Chapter 55: Blue vs. Pink

6.3K 119 4
                                    

Jema's POV

Saturday ngayon and kakatapos lang ng training namin para sa game namin bukas against Ateneo Motolite. Finally makakalaban na rin namin sila Deanna, ang tagal din naming hinintay to no. Last game na kasi namin bukas para sa 1st round ng Open Conference and parehas kami ng Ateneo Motolite na mayroong 5 wins and 1 lose kaya sobrang importante talaga ng game bukas kasi kung sino yung mananalo dun sila na yung mangunguna sa standings.

Maganda naman yung pinapakita namin ngayong Open Conference, kasi after namin matalo sa Pocari-Air Force bumawi naman kami sa mga sumunod naming games kaya nagka 5 - 1 record kami. Syempre magaling kasi yung mga coaches and teammates ko eh hahaha.

"Hoi Jema kanina ka pa nakaupo diyan, aalis na tayo ghorl" napatigil ako sa pagiisip ko ng marinig kong tawagin ako ni kyla.

"Huh?" tanong ko.

"We're going na, nandyan na daw yung bus" sagot naman ni ate jia. Yung game kasi namin bukas is out-of-town kaya kailangan pa naming bumyahe ngayon papuntang Bulacan kasi doon gaganapin yung game bukas.

"Ai sige wait lang, kunin ko lang yung maleta ko" sabi ko.

"Nandun na lahat ng luggage sa bus" reply ni ate jia. Huh?

"Kanina ka pa kasi tulala diyan, sabog ka ghorl?" sabi ni kyla sakin tapos tumawa naman si ate jia. Ganun na ba ako katagal magisip? Hahahahaha.

Sumakay na kami sa elevator para bumama at umalis na ng Upper Deck. Naglalakad na kami papunta sa bus ng may tumawag ng pangalan ko kaya napatigil kami sa chikahan namin nila kyla.

"Jema!" tawag sakin, agad naman akong tumalikod para makita kung sino yun. Nagulat ako ng makita ko siyang nakatayo sa gilid, may dala dala pang paper bags.

"Babyyyyyyyyy" tawag ko rin sa kanya tapos tumakbo ako para lapitan siya.

"Anong ginagawa mo dito? Kanina ka pa diyan?" tanong ko kay deanna ng naka ngiti.

"I'm here to send you off, aalis na kayo papuntang Bulacan diba? And hindi naman I just got here lang rin" sagot niya habang naka ngiti rin. Hayyyyyy nako ang sweet naman nitong Deanna Wong ko pumunta pa talaga dito. Last week ko pa kasi sinabi sa kanya na mauuna kaming pumunta ng Bulacan sa team nila, akala ko naman nakalimutan niya.

"Awwwwwwwwww" I replied, still smiling.

"I bought these for you pala B, I know that you'll be hungry on your way to Bulacan eh" sabi niya tapos inabot niya sakin yung dalawang paper bags na hawak niya.

"Ano to?" tanong ko sa kanya bago ko kunin yung paper bags.

"It's just some donuts and a 'Coco', I went to UP Town kasi real quick eh" sagot niya.

"Oh ano namang ginawa mo sa UPTC Deanna Wong?" tanong ko ulit sa kanya.

"I bought you that" sabi niya tapos sabay nguso sa paper bags na hawak-hawak ko na ngayon. Ang cute naman ng bebe.

"Thank you pooooo" sabi ko sa kanya tapos I leaned to her shoulder tapos niyakap ko siya patagilid.

"Ano ba yan, parang hindi naman magkikita bukas" asar samin ni kyla.

"Bukas pa kasi yun, iba yung ngayon" reply ko then ngumiti naman si deanna.

"Ang landiiiiii naman Je" sabi ulit ni kyla.

"Oh Deans you're here pala, no classes today?" sabi ni ate jia kay deanna.

"I just finished my classes Ate, buti nga naabutan ko pa kayo dito eh" sagot ni deanna.

Thick and Thin (GaWong) Onde as histórias ganham vida. Descobre agora