Chapter 10: Someone

8.4K 134 10
                                    

Jema's POV

Nagising ako dahil sa malakas na tunog ng TV. Shit oo nga pala I was watching Stranger Things kanina di ko man lang pinatay yung TV sayang kuryente. Nagprepare muna ako ng dinner ko which is salad then tinuloy ko yung panonood ko ng TV habang kumakain since it's 8:24 PM pa lang and alam kong 9 pa yung tapos ng training nila deanna.

Maya maya tumunog naman yung phone ko kaya tinignan ko agad kung sino nagtext.

Cy: Je uuwi ako diyan bukas baka naman gusto mo magpakita😂

: Tse ikaw nga yung di nagpapakita diyan😒

Nireply ko kay Cy. Ahhh oo nga pala si Cy is childhood friend ko parang part of the family na din yan. Matagal na kaming magkakilala pero lately di ko na siya masyado nakakasama kasi siya yung nagmamanage ng business nila sa Pampanga ngayon kasi may sakit pa si Tito.

Cy: Babawi na nga eh labas tayo bukas Je😁

: Bakit libre mo ba?😂😂😂

Cy: Oo na miss lang kitang asarin kaya ililibre kita😂

: Sige after training samgyup tayo😁

Cy: Sige text mo nalang ako bukas maaga naman ako dadating diyan😁

Di na ko nagreply sa kanya kasi tinatamad na kong magtype. Nakita ko naman yung oras 9:11 na pala text ko nga yung future jowa ko hahahaha napaka feeler ko talaga.

: Dorm ka na po? Nagdinner ka na?

Text ko sa kanya kasi late na baka di pa din sila tapos sa training nila. Hindi naman siya natagalan magreply.

D: Yes po we're eating pa lang

D: How about you?

Bumangon naman ako sa sala para humiga na sa kama ko dahil inaantok na din ako then nagreply na ko sa text niya.

: Tapos na ko kumain nasa kama na ko trying to sleep😊

D: Oh okay try to get some sleep na then😊

D: What time yung practice niyo bukas?

: Yes po I will

: 6 - 10 AM po😊

D: You should sleep na pala maaga pa yung training niyo bukas😊

: Okay po ikaw din good night D😊

: Thank you for today😊😘

Pakiss emoji ka pa diyan Jema napaka harot mo talagang babae ka hays. I tried to wait for her reply pero medyo natagalan kaya nakatulog na din ako.

.....

Nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock ko 4:30 na pala. Kumilos na agad ako para makaalis sa apartment ng mga 5:20 since hindi naman kalayuan sa apartment ko yung upper deck kung saan yung training namin.

Yung natira kong salad nalang din yung binreakfast ko kasi pag nagluto pa ko malelate na ko. Kinuha ko na yung mga gamit ko at naggrab na ng sasakyan ko. Since kakain naman kami ni Cy sa labas mamaya nagdecide ako na wag na dalhin yung kotse ko. Nakarating naman agad ako sa upper deck then nakita ko sila ate ly at ate jia tapos sila coach tai na nandun na sa court.

"Hi jema good morning" bati sakin ni ate ly.

"Hello ate good morning din" sagot ko naman kay ate ly then ngumiti ako.

"Jema may pandesal na dala sila Coach Ed oh gusto mo?" yaya sakin ni ate jia kaya kumuha na din ako.

Nakumpleto naman agad kami then nagstart na kami ng training. Tuwing may advice na binibigay naman sakin yung mga coaches namin sinusunod ko agad para mas maintindihan at masanay na ako sa system nila.

Thick and Thin (GaWong) Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin