Chapter 50: Idiot

5.9K 100 1
                                    

Jho's POV

*flashback on*

Kakababa ko lang ng kotse ko galing sa groupings namin, madami kasi kaming ginawa at pinagusapan kaya nalate na rin ako sa paguwi ng dorm. Naglalakad na ko papuntang dorm kasi medyo malayo pa yung napagparkan ko ng kotse ko ng makita kong lumabas bigla si Maddie ng dorm habang umiiyak. Bat may dala siyang bote? Uminom ba sila? Bat kaya umiiyak si Mads? Ngayon ko lang siya nakitang ganto ah. Lasing ba siya? Tatakbo na sana ako papunta sa kanya para tanungin siya pero nakita kong sumunod si Ate Jia sa kanya tapos niyakap siya.

"Maddie stop crying, bumalik na tayo sa loob" narinig kong sabi ni ate jia.

"Ayoko ring umiyak Ate Jia pero hindi ko na kasi kayang pigilan, lagi nalang si Jho yung hinahanap ni Bea kahit ako naman yung laging nandyan para sa kanya" nagulat ako ng marinig ko yung sinabi ni maddie. Ako? Bakit nadamay ako dito?

"Mads we can't do anything about it, you have to control your feelings to Bea" sabi ni ate jia. May gusto si Maddie kay Bea? Huh kailan pa?

"Ang sakit kasi Ate Jia eh lagi nalang si Jho lang yung napapansin niya, lagi nalang siya 'Where's Jho?' , 'Nakauwi na ba si Jho?' , 'I'll wait muna for Jho' , 'Sabay nalang kami ni Jho' napupuno na ko kasi lagi niya nalang ako tinatanggihan dahil kay Jho" sabi ni maddie.

"Mads lasing ka na, let's go back inside para makatulog ka na" saway ni ate jia.

"No Ate Jia I have to release this now, ang tagal ko na ring tinatago to" sagot ni maddie.

"Matagal ko ng mahal si Bea pero hindi ko masabi-sabi sa kanya yung nararamdaman ko dahil alam ko namang si Jho yung gusto niya, I'm hurting because I envy Jho, I want to be Jho para ako nalang yung mahal at laging pinapansin ni Bea" sabi pa ni maddie. Hindi ko alam na ganyan na pala yung nararamdaman ni maddie, sobrang hindi ko inexpect na may gusto pala siya kay bea.

"Mahal ko si Jho pero ang tanga niya kasi hindi niya nakikita kung gaano siya kamahal ni Bea, ang tanga niya kasi hindi niya kayang masuklian yung pagmamahal na binibigay sa kanya ni Bea, ang tanga niya kasi binabalewala niya lang si Bea" dagdag pa ni maddie. Napaisip tuloy ako sa mga sinabi niya, totoo naman din kasi eh ang tanga ko talaga.

"Bea pansinin mo naman ako oh ako naman yung nandito kaya sana ako nalang, hindi naman kita papaasahin sa wala, kaya rin naman kitang pasayahin katulad ng ginagawa ni Jho, kaya kong ibigay yung pagmamahal na hindi kayang ibalik sayo ni Jho, hinding hindi kita sasaktan Bea kaya please sana ako nalang yung mahalin mo" sabi ni maddie tapos mas lalo pa siyang umiyak.

"Maddie stop, baka may makarinig pa sayo eh" sabi ni ate jia kay maddie tapos niyakap niya ulit si maddie.

"Mahal na mahal ko si Bea, I don't know how can I unlove her Ate Jia hindi ko alam kung paano mawawala yung nararamdaman ko sa kanya" sabi ni maddie habang umiiyak. Maya maya hinila na rin ni Ate Jia si Maddie pabalik ng dorm. Bumalik naman din ako sa kotse ko para pumunta sa favorite coffee shop ko. Hindi ko kasi alam kung paano ako uuwi sa dorm after ng mga nalaman ko. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong gawin.

.
.
.
.
.

*flashback off*

Pagkatapos umalis ni Deanna sa apartment ko, tinry kong libangin yung sarili ko pero hindi ko pa rin mapigilan umiyak. Sobrang nagsisisi kasi ako, napaka tanga ko talaga wala na kong ginawang tama sa buhay ko. Bea de Leon na yun pero pinakawalan ko pa, hindi ko rin alam pero sobrang natakot talaga kasi ako sa mga sasabihin ng tao. Sila Mama alam kong mahihirapan sila sa pagtanggap samin, yung mga fans alam kong kahit na yung iba sa kanila gusto kami marami pa ring may ayaw samin. I regret that I chose the easier way instead of holding on to my relationship with Bea, nararamdaman ko namang mahal ako ni Bea eh. Ako lang talaga yung ayaw sumugal sa feelings ko sa kanya, kaya ito halos maubos na yung pagiyak ko dahil sa pagsisisi ko kasi bumitaw ako samin.

Thick and Thin (GaWong) Where stories live. Discover now