Chapter 44: Photogenic

7K 130 3
                                    

Jema's POV

"Girls we're done for today, pero wait lang Coach Ed has an announcement" sabi ni coach karlo.

"Okay my announcement is about the decision of Coach Tai, naka alis na kasi si Coach Tai sa building and sabi nila Sir Alan ako nalang daw magsabi sa inyo" sabi ni coach ed.

"Coach Tai decided that he will retire from coaching dahil ayaw niya ng malayo sa family niya" dagdag ni coach ed. Ito na nga yung sinabi ni Deanna sakin na aalis si Coach Tai, nakaka lungkot para sakin kasi kung kailan kuha ko na yung system niya tsaka naman siya aalis hays.

"Eh paano yan Coach ongoing yung PVL?" tanong ni ate mich.

"Girls I know you have a lot of questions pero wait lang let me finish first" sagot ni coach ed.

"Yes Coach Tai is going home to Thailand but luckily makaka pagstay pa siya hanggang matapos yung taon, so that means we still have him until the open conference and then after nun he's retiring na" paglilinaw ni coach ed samin. Mabuti naman pala, at least may ilang buwan pa kami na makakasama namin siya bago siya magretire.

"Coach Tai also left Ateneo, si Coach Oliver Almadro na yung maghahandle sa Lady Eagles ngayon" dagdag ni coach ed.

"Don't lose your focus girls especially mag sesemi-finals na in a few weeks, make it a motivation instead, we have to win the championship for Coach Tai" sabi ni coach ed.

"Coach Ed is right, gawin nalang nating motivation to okay? Walang mawawala sa focus girls" sabi ni ate ly.

"Okay happy heartstrong in 3 ha" sabi ni ate ly then naghuddle kami.

"Creamline!" sigaw ni ate ly.

"Happy heartstrong!" sagot namin.

"Sige girls you can go shower na" sabi samin ni coach ed. Tinignan ko naman agad yung bench kung saan lagi naghihintay si Deanna, nakita ko agad siya tapos ngumiti ako sa kanya.

"Tired baby?" tanong niya then pinunasan niya yung pawis ko. Hays nakaka wala naman ng pagod tong cutie na to.

"Kamusta yung first meeting niyo kay Coach O?" tanong ko sa kanya.

"It's okay naman, sabi niya he wants us to have faith, trust, and courage tapos he also said that our training will begin in June" sagot ni deanna sakin.

"Hmmmm mabuti naman B para mahaba yung preparation niyo" sabi ko.

"Sige B shower ka na, ambaho mo na eh" asar sakin ni deanna.

"Hoi grabe ka, wag kang didikit sakin pag nakaligo na ko ha" reply ko.

"Joke lang B, love naman kita kahit mabaho ka" sagot niya. Pumunta na ako sa shower room namin and then naligo na ako.


.....


"Ate Jia alis na kami ha" paalam ko kay ate jia.

"Ai sige ingat kayo, sasabay ba si Kyla sa inyo?" tanong ni ate jia.

"Hindi Ate Jia magkikita kami nila Pons ngayon eh" sagot ni kyla.

"Sabay ka na lang samin ni Ly may pupuntahan din kami eh, baba ka nalang namin saan ba?" sabi ni ate jia.

"Ai sige Ate Jia sabay nalang ako sa inyo, sa Megamall kami eh" reply ni kyla.

"Sige Ate Jia, Kyla ingat kayo ha" sabi ko.

"Byeeeeeeeee" paalam din ni deanna then umalis na kami. Since 1 PM pa lang naman and 4 pa naman yung laban ni cy, kumain muna kami sa Pancake House na malapit sa may San Juan Arena kung saan gaganapin yung laban ni cy.

Thick and Thin (GaWong) Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt