga huling laban niya."

Kumunot ang noo niya. "And so?"

Jared shrugged. "Just want to remind you na hindi siya permanenteng magiging parte ng mundo mo. Babalik at babalik din siya sa mundo ng chess. A world too different and too far from yours."

Natawa siya, sabay hilig sa balikat ng kaibigan. "Jared, don't worry about me, alright?" aniya rito habang kinakausap ito sa salamin na nasa harap nila. "I'll enjoy the experiences while they last."

Bumuntunghininga naman ito. "If you say so." Inakbayan siya nito. "Ano nga palang sunod na kalokohang gagawin n'yo sa show n'yo ni Wyldon?"

"Honestly, I've no idea."

The Beauty Queen And The Geek (COMPLETED)Where stories live. Discover now