Chapter 39: LDR

6.4K 104 1
                                    

Jema's POV

*Ring* *Ring* *Ring*

Nagising ako dahil sa patuloy na pagtunog ng phone ko. Kinuha ko naman agad yung cellphone ko sa table na katabi ng kama ko. Nakita ko agad kung sino yung tumatawag 'BB' kanina pa siguro siya tumatawag, hays sige na nga hindi naman kita matitiis eh. Sinagot ko na yung tawag.

"Finally! Thanks for accepting my call" narinig kong sabi ni deanna.

"Ano yun?" tanong ko sa kanya.

"Anong ano yun? Why did you cut me off last night?" tanong niya din sakin.

"Ayoko kasing mas lumala pa yung away natin" sabi ko sa kanya.

"Away? Eh kaya lang naman tayo nagaway kasi you ended the call" sagot niya.

"Look I'm sorry okay? Are you still mad?" dagdag ni deanna.

"Hindi naman ako galit B, ayoko lang na hindi kayo maging okay ng Daddy mo dahil sakin" sagot ko sa kanya.

"Okay lang naman kami eh, the rest of the family naman they're okay with it" sabi niya.

"They said that they will support me as long as I'm happy, and I'm the happiest when I'm with you Jema" dagdag niya, naramdaman ko naman sa boses niya kung gaano siya ka sincere sa sinabi niya.

"Look baby kailangan ko na rin talaga sabihin sa kanila sooner or later okay? Kasi I want to be honest na sa kanila, and gusto ko na makilala ka agad nila kasi you're my first ever girlfriend eh" sabi niya pa.

"Hays okay po" reply ko. Siguro nga tama si kyla sa sinabi niya na kung mahal talaga siya ng daddy niya, kaya siyang tanggapin nito. Sobrang na appreciate ko yung ginawa ni deanna para sa sarili niya, sakin, at sa relationship namin, nararamdaman ko kung gaano niya ko kamahal at kung gaano siya ka sincere sa kung anong meron kami. Pero somehow hindi ako magiging okay hanggang hindi nakaka pagusap at nagkakayos si deanna at ang daddy niya. Ayokong mabago yung buhay ni deanna dahil lang dumating ako sa kanya, gusto ko lang na maging okay ang lahat.

"I'll try to talk to Dad okay?" sabi ni deanna.

"Okay good, ayusin niyo yan B ha?" reply ko.

"I hope I can change his mind B, I really hope so" sagot niya.

"Basta whatever happens nandito lang ako okay? Kung hindi man tayo matanggap ng Daddy mo ngayon sana soon magawa niya rin yun" sabi ko.

"I love you B, sorry kung binabaan kita ng tawag kagabi" dagdag ko.

"I love you too BB and it's okay, pero sana wag mo na ulit i-ignore yung calls ko pwede? Ang hirap pala maging LDR nagwoworry ako every minute eh" reply ni deanna.

"LDR ka diyannnnnn, pero same BB I miss you na agad" sabi ko.

"I miss you too B but don't worry LDR lang naman tayo for now pero pagbalik ko diyan hindi na ulit ako aalis sa tabi mo hehe" sagot ni deanna.

"Talaga lang ha? Can't wait to see you again BB" reply ko naman.

"Me too B, I miss your hugs na nga eh" sabi niya naman.

"Awwwwwwwww hayaan mo pagbalik mo dito ihhug kita ng sobrang higpit" sabi ko.

"That would be so nice baby, I will totally enjoy that" sagot ni deanna.

"Pero enjoy mo din muna yung time mo diyan kasama yung family mo okay? Ingat ka diyan ha?" sabi ko.

"Yes B ikaw din diyan" reply niya.

"Sige na po maliligo po muna ako, text nalang kita BB ha" paalam ko dito.

"Okay B they're calling me na rin eh" sabi niya.

Thick and Thin (GaWong) Where stories live. Discover now