Chapter 12: Thoughts

7.9K 118 7
                                    

Jema's POV

Nagddrive ako sa kotse ko ngayon papuntang training namin and wala ako masyadong tulog kasi hindi ko din alam kung bakit I really tried na makatulog ng maaga pero wala eh ayaw. Kagabi I didn't stop calling Deanna kaagad I tried calling her ng maraming beses pero wala talagang sumasagot kaya I gave up na din wala naman akong magagawa kung ayaw niya eh at least I tried my best.

Nakadating na ko sa court and wala pa naman masyadong tao as usual si ate jia pa lang ang nandito tsaka si coach ed. Binaba ko na yung bag ko then umupo muna sa side para maghintay.

"Good morning jema" ate jia greeted me.

"Good morning din ate jia" I said casually.

"Kamusta?" tanong naman sakin ni ate jia.

"Okay lang ate medyo antok lang" sabi ko.

"Masasanay ka din jema don't worry" ate jia said then smiled kaya ngumiti nalang din ako pero naalala ko talaga si D ayokong masanay ng wala siya. Hays ano ba talagang nagawa ko? Bat hindi niya sinasagot yung mga tawag at text ko? nalulungkot na ko dahil sa kanya ha.

"Miguel saw you yesterday nagmamadali ka daw umalis?" sabi ulit ni ate jia kaya nawala naman yung pagiisip ko.

"Ahhh oo ate, may naghihintay kasi sakin sa baba eh paki sabi nalang kay Kuya Miguel sorry kung hindi ko siya nabati nagmamadali kasi talaga ako eh" sabi ko naman.

"Sus wala yun Jema, sayang kahapon may kasama kaming gusto ko sana mameet mo" sabi ni ate jia sakin.

"Sino yun ate?" tanong ko naman.

"Soon you'll know" sabi ni ate jia then pumunta na siya sa gitna ng court then inayos yung net namin kaya sumunod din ako para tulungan siya.

.....

Tapos na kaming magtraining nagbubuhat nalang kami ng mga weights for extra work.

"Ate ly alis na po ako ha" sabi ni kyla.

"Sige Kyla ingat ka and goodluck sa game niyo ha" sabi naman ni ate ly. Oo nga pala Semis na pala ngayon may laban Ateneo vs FEU.

"Sige girls we're finished for today pwede na kayo magshower" ate ly said.

Naligo na kami then umuwi na din since most of us manonood din ng UAAP mamaya kasi magandang laban eh. Niyaya din ako ni ate jia kanina pero tumanggi ako dahil gusto ko lang na nasa bahay ako ngayon.

Nagdrive na ko pauwi ng apartment ko pero before ako makauwi dumaan din muna ako sa jollibee para bumili ng lunch ko. I'm currently eating my lunch sa couch ko at hinihintay yung game ng Ateneo at FEU.

.....

"Ladies and gentlemen welcome to the UAAP Season 80 Women's Volleyball, you are going to witness the match of the Ateneo Lady Eagles vs the Far Eastern University Lady Tamaraws" narinig ko sa TV. Pinakilala na yung referees and then yung starters. Nakita ko si Deanna it looks like she's focus kasi seryosong seryoso yung mukha niya. Kaya siguro hindi niya ko sinasagot kasi she wanted to focused sa game nila. Sana nga yun lang sana nga tama ako.

.....

"And the FEU Lady Tamaraws eliminated the Ateneo Lady Eagles" sabi ng commentator.

Totoo ba to? Hindi naka pasok sa finals yung Ateneo? Huh? Nananaginip ata ako. Sinampal ko agad yung sarili ko after kong marinig yung TV. Good game pero hindi pa rin ako makapaniwala na tanggal na yung Ateneo I mean kasi alam naman ng lahat how dominant their team is pero mukhang kinulang sila this season.

For sure malungkot na naman si D nito pero wala akong magawa kahit gusto ko siyang makita at makausap. Maghihintay nalang ako sa text niya sana magtext siya.

Thick and Thin (GaWong) Where stories live. Discover now