Chapter 64: ADMU-UST

6K 100 2
                                    

Jema's POV

"Hoi Jema anuna bes? Kanina ka pa wala sa wisyo" sabi sakin ni kyla.

Nasa Upper Deck kami ngayon para sa training namin with our new head coach na si Coach Li. Galing siyang China and siya yung kinuha ng Creamline dahil nagalingan sila sa kanya.

Actually last month pa kami nagttraining under the new system and so far okay naman. Medyo nagaadjust pa kami kasi nga bago yung systema para samin, pero kinakaya naman namin intindihin si Coach Li.

"Hindi kaya" reply ko kay kyla.

Kakatapos lang ng first training namin and meron kaming 2 hours lunch break before magstart yung second training namin later.

"Hayaan mo na yan Kyla, lutang talaga yan ngayon hindi ba naman alam kung sinong susuportahan eh" sabi ni ate jia.

"Ahhh oo nga pala may game pala ngayon yung Ateneo vs UST no?" sabi ni kyla tapos tumango naman si ate jia.

"Oh ano naman? Kailangan ba talagang pumili ng side? Hindi ba pwedeng kahit sino nalang sa dalawang team?" sabi ko sa kanila.

"Sus dami pang sabi nito, so who do you really want to win the game later?" tanong ni ate jia sakin.

"Ateneo o UST? Si Deanna o si Mafe? Jowa o kapatid?" tanong rin ni kyla. Hai nako nangungulit nanaman tong mga to sakin, sanay na sanay na kaya ako sa mga pangaasar nila.

"Kahit sino nalang, tsaka loyal ako sa Adamson no" sagot ko sa kanila ng naka ngiti.

"Ai undecided talaga siya" sabi ni ate jia tapos tumango naman si kyla sa kanya.

"Kahit sinong manalo okay lang no, gusto ko lang maging maganda yung laro parehas ni Mafe at ni Deanna ngayon" sabi ko sa kanila.

"Awwwwwww sad ka ba Je kasi hindi ka makakanood ng live mamaya dahil sa training natin?" sabi ni kyla sakin, nagpout naman ako.

"Sayang nga eh, pero okay lang feeling ko naman magiging magkalaban ulit sila" reply ko.

"Wow may final four prediction na agad siya" pangaasar sakin ni ate jia.

"Ang taray mo talaga Je ha may pahula-hula ka na ngayon, pero okay lang talaga yan kahit di ka makanood ng game nila ngayon kasi nakanood ka naman ng live nung naglaban yung Ateneo at UST nung 1st round diba?" sabi ni kyla.

"Oo kasama ko nun sila Cy" sagot ko tapos ngumiti naman kami ni ate jia kay kyla ng nakakaloko.

"Oh bat ganyan kayo makangiti diyan?" tanong ni kyla.

"Crush mo yun si Cy diba?" sabi ni ate jia kay kyla.

"Ayieeeeeeeee" pangaasar ko rin kay kyla.

"Oi Ate Jia ang galing mo gumawa ng kwento, fake news yan no magkaibigan lang kami nun" pagtatanggi ni kyla.

"Magkaibigan nga ba o baka magka-ibigan na?" asar ko pa sa kanya tapos tinawanan namin siya ni ate jia.

"Hai nako Kyla kung ako sayo I'll go for it, matagal naman na din kayong magkakilala tapos single ka and then single rin siya" sabi ni ate jia.

"Oo nga try niyo lang, malay niyo kayo pala talaga ni Cy yung meant for each other" dagdag ko pa.

"Ewan ko sa inyo mga baliw na kayo, mauuna na nga ako sa baba" sabi ni kyla tapos naglakad na siya palabas ng court.

"Hoi hintayin mo kami!" sigaw ko sa kanya.

"Bilisan niyo!" reply ni kyla.

"Oo na, ito na nga oh" sabi ni ate jia tapos sumunod na rin kami kay kyla para kumain sa baba ng lunch.

Thick and Thin (GaWong) Where stories live. Discover now