Chapter 53: Unbelievable

6.9K 134 6
                                    

Jema's POV

Last night na namin dito sa Thailand. Kaninang umaga nakapasyal na kami at nakabili na rin ng mga pasalubong namin. Nakaka lungkot man na hindi kami nakapasok sa next round ng AVC dahil natalo kami sa first game namin, pero masaya pa rin ako kasi naipanalo namin yung laro namin kalaban ang Kazakhstan tsaka thankful pa rin ako kasi naexperience kong maging part ng National Team at irepresent yung Pilipinas.

"Uhm Jema tapos ka na ba gumamit ng bathroom?" tanong sakin ni Ate Denden Lazaro, sila kasi ni Ate Mika Reyes yung roommates ko eh.

"Ahhhh opo" sagot ko. Hindi naman sobrang layo ng agwat ng age namin nila ate den at ate mika, pero lagi pa rin akong nagsasabi ng 'opo at po' sa kanila kasi hindi pa ako sanay na makasama sila.

"Ikaw Mika hindi ka pa gagamit? I'll go first na ha" sabi ni ate den kay ate mika.

"Oo sige, maya-maya na ko" sagot naman ni ate mika and then pumasok na si ate den sa bathroom namin.

"Oh Jema last night na natin dito sa Thailand pero nahihiya ka pa rin samin" sabi sakin ni ate mika, mas lalo tuloy akong nahiya.

"Ah sorry po Ate, hindi pa po kasi talaga ako sanay na kasama kayo eh" reply ko then hinawakan ko yung batok ko.

"Sabagay first time mo naman kasi, pero alam mo dapat masanay ka na rin eh" sabi ni ate mika sakin.

"Ako nga eh, alam mo ba nung first time ko sa National Team ilang araw ako naging tahimik sa practice namin kasi hindi ako makapaniwala na napili ako" kwento niya.

"Talaga Ate? Eh bakit hanggang ngayon medyo tahimik ka pa rin?" tanong ko ng may halong asar. Tumawa naman kami parehas.

"Oi grabe ka Jema ha, hindi naman na masyado no tsaka mas tahimik ka pa rin sakin" asar naman sakin ni ate mika.

"Grabe no sobrang sarap sa feeling na marepresent mo yung country mo?" sabi niya tapos tumango ako.

"Sobra nga po eh, sobrang nakaka taba ng puso maglaro" reply ko.

"Pero seryoso ako sa sinabi ko sayo kanina ha, dapat masanay ka na kasi alam ko namang sa mga susunod na taon marerepresent mo pa rin yung Pilipinas" sabi niya pa sakin.

"Sana nga po eh" sagot ko dito.

"Jema bata ka pa naman tsaka nakikita ko naman na malaki pa yung potential mo na mas lalo pang gumaling sa volleyball, just keep on working hard and always give your best para mas malayo pa ang marating mo" payo sakin ni ate, napangiti naman ako sa kanya.

"Opo Ate, thank you po sa advice" sabi ko.

"Hahahahaha wala yun, kung makasabi ako ng advice no akala mo anlayo na ng narating ko eh no" sabi niya then tumawa siya ulit.

"Proven naman na yun Ate, ilang beses ka na nga nagchampion sa UAAP tsaka sa Professional League eh" sagot ko then napangiti naman si ate mika.

"Swishieeeeees!" nagulat kami ng marinig namin yung tawag samin ni Ate Aby Maraño. Hindi pala namin nalock yung room namin haha.

"Oh Tyang bakit?" tanong ni ate mika sa kanya. Bigla namang pumasok din si Ate Mylene Paat.

"Bumaba na daw tayo sabi ng Coaches, dinner na swishies" sagot ni ate aby.

"Oh nasaan na yung isa pa nating swishy?" tanong ni ate mylene samin.

"Ah naliligo pa po si Ate Den sa loob" sagot ko.

"Hai nako Jema ilang beses ko ng sinabi sayo na wag kang gagamit ng 'po' kasi mas tumatanda kami lalo hahaha, oh speaking of matanda tapos na pala maligo si Swishy Den" sabi ni ate aby and then napatingin naman kami sa bathroom.

Thick and Thin (GaWong) Where stories live. Discover now