Chapter 6: First Meeting

9.8K 160 6
                                    

Jema's POV

1st set pa lang pero sobrang dikit na ng laban. Lumalamang naman yung parehas na team pero nahahabol agad ng kabilang team. Lamang yung DLSU ng 3 ng ma block ni Deanna si Ogunsanya napa palakpak naman ako dito.

"Deanna Wong says no entry"

"Jho Maraguinot magseserve" sabi ng announcer.

After ni Jho magserve napalakas naman yung receive ng DLSU kaya bumalik agad yung bola sa Ateneo. Kinuha ni Ponggay yung bola binigay niya kay Deanna then si Deanna naman tinawid yung bola sa gitna ng La Salle dahil butas at walang tao.

"Back to back points for Deanna Wong" sabi ng announcer.

Grabe ka naman D masyado mo kong pinapahanga sa paglalaro mo, baka magustuhan kita lalo hehe. Nagserve na ulit si Jho kaso lang napalakas yung palo niya kaya lumabas yung bola. Nagka set point advantage na yung La Salle ng maka ace si Kim Dy kaya nakuha nila yung 1st set. Nagpalitan na ng court at magsisimula na yung 2nd set.

"Number 6 Cobb will serve"

Sobrang daming errors na nagawa ng Ateneo kaya umabot yung score na 19 - 11 tumawag naman agad si Coach Tai ng timeout. Naka 4 straight points naman agad yung Ateneo after ng timeout kaya medyo nahabol pa nila yung score ng La Salle kaso lang dahil sa poor floor defense ng Ateneo kaya natapos yung 2nd set ng 25 - 19.

Bawi Ateneo kaya niyo yan! D kaya mo yan ichcheer pa kita lalo para maipanalo niyo!! Yan yung mga sinasabi ko sa sarili ko ng mag 15 - 15 ang score nila sa 3rd set. Pero dahil sa blockings at magandang offense ng DLSU kaya tinapos nila yung game ng 25 - 22.

"And the Lady Spikers defeated the Lady Eagles with straight sets" narinig ko sa loob ng Araneta.

Hays sayang talo Ateneo sigurado akong malungkot si Deanna nito pag nagkita kami mamaya. Nagkamayan na yung mga players then pumunta na sila sa dugout. Binuksan ko muna yung phone ko at nagtweet ako.

Nice game @deannawongst

Naghintay muna ako ng mga 30 minutes bago ko makita yung reply sakin ni Deanna.

Deanna Wong: Meet me in the dugout please I'm here na

After kong mabasa yung reply niya pumunta na agad ako sa dugout then nakita ko agad siya, nakasimangot at parang umiiyak pa. Lumapit ako sa kanya at niyakap ko agad siya. Hindi ko alam kung bat ko ginawa yun pero kasi gusto ko talaga siyang yakapin ng nakita ko siyang umiiyak.

"Awwwwwww wag ng sad you did your best naman" sabi ko sa kanya while I'm patting her back para icomfort siya. Bakit ganun ang sarap sa feeling ng kayakap siya tsaka parang kinukuryente ako.

We hugged for a while siguro mga 2 minutes din and all I can feel sa 2 minutes na yun ay parang nanlalambot yung katawan ko dahil sa yakap niya. Hays sana pwede ko siyang mayakap lagi.

"Thank you for coming Jema" sabi niya after she pulled back to face me.

"Syempre naman babawi ka pa sakin diba?" sabi ko dito at medyo napangiti ko naman siya.

"Oo nga pala shall we go?" sabi niya sakin.

"Okay tara" reply ko sa kanya then nagstart na kami maglakad palabas ng Araneta.

"So how's your day Jema? How's your first practice kasama sila ate jia?" tanong sakin ni deanna.

"Okay naman naninibago pa kasi iba yung system ni Coach Tai pero kakayanin naman" sagot ko dito.

"Well that's great, for sure you'll learn a lot of things kay Coach Tai like happy happy" reply niya sakin ng nakasmile. Natuwa naman ako kasi nakangiti na siya.

Thick and Thin (GaWong) Where stories live. Discover now