Chapter 59: Unexpected

7.1K 139 7
                                    

Jema's POV

*Ring* *Ring* *Ring*

Nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock ko, 6 AM na pala kailangan na naming kumilos ni Deanna para umalis.

Napatingin naman ako sa katabi ko sa kama, ang sarap sarap pa ng tulog nito habang naka yakap sa waist ko. Parang ayoko pa tuloy siya gisingin.

"Baby" tawag ko sa kanya tapos hinalikan ko siya sa cheek niya.

"Hmmmmmm" reply ni deanna pero hindi niya pa rin binuksan yung mga mata niya.

"Gising ka na" sabi ko pa tapos bumangon ako sa pwesto ko para dumagan sa kanya at yakapin siya.

"Babyyyyyyyyyy" gising ko ulit sa kanya.

"Gising na, kailangan na natin umalis" sabi ko sa kanya tapos tumingin ako sa mukha niya. Nakita ko namang naka nguso na ito.

"Ano yan Deanna Wong?" tanong ko sa kanya.

"Where's my good morning kiss?" reply niya sabay dilat ng mga mata niya tapos ngumiti sakin.

"Anong good morning kiss ka diyan, hindi pa nga tayo nagtotoothbrush eh" sabi ko sa kanya tapos tumayo na ko sa kama para lumabas na ng kwarto. Kaya lang hindi ko ito natuloy dahil hinila ako ni Deanna pabalik kaya nabagsak ulit ako sa kama.

"You can't leave the bed without giving me a kiss" sabi ni deanna tapos niyakap niya ko ng mahigpit para hindi ako makawala.

"Deanna Wongsttttttt ang landi mo, ang aga-aga eh" reply ko sa kanya.

"C'mon B just give me one kiss so that we can both get up from this bed" sabi niya. Binigyan ko naman siya ng isang halik sa forehead niya tapos sabay tayo ako sa kama.

"Maligo ka na, magluluto muna ako ng breakfast natin" sabi ko tapos nakita kong tumayo na rin si deanna sa kama ko.

"I think it's better if we go shower together" reply ni deanna and then ngumiti siya ng nakaka loko.

"Che! Pumasok ka na nga sa bathroom" sagot ko tapos hinagisan ko siya ng towel sa mukha. Nasalo niya naman to tapos nagwink pa siya sakin bago pumasok ng bathroom. Hay nakooooo ang kulit talaga nitong girlfriend ko.

Lumabas na ko para maghilamos ng mukha ko tapos nagsimula na rin akong magluto ng food namin.

.....

"Hmmmm ang sarap ng fried rice mo B" sabi ni deanna after niyang matikman yung niluto kong fried rice at bangus.

Kumakain na kami ngayon ng breakfast namin and tapos na rin maligo si Deanna pero ako maliligo palang.

"Kumain ka rin ng mangga, naghiwa ako diyan" sabi ko sa kanya tapos tumango naman siya.

"Wala na rin bang pasok sila Tatay?" tanong niya sakin.

"Wala na B, kaya sakto yung pagpunta natin doon mamaya" sagot ko tapos sumubo ako ng pagkain ko.

"I'm sooooo excited" sabi ni deanna.

"Sa beach?" tanong ko.

"Yeah and also to Laguna kasi it's only my 1st time to go there eh" sagot niya ng naka ngiti.

Nagdecide kasi kami na pumunta muna sa Laguna bago kami dumiretso ng Batangas para dumaan kila Nanay at doon nalang maglunch mamaya. Hindi na kasi pwede tong si Deanna Wong sa December 16 - 21 kasi magkakaroon na sila ng thrice a day training sa team nila bago sila magka Christmas Break at payagan umuwi sa mga probinsya nila.

"Wag kang magexpect masyado sa bahay namin ha, simple lang kasi yung pamumuhay namin sa Laguna eh" sabi ko kay deanna.

"I know that B, and don't worry being simple is one of my favorite things about you" reply ni deanna tapos ngumiti siya sakin. Awwwwwwwww ang cute talaga ng girlfriend ko.

Thick and Thin (GaWong) Where stories live. Discover now