Part Six: Bros and BFFs

1.6K 62 0
                                    

DAHIL sa pareho sila Aimee at Empress na pinakabagong endorser ng Iceberg Vodka ay imbitado sila sa anniversary party ng kumpanya na nagma-manufacture noon.

The company was celebrating 25 years in the industry, at isang bagong version ng popular na TVC nila ni Empress ang isa sa mga in-launch ng araw na iyon sa social media ng mga ito, kasama na ang interactive games doon at free wallpapers nilang dalawa ni Empres at iba pang mga endorser ng Iceberg Vodka.

Matapos ang program ay nagkaroon na sila ng pagkakataon ni Empress na makapagkuwentuhan. Lumayo sila sa karamihan ng mga tao roon at dumako sa isang sulok ng pavilion ng hotel kung saan ginanap ang event.

"I've heard from someone that you and Wyldon were seen dating a few days back." Nakangiting sabi sa kanya ni Empress.

"Yup. But it was just because he was making up to me for not being able to attend to my birthday party."

Tumango-tango naman si Empress. "I see."

"I know that things didn't go out well with Wyldon and your friend, Rowena."

Bumuntunghininga ito. "Oo nga eh. Actually, hanggang ngayon, I still feel torned dahil sa inyong dalawa. Ano ba naman kasing nakita n'yo dun kay Wyldon at kulang na lang sabitan nyo ng sampaguita sa tuwing makikita n'yo?"

"Well, I can only answer for myself. At dati ko pa 'yan nasabi sa 'yo—Wyldon's different from all my past boyfriends. And because of that, he stands out. How about Rowena?"

"Ahm, si Rowie? High school pa lang kami, Wyldon fanatic na 'yon. In fact, nagko-collect pa siya ng pictures at newspaper clippings ni Wyldon at inilalagay sa scrapbook." Nakangiwing sabi nito.

Napahawak siya sa tapat ng dibdib. "Oh, wow. And with that love of hers for Wyldon, nag-break pa rin silang dalawa?"

Nagkibit-balikat ito. "It was Wyldon who decided to end the relationship, because, as he claimed it, they were incompatible. Needless to say, Rowie was devastated because of it." Pagkasabi niyon ay sumimsim ito ng apple-flavored vodka na nasa cocktail glass nito. "But Rowie's a strong and intelligent woman. I know she'll get over Wyldon soon."

"Hmm. Nasabi mo na sa 'kin dati na si Rowie ang smartest girl in school sa inyo nung high school. Pero hindi pa rin naging sapat 'yon, pati na rin yung lagpas isang dekada niyang pagkagusto kay Wyldon para magtagal yung relasyon nila." She sighed. "Ang hirap i-figure out ni Wyldon, 'no? Parang, bago mo pa malaman kung ano yung iniisip niya, isang madilim na maze ang dadaanan mo. Sabagay, he won't be a chess Grandmaster for nothing." Tiningnan niya ng mataman si Empress. "Inamin dati sa 'yo ni Wyldon na gusto ka niya, 'di ba? I want to hate you forever because of that."

Natawa naman si Empress. "Ano ka ba, lumang issue na 'yon. Happy na 'ko with Grey."

Ngumiti siya. "Let's toast to that then," sabi na lamang niya. "For you and Grey's happiness, may we hear the wedding bells real soon."

Nakipagpingkian naman ng baso sa kanya si Empress. "Thanks. Would you want us to toast for you and Wyldon as well?"

Ngumiti siya. "Sure. Baka marinig ng tadhana, pagbigyan ako."

---

"WHY DON'T you take painting lessons?"

Nasa may Azalea bar si Wyldon kasama ang kaibigang sina Cedric at Grey. Hindi nakapunta ang workaholic na si Trent dahil may tinatapos pa raw itong trabaho.

Napailing siya sa suhestiyon ni Grey. "Wala ako ng talent mo, pare," aniya rito. Painting was Grey's hobby, at maaaring i-exhibit ang mga gawa nito kung hindi lang ito abala sa pamahahala ng Velhagen Shipping Lines kesa sa paggawa ng mga painting na ie-exhibit.

"Kung gusto mo, para maiba naman, magtrabaho kang waiter sa Miranda's Garden," sabi naman ni Cedric.

Kumunot ang noo niya. "Gagawin mo 'kong waiter?"

"Para malayo talaga sa chess, pare. Wala kang gagawin d'on kundi mag-serve ng pagkain sa mga customer, at magpa-cute sa mga girls, if you want."

"Just tell it to me straight, Cedric, kung gusto mo lang akong alilain."

Tumawa lamang ito. "We're actually trying to help you, man. Ano ba kasing sabi ng mga taga-PCF?"

Bumuntunghininga siya. "That I should do domething different."

Tumikhim muna si Grey bago nagsalita. "Nabanggit sa 'kin ni Empress na nagkasama sila sa isang event ni Aimee. And Aimee mentioned that there's an offer for you to be a guest VJ sa MusicFusion. Have you decided on that one?"

Napa-whoa si Cedric. "Hey, VJ Wyldon! You're the man!"

Tiningnan niya ito ng masama bago siya bumaling muli kay Grey. "I'm still thinking about that. Wala naman kasi sa personalidad ko ang mga ganooong bagay. The last thing I'd want to do now is to make myself look even more stupid. Mukha na nga akong tanga dahil ilang buwan lang mula ng makatanggap ako ng award sa Malacañang, tapos sa last three chess tournaments ko, napakababa ng mga ranking ko, thanks to my miserable performances."

Tinapik-tapik naman ni Grey ang balikat niya. "Don't be too hard on yourself, dude. Even the best athletes have had their own dry spells."

"Pero ba't ngayon pa? It's the last thing I need now," sagot naman niya.

Uminom naman muna si Cedric ng beer nito bago muling nagsalita. "Then decide on how you would like to get yourself out of that."

He kept silent for almost a minute. Maya-maya ay muli siyang napabuntunghininga. He had made his decision. "I'll start with being VJ Wyldon for a day then." aniya sa mga kaibigan.

"Good luck, man." Halos magkasabay na sagot sa kanya ng dalawa.

The Beauty Queen And The Geek (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora