Chapter 2: Jema Galanza

11.3K 177 1
                                    

Jema's POV

Hello I'm Jema Galanza actually jema is short for Jessica Margarett ang haba kasi ng name ko ewan ko ba sa parents ko hahaha. Naglalaro ako ngayon sa Adamson Lady Falcons and I'm also the team captain, I'm using my last playing year na kasi gusto ko lang ng isa pang chance na marepresent yung school ko and hopefully madala ko yung Adamson sa final four kasi gusto kong tapusin yung career ko sa UAAP ng maganda. Pero syempre I'm always giving my best and enjoying our games nalang kasi konti nalang din yung remaining games namin and dikit pa yung standing namin this season. I'm also looking forward sa pagiging professional athlete ko kasi last month pumirma na ko ng contract ko sa Creamline Cool Smashers hinihintay nalang nila matapos yung UAAP para makapaglaro na din ako. Speaking of Creamline sobrang excited ako to be part of this team syempre makakasama mo ba naman ang isang Alyssa Valdez, Jia Morado, at Michele Gumabao eh sinong hindi matutuwa tsaka alam kong madami pa kong matututunan sa kanila. Nandito nga pala ako sa gym ngayon nagpapalakas lang ng konti kasi wala naman akong ginagawa kasi naka graduate na ko tsaka mahirap yung makakalaban namin bukas. Gusto ko lang talagang maka pasok kami sa final four kaya talagang nagpapalakas pa ko.

"Jema kanina ka pa dito?" narinig kong tanong sakin.

"Ai ate mylene ikaw pala haha, oo ate nagpapahinga lang ng konti then maliligo na rin ako" sagot ko kay ate mylene.

"Ahhh okay akala ko pa naman may kasabay akong mag gym sayang" sabi ni ate my.

"Haha next time ate inagahan ko talaga ngayon kasi aalis pa ko eh" sabi ko.

"Hmmm kaya pala, sige je start na ko ha" sabi ni ate my tapos nagbuhat na siya ng weights sa gilid.

"Sige ate maliligo na rin ako eh byeeeee" sabi ko sabay tayo para lumabas ng gym.

Pabalik na ko sa apartment ko para maligo kasi imemeet ko na yung mga teammates and coaches ko sa creamline ngayon. After kong maligo at magbihis umalis na ko sa apartment ko para magkape sa labas before dumiretso sa meeting place namin. I decided to go to the starbucks kasi gusto ko ng mocha frappe ngayon. Papasok na sana ako ng may makasalubong ako sa entrance.

"Ate jia?" tawag ko dito.

"Oh jema magkakape ka ba?" tanong nito sakin.

"Opo magkakape po sana ako before dumiretso sa taas" sagot ko sa kanya.

"Hala no need na meron namang coffee sa taas" sabi niya sakin.

"Ai ganun po ba? Sige po" sabi ko kay ate jia ng mahinhin hindi pa kasi ako sanay na makausap siya, kasi sa court ko lang naman siya madalas nakikita dati.

"Tara akyat na tayo para makilala mo na din yung iba pa nating teammates" yaya niya sakin.

"Sige po ate" sagot ko dito tapos naglakad na kami papasok sa upper deck.

"Wag ka ng mag po sakin masyado ka namang magalang" sabi ni ate jia habang hinihintay namin yung elevator.

"Okay ate" reply ko then pumasok na kami sa elevator parehas.

"Wag kang mahiya sa team ha mababait naman kami lalo na si ate ly" sabi ni ate jia tapos tumango lang ako.

"Masasanay ka rin jema haha masaya sa team namin" dagdag ni ate jia tapos lumabas na siya sa elevator then sumunod ako.

Nakarating kami sa diner then pinakilala agad ako ni ate jia sa mga coaches and sa iba pa naming teammates. Sobrang babait nila tapos very welcoming sila saming mga bagong players. After kong makilala yung mga nandito na, niyaya na ko ni Ate jia magkape kasi gusto niya din daw. Sumali na din samin yung iba kasi hinihintay pa namin sila ate ly. Nung kumpleto na kami we started eating na tsaka nagkwentuhan para mas makilala pa namin yung isa't isa. Masaya naman ako kasi nakikilala ko na rin sila.

"Oh ikaw jema kamusta ka naman?" tanong ni coach/ate mich sakin.

"Okay lang po coach ganun pa rin" nahihiya kong sagot dito kasi hindi ko alam kung ano ba dapat kong itawag sa kanya.

"Wag mo na akong tawaging coach, ate nalang since I'm not your coach na din naman and wala tayo sa Adamson" reply niya sakin na parang natatawa.

"Sige po ate" sabi ko sa kanya.

"Eh kamusta naman yung puso mo? Okay na ba?" tanong sakin ni Kyla Atienza close kasi kami nito kasi naging teammate ko na siya sa CALABARZON nung high school pa lang kami, tapos madalas pa nga sa kanya ako nagsasabi ng mga hinanakit at problema ko kaya madami tong alam sakin.

"Ano ba yan kyla ang daldal mo talaga" sabi ko dito sabay sipa ng patago sa ilalim ng lamesa.

"Oh hindi mo pa sinasagot yung tanong niya jema" bigla namang sabi ni ate ly sakin.

"Hala ate okay naman eh" sagot ko kay ate ly.

"Hmmmm malalaman din namin kung ano bang nangyari dyan jema" dagdag pa ni ate jia.

"Ito kasi ang daldal eh" sabi ko ulit kay kyla.

Natuloy naman yung paguusap namin kasi tinanong din nila yung iba pa naming teammates. Mabilis naman kaming naging komportable agad sa isa't isa kasi parang ang tagal na naming magkakaibigan kung makipagkwentuhan.

"Ate ly uuwi na po kami ni kyla may laban pa po kasi kami bukas" sabi ko kasi 6 PM na din.

"Ai magkalaban kayo bukas?" Tanong ni ate jia.

"Hindi ate kalaban namin UP bukas tapos sila jema kalaban nila Ateneo" paliwanag ni kyla.

"Ganun ba? Ai sige uwi na kayo para makapag pahinga na kayo" sabi ni ate ly samin.

"Galingan niyo bukas ha ttry naming manood" dagdag pa ni ate jia.

"Yesssss goodluck girls" sabi naman ni ate mich.

"Thank you ates una na po kami" sabi ko.

"Good night ates" narinig kong sabi ni kyla then naglakad na kami paalis.

"Good night and goodluck" sagot ni ate ly.

Nakauwi naman ako agad sa apartment ko. Nagbihis agad ako tsaka nanood muna ng tv saglit then maya maya natulog na din ako. Kailangan ko ng madaming energy para sa game bukas, nung naglaban kasi kami sa 1st round against Ateneo umabot din ng 5th set kaya lang natalo kami kaya ineexpect kong mabigat ulit na laban ang mangyayari bukas. Basta ako ibibigay ko lang yung best ko para sa team ko bahala na bukas.









*****
A/N
Hi guys! Please give feedbacks and spread my book. Be patient cause I'll try to update as much as I can. Sorry for the errors nga pala. Thank y'all my beloved readers.

Thick and Thin (GaWong) Where stories live. Discover now