Chapter 3: The Staredown

11.6K 165 0
                                    

Jema's POV

Sunday ngayon and may game kami mamaya against Ateneo. It's 9 AM and kakagising ko lang. Syempre ginawa ko muna yung morning rituals ko before ako kumain. Hindi kasi ako sanay ng kumakain muna bago maligo. Since ako lang naman dito sa apartment ko, usually ako yung nagluluto ng mga pagkain ko tapos minsan naman nagpapa deliver nalang ako o kaya sa labas nalang ako mismo kumakain.

Since 11 AM pa naman yung call time namin sa chapel sa school ginamit ko muna yung cellphone ko. Kinamusta ko yung pamilya ko sa Laguna, syempre malayo ako sa kanila kaya lagi ko sila kinakamusta. Tinext ko yung ate ko, si Ate Jovi yung mas nakaka tanda sakin kaso hindi siya nagreply. Kaya naisipan kong tumawag sa mas bata ko pang kapatid na si Mafe, naglalaro din siya ng volleyball setter yung position niya tsaka maglalaro na rin yan sa UAAP soon kasi may mga kumukuha na sa kanya and ggraduate na siya sa Senior High School.

"Hello ate? Bakit?" Unang rinig ko sa boses ni mafe.

"Wala lang masama bang tumawag?" sagot ko naman dito.

"Sussssss miss mo lang ako eh" pangaasar niya sakin.

"Hindi ah si Ate Jovi kasi hindi sinasagot yung mga texts at chat ko kaya naisipan kong ikaw nalang tawagan ko" sabi ko sa kanya.

"Ahh okay" maikling sabi nito sakin.

"Bat ka nga tumawag? May ipapasabi ka ba kay Ate Jovi?" tanong ulit sakin ni mafe.

"Tatanungin ko sana siya kung ano ng desisyon mo" sagot ko kay mafe.

"Ate hindi pa ko nakaka pagdecide okay? Ako nalang mismo magsasabi sayo kapag nakapili na ko ng school, chill ka lang muna diyan" sabi niya sakin.

"Eh kasi gusto ko lang na may makasama na ko sa apartment ko ang lungkot kaya" dagdag ko dito.

"Magjowa ka na kasi ulit para may makasama ka na lagi" pagbibiro ni mafe.

"Ayoko nga focus muna ako sa paglalaro ngayon no, tsaka ko na gagawin yan pag may nagustuhan na talaga ako" sagot ko sa kanya.

"Sussssss sige na bye na papasok na ko ate" paalam niya sakin.

"Ai sige bye ingat ka ha alagaan mo sarili mo pati sila mama ha tsaka sabihin mo kay Ate Jovi na itext ako" sabi ko dito.

"Okay ate ikaw din diyan, hanap na ng jowa byeeeeee" pahabol ni mafe bago putulin yung tawag ko.

"Loko ka talaga" sabi ko ng marinig ko yung huli niyang sinabi.

Pagkatapos kong kausapin si Mafe nagligpit na ko ng gamit ko at umalis na sa apartment ko. Pumunta na ko sa chapel kung saan lagi kaming nagkikita bago umalis every game. Lagi kasi kaming dumadaan sa chapel para magdasal. Pagkatapos naming magdasal tinawag na kami ni Coach Air para sumakay na sa bus at pumunta ng MOA.

Nagstretching na kami at hinihintay nalang namin matapos yung first game. Maganda din kasi ang laban pero mukhang tatapusin na ng FEU eh. "And The Lady Tams defeated the Fighting Maroons in 4 exciting sets" narinig kong inannounce na sa Arena. Maya maya pumasok na kami sa loob ng court to warm up.

"This is the UAAP Season 80"

"It will be an exciting game between the Adamson Lady Falcons and the Ateneo Lady Eagles"

"Let's call out the starters for the Adamson Lady Falcons"

Narinig kong tinawag na yung pangalan ko at agad naman akong pumunta sa gitna at naghuddle saglit kasama yung mga teammates ko. After nun tinawag na din nila yung starters ng Ateneo and since nanalo ako sa toss coin kanina kami ang unang magseserve.









Thick and Thin (GaWong) Where stories live. Discover now