MRML 1: ELLA

2.3K 75 2
                                    


" Waaaah! Pumasa ako! Pumasa ako! Waaaah! "

Ella's P.O.V

grabe abot langit yung saya ko kasi finally makakapasic na ako sa academia de scholastica ang aking dream school. pang mayaman kasi yung school na yun eh, kaya yung mga kagaya ko sa scholarship lang umaasa. Haaay! I can't wait, ilang araw nalang pasukan na.

" Hoy! ano yang pinagtatalon mo dyan." sambit ng isang pamilyar na tinig na galing sa likuran lumingon ako at ngumiti sa kanya.

" Nay, pumasa po ako. makakapasok na po ako sa dati mong paaralan nay."

Ngunit imbes na batiin ako ng nanay ko ay tumalikod lamang ito. Dun kasi galing si inay, ngunit dahil sa nangyari sa kanya, nalumpo sya at di na nakapagtapos mag aral. kaya heto ako ngayon gagawin ko lahat maging proud lang siya sa akin. Oh! Academia De Scholastica here I come!

Hello readers, dada ako ng dada hindi pa pala ako nakapagpapakilala sa inyo. My name is Ella Amery Amat. tawag sa akin ay Ella, A probinsyana girl with very big dreams. Isa na dun ay ang maging proud si Inay sa akin. kaya ngayong Senior High na ako ay pinasok ko na itong Academia De Scholastica ito kasi ang dream school ko eh. Awa ni Papa God pumasa ako. Di na ako makapag-antay na makapag-aral dun.

" Ate Lala, wag ikaw ayis. yayaw ko ikaw ayis." Haaay napakacute talaga nitong half sister kong si Shayne kapatid ko lang sya sa ama, iba nanay niya pero kahit ganun mahal na mahal ko itong maliit na toh.

" Kelangan umalis ni Ate Lala eh para din naman sa inyo ni nanay ito bunsoy. "

Nagsimulang mangilid ang luha sa mata ni Shayne, di kasi siya mahal ni Inay kaya parang wala lang pake si Inay kay Shayne. Maaga din kasing kinuha ng heaven si Itay. Buti nalang andito rin ang pinakapanganay namin ang aking Ate Lei. tapos na syang magkolehiyo ngunit tambay pa rin sya wala daw kasing mahanap na matinong trabaho eh. pa racket racket nalang si Ate Lei bilang Singer sa isang bar dito. maganda rin kasi boses ni Ate eh. Kaya heto ako nalang ang nagsumikap na makapasok sa dream school ko. ang maganda kasi pag isa kang scholar ng Academia De Scholastica ay libre na sayo ang lahat from uniform to mga gamit pati titirhan ay may Villa na kung saan nakahouse lahat ng students ng school na yun. Exclusively for girls lang ang school kaya safe ako dun. mabilis kasi akong ma fall eh. tama nga siguro yung sinasabi nila na pag matalino ka bobo ka sa love. kasi achiever nga ako sa acads at non acads pero bagsak naman ako sa love. Buti nalang talaga walang boys dun sa papasukan kong school dahil kailangan ko talagang magsikap para maging top achiever din dun para maging proud si Inay sa akin.

3 Days after...

Heto na babyahe na ako papuntang Academia De Scholastica. Bukas na kasi ang pasukan kaya kailangan andun na lahat ng students ngayon para makapaghanda.

" Lala oh, dalghin mo na toh, kita ko yan sa racket ko kagabi, para pag may kailangan ka, makakabili ka. " Sambit ni Ate Lei sa akin habang inaabot nya yung pera, medyo mangiyak ngiyak na nga si Ate eh. kaya niyakap ko siya

"Salamat dito ate, malaking tulong na ito sa akin. Ate ikaw na bahala kay Shayne ha? alam mo namang init dugo ni inay sa kanya."

"Oo naman hindi sya masasaktan ni inay pangako yan. basta wag mo kami alalahanin, ikaw mag-iingat ka dun. iwas sa mga boys, kahinaan mo pa naman ang ma inlove. naku naku Ella ha?." Pagwawarn sa akin ni Ate Lei.

" Ate talaga, safe ako dun puro babae mga students dun. di naman ako pumapatol sa babae noh. hahahaha."

Nagtawanan kami ni Ate Lei at nagyakapan, tulog pa si Shayne kaya kami lang ni Ate Lei ang magkasama ngayon sa terminal. wala din si inay kasi tulog din. Matapos kong makapagpaalam sa kapatid ko ay sumakay na ako ng bus papunta sa maynila kung saan ang tagpuan ng mga students papunta sa Isla kung nasan ang School.

Halos 5 oras din yung biyahe at andito na ako sa tagpuan, grabe ang laking barko pala nitong sasakyan namin. parang cruise ship. nilibot ko ang aking paningin at talaga ngang mayayaman ang mga studyante ng school na ito.

" Hi! Newbie ka noh? " napalingon ako ng marinig ko ang boses ng isang babae, maganda sya at nakangiti sa akin.

" Ah Oo hehe.. Ella nga pala. ikaw baguhan ka rin ba?" Sambit ko habang inaabot ang kamay ko sa kanya, tumugon naman sya dito at nag shake hands kami.

" Nope, Since grade 7 pa ako student dito. by the way my name is Jem. " Nako sure ako mayaman toh since grade 7 pa daw sya sa school eh. at halata naman sa pustura niya. pinakilala din ni Jem sa akin ang mga kaibigan niya na naging kaibigan ko na rin. Sina Rans, Gia, Dana at Sheki. atleast di na ako lonely may mga new found friends na ako dito.

Tumunog na yung barko hudyat na pasasakayin na kami. kaya agad naman kaming pumasok sa barko. grabe parang cruise ship nga. ang laki.

" Ella, taga saan ka? ano business ng family nyo?." Sambit ni Gia habang ngumunguya ng chips.

" Nako di ako gaya nyo. di ako mayaman hahahaha, naipasa ko lang yung scholarship."

" Wow! ikaw na matalino girl!. " pumapalakpak na sambit ni Dana.

" Hahaha True! Nako Threatened na naman si Gabo nito. " Tawang tawa namang sambit ni Jem

" Gabo? sinong gabo? ." Lalaki ba yun? akala ko ba walang lalaki sa school na ito? sino yang gabo na sinasabi nila? at bakit threatened sya?

" Wait and see makikilala mo rin siya Ella girl. " nakangising sambit naman ni Rans.

Sino ba yang Mysterious na Gabo na yan? bakut parang di na ako makapaghintay na makilala siya? Lalaki ba yun? o babae? Haaay kaloka tung mga new friends ko nagpapathrill. Basta whoever thay Gabo is, hindi ako natatakot na makipagkompentensya sa kanya. May the best human wins nalang noh.

"My Rival; My Love"Where stories live. Discover now